Chapter One

3K 16 1
                                    

Cassy's POV





Excited akong gumising ng maaga bukas dahil bukas ko na makikita ang lakaking nagpapatibok ng puso ko, mga bata pa lang kami. Walang iba kundi si Spade Tyrant Valderama. Kauuwi ko lang kahapon galing ng States kaya medyo may jetlag pa ko but who cares? As long as na makikita ko na si Spade bukas, I'm okay.

I caught myself giggling. Kung may taong nakakakita sakin ngayon mapagkakamalan pa kong baliw pero ano bang pakialam ko? I'm just happy. Mahal ko si Spade. Kahit hangin lang ako sa kanya simula pa nung mga bata pa kami, ayos lang sakin. As long as nandyan sya at nakikita ko sya. Nabalitaan kong lumaking suwail at babaero si Spade. I got worried kaya tinry kong umuwi dito sa Pilipinas last last year pero Daddy stopped me. Nagaaral pa daw kasi ako. Kaya hinintay kong matapos muna ang college ko bago ako makauwi dito. And kakagraduate ko lang last month! Yeah yeah. I just want to see Spade. I'm sure magugulat siya kapag nakita na niya ako. Malaki ang pinagbago ko. Dati akong lalampa lampa at iyakin kaya madaling mainis sakin si Spade. Pero ngayon? I grew up as a strong woman. I look sophisticated and damn gorgeous. Maraming lalaking umaaligid sakin sa America pero kahit isa, wala akong pinansin sa kanila. Kasi iniwan ko ang puso ko dito sa Pilipinas, iniwan ko kay Spade kahit hindi niya alam. And bukas makikita ko na sya. Ang pinakamamahal kong Spade.


* * * * *


"Cassy? Is that you?" Di makapaniwalang tanong sakin ni Tito Zig. He is Spade's father.

Ngumiti naman ako ng malaki and nodded my head. "Yes Tito Zig. Ako to." Bumuka ang kanyang bibig na tila may sasabihin pero tinikom niyang muli ito at ngumiti ng malaki habang umiiling iling.

"I can't believe it! Ang laki ng pinagbago mo. Dati ang liit liit mo lang, ngayon kasing tangkad mo na ko." Natawa ako sa sinabi niya. Well, Tito Zig is 5"11 tall. At alam kong nagbibiro lang siya.

"Thank you, Tito Zig. Nandyan po ba si Spade?" Tumigas naman ang mukha niya at napaling iling.

"Hindi na siya nakatira dito sa Mansyon, Cassy. He's staying with his Mom, pero nagsolo na ulit siya kaya malamang nasa condo si Spade." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What? But why?" No this can't be. Kailangan ko siyang makita!

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "Hindi mo ba nabalitaan? Na pinaalis ko na siya. Kumuha siya ng ten million sa bank account ng kapatid niya ng walang paalam at pinatalo niya lang sa Casino, at lahat yun nawala na parang bula at hindi naman niya mapalitan. Hinayaan ko siya sa lahat ng bagay at kalokohan na ginagawa niya, but this? Hindi ko na hahayaang masira pa niya pati ang buhay ng Kuya niya." Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. This can't be.

"No! Bakit hinayaan nyong ganun na lang? Anak nyo pa rin siya! Kahit anak nyo lang sya sa labas, he's still your son, Tito Zig." Nakaramdam ako ng konting awa kay Spade. Mahal ko siya at ayokong nahihirapan siya. Ano ng ginagawa niya ngayon? I know his Mom is also a rich and influencial woman kaya hindi niya mapapabayaan ang mga luho ni Spade but iba pa rin ang may buong pamilya. Iba pa rin yun.

"I know, I know. Hindi na talaga sya nagbago. He's 26 years old for pete's sake! Pero nagpapakaisip bata pa rin sya. I'm so sorry Cassiopea." I see sadness through Tito Zig's eyes. Kahit siya ay nasasaktan at nahihirapan sa nangyayari. I feel bad for him.

Niyakap ko siya bigla. "Sorry Tito Zig. I didn't mean to say that. Sorry...." He rubbed my back.

"It's okay, Iha. Gusto mo muna bang pumasok sa loob? Napasarap ang kwentuhan natin." Humiwalay na ako sa yakap at tumango sa kanya. He guided me papasok sa loob. Maraming nagbago sa bahay nila. Mas gumanda at mas lumaki. Dumami rin yung mga cars na nakaparada sa garage nila. Lumawak ang garden and mas dumami ang mga halaman. Napangiti ako bigla.

Taming the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon