Chapter 16 Taunang Pangangaso

232 14 0
                                    

TUMAYO si Yu Xuan at kinuha ang isang kahon na gawa mula sa kahoy. Pinanood lang niya ito habang maayos na isinilid don ang pana at mga palaso.

"Wag kang kabahan," wika nito, "Wala akong ibang nais ngayon kundi ang maibalik ang iyong alaala at maibalik sa dati ang lahat.." isinarado iyon, "Walang kinalaman si Rou Xuan-

-Ano ba talagang balak mo? Bakit ba nagpapanggap ka pa na wala kang masamang hangarin?" diin niya.

Huminga ito ng malalim.

"Kung nangunguna na sa iyong isipan ang mga hinala, wala nang saysay pa ang magpaliwanag ako sayo dahil hindi mo rin iyon paniniwalaan." makahulugang tugon ng binata.

"Wag mong saktan si Rou Xuan." diretsa niya, "Yon lang ang gusto marinig mula sayo, na hindi mo siya sasaktan kahit na anong mangyari!"

Napakuyom palad ito.

"Yi Ran!" bigla siya nitong hinalbot sa mga braso, "Ano bang ginawa niya sayo upang magkaganyan ka? Labis-labis na ang atensyon na ibinibigay mo sakanya samantalang ako ay nangungulila sa'yo!" kunot noo nito, "Bakit Yi Ran? Hindi ko maunawaan.."

"Bitiwan mo nga ako!" palag niya.

Kusa naman siya nitong pinakawalan, "Paumanhin, nadala lamang ako ng aking damdamin," suko nito, "Ngunit sa maniwala ka at hindi, hindi ko magagawa ang saktan ka kailanman."

"Kung ganon," taas noo niya, "Wag mong sasaktan si Rou Xuan dahil kapag may nangyari sakanya, kahit sino ka pa sa buhay ko ay kamumuhian kita hanggang kamatayan!" banta niya rito.

Nabakas ang magkahalong gulat, galit at lungkot sa mukha ng binata bago siya talikuran ng dalaga. Nanlalambot siyang napaupo. Narinig pa niya ang malakas na pagkalabog ng pinto nang lumabas ito ron.

"Kamahalan!" mabilis na tawag ni Zi Mo papasok upang siya ay daluhan, "Ayos lang po ba kayo?"

"Anong dapat kong gawin Zi Mo? Sa kanyang tono ay tila ba nahulog na siya sa aking kapatid. Pati ba naman sa puso ng nag-iisang babaeng pinakamamahal ko ay magiging karibal ko pa siya?" tanong nito, "Pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko upang bigyan siya ng malaking pabor?" sumbat niya, "Sa lumipas na panahon ang buong akala ko ay umaayon na sa plano ko ang lahat? Kasama ko na ang babaeng iningatan ko, napaniwala ko ang lahat na wala akong ambisyon at walang sinuman ang tumingin sa akin bilang isang banta, nakuha ko ang simpatya ni Rou Xuan at malapit ko na ring makuha ang pabor ng aking ama? Ngunit bakit sa isang iglap ay..." iiling-iling niyang nasapo ang mukha, "Bigyan mo ako ng alak Zi Mo.." sa halip ay utos niya.

"Sige po, kamahalan."

Tumulo ang luha sa mga mata niya nang tumalikod ito.

___

"BINIBINI, bakit po ngayon lang kayo?" taka ni Ming Yue pagbalik ko sa upo, "Ah, wala.. naligaw pa kasi ako sa lawak ng palasyo."

Nag-uumpisa nang uminom at magkainan ang mga panauhin. Sinilip ko rin ang pwesto ni Rou Xuan ngunit napasimangot ako nang makitang katabi nito si Lan Fen.

"Ming Yue, bakit nandon ang walang modong Prinsesa sa tabi niya?" turo ko sa direksyon nito.

"Ah, kanina po nong wala ka ay pinagpapareha po sila ng mga panauhin dahil pareho na silang nasa tamang edad upang magpakasal. Nababagay raw po sila para sa isa't-isa." kwento nito.

Sumikip ang dibdib ko kahit alam ko nang mangyayari ito. Nilingon ko si Su Yin at napakunot-noo nang makita kung saang direksyon ito nakatingin.

"Gou An?" kuskos ko sa baba.

Hindi ko alam na pupunta rin siya dito. Wala pa siya kanina nong lumabas ako. Napailing ako dahil malabo na talaga ang mga protagonists ko. Sa titig palang ni Su Yin sa kumander halatang may pagtingin na siya rito.

Lost In My Own NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon