"Hi Thunder. Buti nakarating ka." Sabi ko sa lalaking nasa pintuan namin ngayon. Nakarating siya. Mas maaga pa sa inaasahan ko.
"Sabi ko naman sayo darating ako. Here, flowers for you." Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng pink and white roses. Napangiti naman ako ng malaki sa binigay niya.
"These flowers are so beautiful, Thunder. Thank you."
"But not as beautiful as you are, my sweet Cassy." Natuwa naman ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga napakasweet nitong si Thunder. He is the opposite of Spade. Kung si Spade hilig niya ang paiyakin ako, eto namang si Thunder gustong gusto niya akong nakikitang nakangiti. Kahit nung mga bata pa kami, kahit di ko gaanpng gustong makipaglaro sa kanya because I just want to be with Spade ay palagi pa rin siyang nandyan sa tabi ko at pinapangiti ako kahit mga simple gesture niya lang.
"Ikaw talaga. You're so bolero pa rin. Pasok ka." Pumasok na siya sa loob at dumiresto na kami sa dining area.
"Hindi naman kita binobola. Maganda ka naman talaga." Sabi niya habang nakasandal siya ngayon sa may bar.
Lumapit naman ako sa table at inilagay sa vase ang mga flowers na binigay niya. "Nako kilala kita Kulog. Bolero ka." I heard him chuckle.
"Pero ang ganda mo nga, Cassy. Halos di kita nakilala noong una kitang nakita sa kwarto ko. Ibang iba ka na sa iyakin at payatot na Cassy na palaging ngumangawa noong mga bata pa tayo." I remember that kwarto scene. Well, hindi naman ako nahihiya. Natawa naman ako nang maalala ko yun. Oo iyakin talaga ako nung bata pa kami. Lahat ng bagay iniiyakan ko.
"Grabe ka naman. Wag mo na ngang ipaalala na napakaiyakin ko nung bata pa tayo, natatawa na lang ako sa sarili ko. And alam naman natin na people do change, kaya thank you na lang ang masasabi ko sayo, Baby Thunder ko." I used to call him that way kapag naoover welmed ako sa kanya. Kahit noong mga bata pa kami kasi sobrang cute niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa bar at lumapit siya sa akin.
"Yeah I know. People do change. And also the feelings." Sabi niya. Hindi ko narinig yung huli niyang sinabi but I didn't mind na lang. I gave him a smile.
"So what's our food for today my sweet Cassiopea?" Sabi niya habang tumataas baba ang kilay niya and changing the topic. Natawa naman ako sa gesture niya na yon.
"We have a medium well steak and salad with french dressing. And also, we have a special dory in cream and don't forget our favorite since we're kids! Ang-"
"Adobo!" Halos sabay naming sinabi. Nagtawanan naman kami after that somehow funny gestures.
"You sit and we're going to eat na." Punaupo ko na siya sa chair ng dining table at kinuha ko na ang food sa paper bag at sa may oven. Inilagay ko ito sa isang plate and binigay sa kanya and ganoon din sa akin. Kumuha ako ng white wine sa may bar and naglagay sa baso naming dalawa.
"Mukhang masarap. Thank you sa libreng steak at sa masarap na adobo." Sabi niya.
"It's nothing. Thank you sa pag join sa akin for lunch."
"Basta ikaw."
Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain. Masaya at masarap talagang kasama si Thunder, hinding hindi ka mabobore and sobrang funny niya kaya all the time na kausap mo siya ay matatawa ka talaga.
"You're really funny, Thunder! Di ka pa rin nagbabago." Sabi ko habang natatawa.
"It's true. Nakatulog talaga ako sa table ko sa office dahil sa puyat at natuluan ko ng laway yung mga documents na ipapasa ko sa board, so I have to do it again."