"Miss Cassy, bakit di niyo pa po ginagalaw ang food niyo? Hindi niyo po ba gusto ang niluto ko?" Nabalik ako sa huwisyo ko nang magsalita si Bea sa harapan ko.
Nandito kami ngayon sa cafeteria ng company at pinapatikim niya sa akin ang speacialty niya daw na bicol express. Niyaya niya kasi akong kumain kanina, sumabay na raw ulit ako sa kanyang kumain since lagi daw akong kumakain mag isa and medyo matagal na rin yung huling nagsabay kaming kumain. Hindi naman ako nag-dalawang isip na sumama sa kanya kasi wala rin ako sa mood kumain sa labas o kaya naman magpa-deliver.
"N-no... I mean, gusto ko ang luto mo. Masarap siya." Binitawan naman niya ang fork and spoon niya tsaka siya pumangalumbaba sa table at nakangusong tumingin sa akin.
"Si Maam naman, di niyo pa naman natitikman e. Ayaw niyo po ba ng food na may coconut milk? Umiiwas po ba kayo sa calories? Pasensya na, Maam. Di naman po kasi masarap kapag low-fat milk ang ilalagay ko. Wala pong dating yon." Dire-diretso niyang paliwanag. Napangiti naman ako sa mga sinabi niya.
Halos apat na araw na ang nakalipas mula noong mangyari ang deal namin ni Spade. Kukunin ko ang mana niya, ibibigay niya sa akin ang puso niya. Madaling sabihin at pakinggan pero napakahirap gawin. Lalo na at damay dito ang pamilya niya na halos pamilya na rin ang turing ko. At tsaka isa pa, kaibigan ko si Thunder.
"Ano ka ba, Bea. Lahat naman ng luto mo masarap. Eto na nga oh, titikman ko na." Kumuha ako ng kaunti at sinubo ito. Masarap naman talagang magluto itong sekretarya ko. Halos araw araw ay pinagbabaon niya na rin ako ng pagkain. Masyado siyang concern sa akin kaya gusto niyang pinagluluto ako. Kahit madalas ay mas pinipili kong kumain sa labas. Nagtatampo na nga siya sakin kasi di na raw ako sumasabay sa kanya kumain. Magkakasakit daw kasi ako kung puro pagkain sa labas ang kinakain ko. Kaya natutuwa ako sa kanya kasi napakabait niyang employee and also a friend na rin.
"Masarap?" Tanong niya sa akin. Tumango tango naman ako tsaka nag-thumbs up.
Then she left out siya ng sigh of relief.
"Buti naman po Miss Cassy at nagustuhan niyo. Napapansin ko po kasi nitong nakaraang araw palagi kayong nakatulala, naging sobrang tahimik niyo pa tsaka di na kayo nagpapabili ng Java Chip sakin sa SB." Tuloy tuloy niyang sinabi. Napangiti naman ako dahil totoo lahat iyon. Spaced out kasi ako kakaisip. Kahit sa trabaho di ako makapagfocus. And ang comforter ko na Java Chip namimiss ko na rin, as she said lagi kasi akong nagpapabili sa kanya noon. Pero nawalan na rin ako sa mood na gawin yung mga routines na ginagawa ko before.
Hinawi ko ang buhok na bumabagsak mula sa pagkakapony tail ko and inipit ito sa sa right ear ko.
"Oh, yeah. I've got a lot of stuffs that's running in my head e. Alam mo na, ang daming pinapagawang reciprocations. Work, work, work and work." I lied to her.
Mukhang di naman siya na-convinced sa sagot ko kaya tinaasan niya ako ng kilay niya. "Maam, babae din ako at alam ko na di lang tungkol sa work ang kinaka-stressed niyo. There's something more! Love life ba yan? May nanakit ba sa inyo? Nako sa ganda niyong iyan! Pogi naman ba?" I chose not to answer her questions. I just gave her a small smile and continue to eat her prepared food for me.
Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.
"Okay lang po, Miss Cassy kung di niyo kayang sabihin sa akin yung reason. Basta po kapag kailangan niyo ng pagsasabihan or makakausap, nandito lang po ako. Always free to listen. Walang bayad, pero pwedeng idagdag sa 13th month pay." She just laugh after niyang magsalita like wala siyang problema sa buhay. She's super jolly. And thanks to her, I smiled again. A true one.
Bumalik na din kami agad sa office dahil marami pa kaming kailangang tapusin. Nakatambak na rin kasi yung mga worksheets na kailangan kong i-check. I kept myself busy para hindi pumasok sa isip ko yung nanyari sa condo ni Spade. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na pumayag ako sa gusto niya. I mean, oo mahal ko siya pero mahal ko rin naman si Thunder but as a friend lang naman pero kahit na, napakabuti niya sakin para gawin ko yon sa kanya.
