Say all you want. That I always use my connections kaya ako nakakalaban, kaya ko nakukuhang maging matapang. What can I do? Yun lang ang kaya ko. Because I know to myself that I am weak, I am damn weak.
Mula bata pa lang ako palagi na akong nabubully dahil sa pagiging weak at iyakin ko. Ang tawag pa nga sakin nung bata ako is Cassypunin kasi nga sobra ako kung umiyak. Mabuti na lang at nandyan si Thunder para ipagtanggol ako kahit mukha din siyang lampa tulad ko. Mas matanda siya kay Spade kaya mas mature siya mag isip, si Spade kasi isa pa yon sa nangiinis sa akin. Pero kahit ganoon, I fell for him.
Nang magmigrate kami ng kapatid kong si Nicholas sa states, akala ko makakalayo na ako sa mga mapanglait na tingin ng mga tao, hindi pala. Mas malala pa ang naranasan ko, worst pala ang mangyayari sa akin don.
When I went in a high school there, there's a lot of bitches that keep on bugging me. Bullying me and make fun of me all around. I was a nerd back then, hindi marunong mag ayos walang alam kundi mag aral. Pinagkakatuwaan at minsan na akong pinahiya sa isa naming prom. Pinagbabato ako ng pie at pinahiya nila ako sa lalaking nagugustuhan ko noon. But I kept silence, hindi dapat malaman nila Dad kundi I'm sure na gagantihan nila ang mga taong nanakit sa akin. Mas malala nang sampung beses ang gagawin nila at ayokong mangyari yon.
Kaya nagbago ako. Sa pananamit, ugali at sa pakikitungo sa lahat ng tao. Ayokong naaapakan ako, ayokong inaaapi ako kaya ako bumangon at lumaban. Ayokong gumamit ng connection mula kay Dad kaya ako ang lumaban kahit alam ko naman sa sarili ko na natatakot ako. Ang Queen Bee ng school at ang mga kampon niya ay nagantihan ko. Nawala sila sa limelight at ako ang pumalit sa kanya. Naging miserable sila katulad ng nangyari sakin, ako naman ang nagparamdam sa kanila ng sakit. Sakit na naranasan ko.
When my Grandmom found out that I was being bullied before she told me na mas lumaban ako at wag akong paaapi. Because I am an Imperial, belongs to a powerful clan, ang pamilya na makapangyarihan at kinatatakutan. Kaya ginawa ko ang gusto niya. Kapag may nakakabangga ako noong nasa college na ako, I always use my name. Umikot sa ganoon ang buhay ko, until now.
Kakauwi ko pa lang pero dalawang babae na ang nakabangga ko at tinanggalan ko ng trabaho. Kung nagsisisi ako? Hell no. Hinding hindi ako magsisisi sa ginawa ko sa kanila. Iyon ang paraan ko ng paglaban, sa paggamit ng pangalan ko.
*knock on the door*
"Please come in." Bumalik ako sa pagharap ko sa trabaho at hinintay ang pumasok.
"Miss Cassy, hinihingi po ng board yung Income Statement ng company bukas. Paki-settle na daw po." She's Beatrice Solomon, my Secretary.
"Okay. Aayusin ko muna. I'll call you kapag okay na."
"Sige po, Maam. Salamat po." Nagbow siya tsaka siya lumabas sa office ko. Napahawak ako sa sentido ko at hinimas ito. Gosh, ang sakit ng ulo. Non-stop kasi ang work ko, sunod sunod kasi ang reports na hinihingi ng board tulad nito. Grabe nakakastress!
Magtatatlong linggo na akong nagtatrabaho sa company as the head accountant in Auditing Department at masasabi kong nag eenjoy ako at the same time naistress. Masyado kasing madaming ginagawa unlike on other departments, pa easy easy lang.
Nang di ko na kinaya ang head ache ko ay lumabas muna ako ng office para makapaglakad lakad ng sandali.
"Miss Cassy may kailangan po kayo? Sana po tinawagan niyo na lang ako para di na kayo nag-abalang lumabas ng office niyo." Sabi sa akin ng Secretary ko habang may bitbit siyang sobrang daming folders.
"No, Beatrice. I want to take a little walk. Medyo masakit kasi ang ulo ko but I'm fine."
"Ikukuha ko na po kayo ng gamot Miss Cassy para di na lumala ang sakit ng ulo niyo."
