Pinagpapawisan ako ng malagkit. I'm not yet sure kung itutuloy ko ba to. Kanina pa ako nagdadalawang isip kung gagawin ko pa, nasa kotse pa lang ako nagdadalawang isip na akong mag-U turn at hindi na tumuloy. Pero ngayon I think I need to do this. Wala ng atrasan to. For the sake of his happiness.
Nasa tapat na ako ng Condominium Room number 1645. Since wala siya sa mansion, marahil ay nandito siya. Huminga ako ng malalim bago ko pihitin ang doorknob.
You can do this Cassiopea, you're a strong woman remember? Wala nang atrasan to.
And in a blink of an eye nabuksan ko na ang pinto ng condo niya. I cock my head inside and search for him.
"Thunder?" No one answered so I decided to go inside. I walk towards the kitchen but I see nothing.
"Thunder? Are you there?" Wala pa ring sumasagot so nagpagdesisyunan kong kumatok sa kwarto niya.
*tok tok*
"Thunder? Nandyan ka ba? Cassiopea here." Pero di pa rin siya sumasagot. I twist the doorknob and realized that it is unlocked. Sumilip ako sa maliit na uwang na binuksan ko sa pinto at tinignan kung nasa loob siya. And there I saw him, standing and smiling at me. I got goosebumps and my blood raises. God, itutuloy ko pa ba?
"Cassy, come in, what a pleasant surprise." Sabi niya sakin. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng kwarto niya. You can do this Cassiopea.
"What brought you here? Have a seat." He offers me the chair of the coffee table. I sit and umupo na rin siya sa harapan ko. Nakatitig lamang ako sa kanya hanggang sa makaupo siya. Hindi ako nagsasalita. Naguunahan ang bawat paghinga ko ganun din ang pintig ng puso ko. Nakatitig lamang ako sa kanya naghihintay ng lakas ng loob upang magsalita. Tumaas ang kaliwang kilay ni Thunder na tila ba naguguluhan sa hindi ko pag-imik. Magsasalita na sana ito ngunit inunahan ko na siya bago pa makawalang muli ang lakas ng loob na inipon ko.
"I-Ill go straight to the point, T-Thunder." Utal na sabi ko. Nakita kong naguguluhan siya sa kinikilos ko pero alam kong maiintindihan niya rin kung bakita. Nanginginig ang mga kamay ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napalunok muna ako ng laway bago ko inilabas ang piraso ng papel na magpapabago sa buhay ko, sa buhay niya at sa buhay naming lahat. I put it on the table.
"What's that?" Nagtatakang tanong niya.
"Thunder, I want you to marry me." I said seriously. Napapikit ako ng mariin habang hinihintay ko ang sagot niya.
I heard him gasp. "Are you out of your mind, Cassiopea? Anong pumasok sa isip mo at gusto mo akong pakasalan?" I bit my lower lip. My eyes are starting to water. You can do it, Cassy. You can do this. Iniusog ko sa ibabaw ng lamesa ang papel papunta sa kanya.
"I... I love you, Thunder. And I'm so desperate." Binigyan ko siya ng makahulugang tingin bago ko ibaling ang tingin ko sa papel na hawak ko. Nakita ko ang mga kamay ko na nanginginig. Ayokong gawin to ngunit kailangan, ayokong gawin sayo to Thunder pero, pero kailangan kong pangatawanan ang pangako ko. Ayokong madamay ka pero madadamay at madadamay ka talaga.
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo, Cassy?" Tanong niya sakin. His eyebrows meet in the middle, sign that he is confused. I clenched my jaw because of the nervousness. Kailangan kong umarte.
"I really l-love you, Thunder. I-I want to give you all of me. I want to be with you forever." Napapikit ako at inisip kung bakit ako nasa sitwasyong ito. Because of him.