Chapter Eight

330 6 0
                                    

Third person's point of view

When Spade got dumped from the Valderama's mansion, he decided to live alone in his condo. Sustentado pa rin siya ng pera ng Dad niya and also his Mom kahit may bagong pamilya na ito. He's still working at his Dad company kaya kahit papaano ay may ginagawa siya instead of hooking up all day and partying all night. What a great life. Sa isip isip niya.

Papauwi na siya mula sa trabaho nang makasalubong niya sa lobby ang kanyang kapatid, the great Thunder Storm fucker Valderama with his puppets. Ang kuya niyang paborito ng lahat, mahal ng lahat.

"Well well well, what we got here? The great Thunder Storm Valderama is still here." He smirked after he said these words to his brother. Napahinto sa paglakad si Thunder and humarap ito sa kanya.

"Of course, I am the CEO of this company that's why I am still here." Spade's jaw clenched nang sabihin sa kanya ito ng kanyang kuya. Mula pagkabata pa lang nila ay siya palagi ang may pinakamalaking nakukuha. Big room, big toys, big achivements, lahat na. Alam naman niya na anak siya sa labas ng Daddy niya kasi three years old siya nang kunin siya nito sa kanyang Mommy. Wala pa siyang muang non, but when he is growing up naiintindihan na niya ang lahat. His new family doesn't want him. He said to himself.

"Ikaw? Uuwi ka na ba? Dad wants to see you, umuwi ka na sa mansyon." Sabi sa kanya ng kuya niya. Napatawa naman siya sa sinabi nito. Tarantado ka pala e. Nakita mong pinalayas ako ng magaling mong ama sasabihin mong gusto akong makita nito? Kalokohan. Bulong niya sa isip niya.

"Anong nakakatawa, Spade?" Tanong sa kanya ni Thunder.

"Wag mo nga akong pinagloloko, Kuya." Diniinan niya talaga ang salitang kuya para mainis ito. "We all know na nabubwisit pa rin kayo sakin cause I stole your ten million pesos. So why are you still being fucking nice to me? Damn. You know I hate you right?" Sabi nito sa kuya. Huminga naman ng malalim ang kuya niya at tinignan ito sa mata. "At tsaka, ang babaw naman ng galit niyo. Alam naman nating barya lang yang sampung milyon sa inyo. Napaka-sensitive niyo naman." Pang iinis na sinabi ni Spade. Nakita naman niyang kumunot ang noo ng Kuya niya at ngumiti nang mapang-asar.

"I know. Since we're kids I already know that you hate me. And the money? Wala naman talaga sakin iyon, it's just a dusk of my assets. Sayo na iyon, wag mo nang palitan tutal wala ka namang ipapalit." Lalong nag-init ang ulo ni Spade dahil sa sinabi ng kanyang kuya. Kumuyom ang kanang palad niya at parang sa isang iglap ay gusto niya itong sapakin.

"Even if you're the legitimate son, hindi ko hahayaan na paikutin mo lang ako. Makukuha ko rin ang akin." Gigil na sabi ni Spade sa kuya nito. Tila lalong magdilim ang paningin niya nang tumawa lang si Thunder na parang wala lang sa kanya ang sinabi nito at di man lang nagawang matakot.

"You're funny, Spade. Sa simula pa lang naman wala nang sayo. Kaya ano yang sinasabi mo? Umuwi ka na sa mansyon nang matuwa naman si Dad sayo kahit papaano. Pasalamat ka nga na kahit puro kagaguhan ang ginagawa mo sa buhay mo, tinatanggap ka pa rin ni Dad." Napailing na lang si Spade at tinignan nang masama ang kuya nito.

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo at hindi na ako uuwi sa impyerno na mansyon na ilyon. Live your fuck up life, Kuya. And tell your great father na hindi na ako uuwi, just fucking leave me alone." Tinalikuran na niya ang kapatid. Mukha ba akong nagpapatawa sa sinabi kong makukuha ko rin ang akin? Akala ata nagtatarantaduhan lang ako. Tignan lang natin, Thunder Storm Valderama. Lalabas na sana siya sa censored glass door nang marinig niyang tumawa ulit ang kapatid.

Taming the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon