POEM

10 2 0
                                    

GAYUMA

Hindi malaman ang dahilan sa dinami–dami ng kalalakihan,
bakit ikaw pa ang napusuan?
mukha na ngang kulugo,
amoy hindi pa naliligo,
hiningang parang isang dekadang di nagsisipilyo,

buhok na daig pa si goku na nagsuper sayan
balat na akala mo pati lamok ay ‘di magtatangkang lapitan,
boses na akala mo ay dagang naipit,
kita ang libag sa batok at pati na rin sa singit.

kahit na gan’yan ay tila ikaw parin ang pinaka makisig na lalaki sa aking paningin
kahit na ano pa ang kanilang sabihin
ikaw pa rin ang sinisigaw nitong aking damdamin.
Tawagin mang hibang dahil sa pagmamahal sa isang tao lamang,
Isa nga bang tao o tikbalang?

Ngunit akala ay pagmamahal sa ‘yo ay tunay
‘yon pala ay isa lang ilusyon na binigyan mo ng buhay.
Nakita ang kapirasong papel na patunay
Ako pala ay nagayuma, naku po, inay!

UNSEEN THOUGHTSWhere stories live. Discover now