Third person's point of view
Kinabukasan ng araw kung kailan naisugod sa ospital ang ama nila Spade, ay tinawagan siya ng kanyang Kuya. Totoo nga ang sinabi sa kanya nito kahapon sa telepono, na magpaparte parte na sila sa mana.
Binalot ng matinding kaba ang dibdib ni Spade. Hindi siya makabangon mula sa pagkakahig niya sa kama niya at pilit na iniisip ang mga mangyayari. Kanina pa tumawag ang kuya niya at sinabing pumunta ito sa mansyon ngayon kung gusto daw niya para malaman kung ano ang makukuha nitong mana. Nagtagas ang mga bagang ni Spade sa sinabi ng kapatid, alam na niya ang mangyayari. Na lamang na naman ang kuya niya.
"Tanginang buhay to." Naglabas ng malalim na buntong hininga si Spade at ipinatong ang kanyang kanang braso sa mata niya.
Naiinis siya sa sarili dahil nagiging duwag na naman siya. Sinabi niya noong bata pa lamang siya na hindi siya magpapaapi sa kahit na kanino at hindi niya hahayaan na makaramdam siya ng panliliit. Pero tangina, ano itong nararamdaman ko? Bulong ng kanyang isipan.
Napapitlag si Spade nang muling tumunog ang kanyang cellphone. Alam niyang kuya niya ito kaya hindi na siya nag abala pang pakialam ang tawag nito. Maiinis lang siya lalo. Kaya tumayo na lang siya at dumiretso sa banyo para maligo.
Pero kailangan kong malaman ang dapat kong makuha, hindi ako magpapakaduwag ngayon sa kahit na sino. Ipaglalaban ko ang dapat ay sa akin.
*
Tumingin si Spade sa bintana ng kotse niya at tinanaw ang isang magarbo at napakalaking bahay na itinuring niyang impyerno. Ang mansyon ng Valderama.
Ramdam niya ang matinding kaba ngunit hindi siya nagpatalo sa kabang nararamdaman dahil alam niyang mas matindi pa rin ang galit niya sa pamilya na Valderama.
Napagdesisyunan na niyang pumasok sa loob ng malaki at malapad nilang gate na automatic na bumubukas sa mga tao at sasakyan na personal na kilala lamang ng pamilya. Masyadong mahigpit din ang security dahil may dalawang guard na nagbabantay sa entrance gate nila.
"Maligayang pagbabalik po, Senyorito Spade." Sabi sa kanya ng isang guard na sumalubong sa sasakyan niya. Nakabukas ang bintana niya kaya niya ito narinig.
What is the fucking reasons to be happy? Bulong ng kanyang isipan.
Dinaanan niya lamang gwardya at pinaandar ang kanyang sasakyan papunta sa mansyon.
Napansin niyang may tatlong sasakyan na nakaparada sa ilalim ng malaking puno ng mangga na nasa kanang bahagi ng kanilang mansyon.
"And who the hell own this shits?" Inis na sabi niya. Bumaba na siya sa sasakyan at lumakad sa grand staircase ng mansyon. Bumukas ang malapad na pinto ng bahay at bumungad sa kanya ang lahat ng mga katulong ng Valderama na equally divided sa dalawang nakapila sa may pintuan at binati siya ng maligayang pagbabalik. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito. Hindi siya sumagot at kumunot lamang ang kanyang makakapal na kilay. Ano na namang paandar to? Inis na bulong niya sa sarili.
"Welcome back, Spade." Napitlag ang tenga ni Spade sa boses na kanyang narinig. Ang malalim at makahulugang boses ni Thunder. Kitang kita niya ang pang-aasar sa tingin pa lang nito, at nakasunod sa kanya ay ang abogado ng pamilya, ang secretary ng kanyang kapatid sa trabaho at ang kanilang great Grandfather. Sunod sunod ang mahinang pagmumura ni Spade.
Anong ginagawa dito ng matandang yan?! Tangina talagang buhay to! Sa inis ni Spade ay umikot na lamang ang mata niya at dumiretso nang lakad palayo sa tatlo.
"At saan ka naman pupunta? Hindi mo man lang ba babatiin ang Lolo?" Pahabol sa kanya ng kuya niya. Ang totoo kasi niyan wala talaga siyang balak pansinin ito, dahil kung demonyo ang mga nakatira sa mansyon na to, ay siya ang hari ng mga demonyo.
