Chapter Two

1.8K 14 6
                                    

Maaga akong nagising today because pupuntahan ko ngayon ang dahilan ng pagbalik ko. Spade.

Kinuha ko mula sa maleta ko ang dress na binili ko sa Chanel bago ako umuwi dito. Ofcouse para ulit kay Spade. Nagshower ako at nagbrush then bumaba na ko and pumunta sa kitchen. I saw Mom and Dad eating their breakfast. Napatingin sila sakin.

"Good Morning, Mommy and Daddy!" Masayang bati ko sa kanila.

"Good Morning, Baby. Come join us." Sabi sakin ni Mommy. Lumapit ako sa kanila.

"I have to go na e." I said.

"Why so early?" Sabi ni Dad habang nakatingin sa newspaper niya. I just rolled my eyes.

"Pupuntahan ko si Spade. Babalik din ako." Binaba ni Dad yung newspaper niya then tumingin sya sakin.

"Hanggang ngayon ba naman si Spade pa rin? Alam mo namang napakasutil ng taong yun. Wala kang mapapala sa kan--" Bago pa matapos si Daddy, Mom cut her.

"Ang dami mo na namang sinabi, Iñigo. Hayaan mo ang anak mo. Matagal din naman niyang hindi nakita si Spade. Pagbigyan mo na." Sabi ni Mommy. I am so lucky to have her. She's an angel. At dahil sa tuwa ko ay niyakap ko siya at hinintay naming dalawa ang sasabihin ni Dad.

"Tss. Fine. Basta uwi agad." Sabi ni Daddy habang nakatingin sa newspaper niya. Napa-yes naman ako at nagpaalam na sa kanila.

Habang nagdidrive ako papunta sa address na binigay sakin ni Tito Zig ay bigla kong naalala si Thunder. Well, naalala ko lang yung katawan niya na almost perfect. I'm sure na ganun din yung body ni Spade ko. My gosh. I can't imagine na makikita ko na ulit siya after ten long years. Lumiko ako at tinignan ang kapiraso ng papel na hawak ko. Condo unit ni Spade. As my GPS was saying, medyo malapit na ko so I look for the tallest building. And natanaw ko na nga to. Wow, kamukha to yun nung Condo ng friend ko sa States. So luxurious. Halatang pangmayaman.

I parked my car at dumiretso sa elevator.

15th floor.

Pagkapindot ko nito ay may biglang sumakay na babae. Tinignan ko siya at naka-cobalt blue fitted dress siya. And I can say that she's beautiful. But fortunately, mas maganda ako.

Pero ang kinagulat ko ay sa 15th floor din siya. Neighbor siguro siya ni Spade ko.

"Excuse me?" Sabi niya. Dun ko lang narealize na nakatingin pa rin ako sa kanya.

"What?" Sabi ko.

"Why are you looking at me? Is there any problem?" Ang taray niya ha. Wag niyang ipagyabang sakin ang kamalditahan niya dahil mas maldita ako. In luxuruous way.

"That color doesn't suit you." I gave her my sweetest smile. Bumukas na ang elevator at nauna na akong lumabas sa kanya, leaving her there with "o" in her mouth . Syempre, according sa ganda kaya ako muna mauuna. Napasmirk na lang ako at napailing. Bitch.

Dumiretso lang ako ng lakad hanggang sa nasa harapan ko na ang room 1521. My Spade's Room.

Pinindot ko ang doorbell. Hanggang sa nakalima na ko wala pa rin. What is happening? Wala ba si Spade dito? Pinidot ko ulit yung doorbell this time yung sunod sunod.

"Fuck, ano ba? Ang aga aga! Tangina naman—" Napatigil siya, kahit ako. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Napahawak pa siya sa baba niya na tila ba minumukhaan ako. Bigla siyang ngumiti akasabay ng pagtalon ng puso ko.

"Hi there sexy lady. Naliligaw ka ba?" Sabi niya sakin habang nakasandal siya sa pintuan niya. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Di niya ba ako naaalala?

Taming the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon