ONE-SHOT STORY

2 0 0
                                    

PANG AAKIT GONE WRONG

“Babe,” tawag ko sa boyfriend ko. Andito kami ngayon sa kwarto n’ya, nagcocomputer s’ya while, ako bored na bored.

“Babe,” pagtawag ko ulit. Kingina! Ayaw tumingin, ah. Kinuha ko ‘yong bote ng lotion sa gilid ng kama n’ya at binato s’ya.

“ARAY!” Tumingin naman sa ‘kin ‘to ng masama. Pinandilatan ko naman ito ng mata.

Tusukin ko kaya mata nito.

“Ba’t ka namamato? Ang sakit kaya,” reklamo nito habang hinihimas ang ulo n’yang natamaan pero ‘di rin nagtagal ay bumalik ito sa paglalaro sa computer nito.

Gawa tayo ng baby, babe,” dere-deretso kong turan sa kan’ya.

“Pa’no ba 'yon? Magkano ingredients no’n. Nagtitipid ko ngayon, babe sunod nalang,” napatulala naman ako sa sinabi nito.

Tanga ba ‘to o nagtatanga–tangahan?

“Babe naman, dali na!” Tumingin naman ito sa ‘kin.

“Wala nga ‘kong pera! Sa susunod nalang,” parang bata n‘yang sigaw pabalik sa ‘kin.

Napangiti naman ako ng may maisip akong kalokohan.

Tumayo ako at nagsimula ng kumembot sa harapan n’ya. Napalingon naman ito sa ‘kin at pinagtaasan ako ng kilay.

“Anong ginagawa mo? Para kang bulateng inasinan.”

Tsk. Kahit na naoffend ako sa sinabi n’ya ay pinag patuloy ko pa rin ang ginagawa ko.

“Panoorin mo nalang, p’wede?” May pa kapit–kapit pa ako sa balikat n’ya, naglilip bite pa ‘ko para mas effective naman.

Dahan dahan kong hinubad ang tshirt ko nakita ko s‘yang napalunok. Napangiti naman ako sa maliit na reaksyon na ‘yon. Tuluyan ko ng na hubad ang tshirt ko at  sinunod ko naman ang short ko pag kahubad ko ng short ko bigla itong namula.

Mukhang gumagana naman pala ang beauty ko sa lalaking ‘to.

Kaya lumapit ako at kumandong sa kan‘ya, nginitian ko naman ito nang matamis at sinuklian n‘ya rin ‘yon ng ngiti bago ilapit ang mukha n‘ya sa tenga ko at may ibinulong.

“Babe, butas panty mo.”

Bigla akong napatayo at kinuha ang tshirt at short ko at tumakbo sa cr narinig ko pa ang malakas na tawa ng boyfriend ko bago makapasok sa loob.

“BWiSET KA JOSHUAAAAA!!!!”

Sigaw ko mula sa cr at mas lalong lumakas ang tawa ng gago. Pakingshet talaga oh! Hindi na ako uulit bwiset.

UNSEEN THOUGHTSWhere stories live. Discover now