Inedit ko yung prologue tsaka chapter four. Basahin niyo na lang ulit kung gusto niyo. Thanks. :) (noted 01-12-15)
*
Bibisitahin ko ngayon si Dad dito sa company. Nabobore na rin kasi ako sa bahay, I want to ask him kung kelan ako magsisimulang magtrabaho dito sa kumpanya. Gusto ko na rin kasing may pinagkakaabalahan bukod sa pagpunta punta ko kay Spade. So I'm here na nga at the lobby then the Security Guard greeted me gracefully.
"Good Morning, Maam!" Napataas ang kilay ko. He acts like parang nanalo sa isang lotto jackpot. Masasaya pala ang mga tao dito unlike the others. So I don't want to be rude naman kaya I greeted him din.
"Also a good morning to you." And gave him my sweetest smile. He didn't say a word, nakatulala lang siya while nakanganga kaya I left him at dumiretso na sa elevator. Kanina ko pa napapansin na paglabas ko pa lang sa car ko kanina sa parking lot ay pinagtitinginan na ako ng mga tao. Maybe dahil ngayon lang nila ako nakita. Ten years din ang itinagal ko sa states.
Pagkabukas ng elevator ay pumasok na agad ako. May kasabay akong sumakay na tatlong babae. They all look beautiful. Magaling talaga ang HR dito, magaling mamili ng ihihire. Very impressive. Napansin ko naman na nagbubulungan yung dalawa while the other one is looking at me. Nagulat ata yung isang nakatingin sakin kasi napatingin ako sa kanya kaya napangiti siya bigla. Well ngumiti din ako.
"Oh my gosh! Nginitian niya ko sis!" Sabi nung babaeng nginitian ko habang kinakalabit niya yung dalawa niyang kasama. She looks nice naman. She has a fair white skin like mine at medium brown ang hair color niya na medium length. Napatigil sa pag uusap yung dalawa at tumingin sa kasama nila.
"Really? Mabait naman pala siya. Gusto ko siyang makilala." Sabi naman nung babaeng may long black hair na matangkad at maputi din habang sumusulyap siya sa akin. As I say, nakatingin lang ako sa kanilang tatlo.
"Ang kapal talaga ng face mo! Di ka ba nahihiya? Mukhang anak mayaman at sobrang nakakaintimidate." Sabi naman nung isang girl na kadaldalan ng may long black hair. Matangkad din siya katulad nung dalawa, pero meron naman itong very short hair katulad ng kay Mirjana sa ANTM season 21.
"Mabait naman daw! Wait lalapitan ko." Then nagulat ako nung lumapit sakin yung may black hair. "Hello po, Miss." She waved at me.
"Hi." Then I waved back. Nanlaki naman ang mata niya at napatingin sa dalawa niyang kasama. Lumapit naman kaagad yung dalawang girl.
"Ngayon lang po namin kayo nakita dito. Bago ka dito? Anong department ka?" Sabi nung may short hair.
"Not really. Actually, I'm here to visit my dad." Sabi ko.
"Talaga po? Sino po yung daddy niyo na nagtatrabaho dito sa company? Sigurado po akong gwapo ang tatay niyo kasi po ang ganda niyo." Napataas naman ang kilay ko. Why do they keep on asking me? But, she is so jolly. Binola pa ko. Maybe they're just being friendly. Natuwa naman ako, they're very nice.
"The owner of this company, Mr. Hector Imperial." Nanlaki naman ang mata nilang tatlo. Biglang bumukas din yung elevator, at may sumakay na dalawang babae din. Medyo umurong naman ako at ganoon din yung tatlong girl.
"Oh my gosh! Sorry po Maam. Di namin kayo nakilala, kayo po pala yung daughter ni Big Boss. Ngayon lang po kasi namin kayo nakita." Sabi ulit nung girl na may black hair.
"Because I've been in States for ten years." Sabi ko sa kanila.
"Really po? Naku, kaya po pala ngayon lang po namin kayo nakita. Ang tagal niyo din pala doon, di biro ang ten years na malayo ka sa family mo." Sabi nung girl na nginitian ko kanina sa akin. Tama naman siya sa sinabi niya, nakakahomesick nung una pero masasanay ka. I'm with my younger brother naman doon sa states and our grandparents. Kaya lang naiwan pa siya doon, marami pa kasi siyang inaasikaso sa school niya. He's just 19. "Dali mag bow tayo." Sabi niya sa dalawa niyang kasama. "Hoy magbow kayo kay Miss Imperial, Karina at Jacquilyn. Anak siya ng Big Boss." Kalabit nila dun sa kasasakay lang na dalawang babae. Naguluhan pa sila nung una pero nagbow din sila. Napangiti naman ako. Di lang magaganda ang hinahire nila, magagalang din.