"BILISAN mo!" hila ko kay Yanyan nang makalabas kami.
"Binibini paano nyo po nalaman na may maliit na butas sa bahaging iyong ng pader?" taka nito habang lakad-takbo naming tinatahak ang daan.
"Mahirap ipaliwanag!" sagot ko, "Pero mamaya na yan. Pumunta na muna tayo sa bayan!"
May ilang minuto rin kaming naglakad bago masapit ang bayan. Buhay na buhay ron at maraming tao. May naglalako ng mga maliit na sachet na gawa sa silk bilang pabango, hawthorn candies, mga kakanin, ibat ibang hair pin, alahas, kitchenwares, mga kagamitang panlinis, sapatos, maliliit na stall ng noodles at kung anu-ano pa. Lahat ay abala sa pamimili at pakikipagtawaran.
May ilang malalaking gusali rin kaming nadaanan na nagtitinda ng mga damit, mga furnitures, restaurant at tea houses. Lahat ay makaluma kaya nakakamanghang pagmasdan.
Iba-ibang klase ng karwahe ang dumadaan. Mayron namang nakakabayo lang. Kitang-kita ang pagkakaiba ng pananamit ng mga mahaharlika at simpleng mamamayan.
"Yanyan, saan tayo pwedeng magbenta nito? May alam ka bang black market rito?" bulong ko sakanya habang naglalakad kami.
"W-wala po Binibini, kinakabahan na po ako. Paano kung malaman ng Prinsepe na lumabas tayo?" para siyang maiiyak na ewan.
"Sinabi ko na sayo diba?" kawit ko sa braso niya, "Aakuin ko lahat kasi ako naman ang may gustong lumabas at pinilit lang kita. Pero sa ngayon, kailangan muna nating maibenta ang mga ito upang may panggastos tayo."
Patuloy kami sa bulungan nang isang tumatakbong kabayo ang lumitaw sa may harapan.
"Tabi!" sigaw ng sakay non.
Tinulak ko si Yanyan at sabay kaming nagdive sa may gilid ng kalye.
May ilang pang kabayo ang mabilis na dumaan. Mukhang hinahabol nila yong una na muntik nang makasagi samin.
"Binibini, ayos lang po ba kayo?" agad na bangon ni Yanyan at pinagpagan ako.
"Oo, ayos lang.. ikaw nasaktan ka ba?" usisa ko.
"Hindi naman po."
Sabay kaming tumayo habang nagpapapag.
"Mga Binibini.." isang binatilyo na nakaunipurme ng asul at may hawak na espada sa kamay ang agad na huminto at bumaba sa kabayo upang daluhan kami. "Paumanhin po sa abala, ayos lang po ba kayo?"
"Ayos lang.." wasiwas ko ng kamay, "Teka, isa ka bang opisyal?"
"Opo."
"Sino ba yong hinahabol ng pangkat nyo at parang gigil na gigil ang mga kasama mo?" usyoso ko.
"Isa pong preso na ililipat sana ng kulungan. Nagawa po niyang makatakas kaya nagmamadali po kaming mahuli agad siya. Kung hindi malalagot kami sa aming pinuno.."
"Ah.." tangu-tango ko, "Kaya pala."
"Mag-papaalam na po ako, mag-iingat po kayo."
"Sandali!" habol ko sakanya, "Ginoo, gusto ko lang sanang itanong may ilegal ba na mga pamilihan dito?"
Lihim na hinila ni Yanyan ang manggas ko. Napakunot-noo naman ang opisyal.
"Marami Binibini," kaswal pa rin nitong sagot, "Kaya maging mapanuri kayo sa inyong mga bibilhin at maging alerto sa mga mapagsamantala."
"Sige, salamat!" salute ko sakanya.
"Yah!" patakbo nito ng kabayo at nagpatuloy na.
Ngingiti-ngiti ako nang makaalis ito.
"Teka lang Binibini, bakit naman po kayo naghahanap ng ilegal na pamilihan?"
"Ganito kasi yan," inakbayan ko siya, "Kapag binenta ko 'to dito, maraming pwedeng makakita sa'tin kaya don tayo sa lugar na palihim."
BINABASA MO ANG
Lost In My Own Novel
FantasyWhen Lien was about to finish her novel, she suddenly felt a hit on the head and lost consciousness, unaware that she accidentally deleted all of her work. As she wakes up, she finds herself in an unfamiliar yet strangely familiar world. Lying on a...