ONE-SHOT STORY

1 0 0
                                    

THE OTHER WOMAN

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Nagdesisyon akong tumayo na at simulang ayusan ang sarili. Inihanda ang umagahan naming mag asawa. Hindi rin nagtagal nang lumabas s'ya sa kan'ya kwarto. Magkaiba kami ng kwartong tinutulugan, limang taon na kaming kasal at kahit kailan ay hindi kami nagtabi sa kama.

"Marco, kakain na,"agad kong nilagyan ng kanin at ulam ang pinggan n'ya bago inilapag sa tabi nito ang kapeng itimpla ko para sa kan'ya.

Magkababata kaming dalawa at pinagkasundong ikasal sa isat-isa, bata palang ay gusto ko na s'ya akala ko kapag ikinasal kami ay mas lalo kaming mapapalapit sa isat-isa ngunit, kabaligtaran ang nangyari lumayo ang loob nito sa akin pero kahit na ganoon ay ginagawa ko pa rin ang best ko para maging mabuting asawa sa kan'ya.

Pinagluluto s'ya ng almusal, tanghalian at hapunan, naglalaba ng mga damit nito bago iplantsa, maglinis ng bahay at kung ano-ano pa. Ang akala ko ay sa una lang s'ya gano'n na baka naninibago lang, na baka nabibigla pero hindi, sa loob ng limang taon ay gan'yan na s'ya, malamig sa akin, kung kausapin ako ay isang tanong, isang sagot.

"Marco, kamusta naman ang trabaho mo?" Tanong ko dito ng nakangiti sinusubukan magbukas ng usapan sa aming dalawa.

"ayos lang," saad nito bago nagpatuloy sa pagbabasa ng dyaryo at pag inom ng kape nito.

"ah, ganon ba," hindi ko na alam ang susunod na sasabihin hindi manlang nito kinakamusta ang araw ko o kung gusto ko ba magtrabaho.

sa loob ng limang taon ay isa akong housewife, gusto kong magtrabaho lalo pa at nakapagtapos din ako pero sabi ni mama, siyang nanay ni Marco, ay mas mabuting sa bahay lang ako at maging mabuting may-bahay para sa asawa ko.

Tumunog ang cellphone ni Marco at nakita ko ang pagsilip ng isang ngiti sa mga labi nito habang nakatingim sa screen nito. Tumayo na ito at nagsimulang isuot ang suit nya. tatawagin ko pa sana ngunit dumiretso na s'ya sa labas at narinig ko na ang pag andar ng makina ng sasakyan nito. napatingin naman ako sa inihanda kong pagkain para sa kan'ya, wala manlang bawas iyon tanging kape lang ang nabawasan pero hindi ubos.

Napangiti nalang ako ng mapait at niligpit na ang hapag kainan.

nag aayos ako ngayon dahil merong business party kaming pupuntahan ng asawa ko. paglabas ko ay nasa kotse na sya at nakangiti na naman sa telepono nito. madalas ko na s'yang nakikitang nakangiti sa telepono o di kaya may katawagan.

nang pumasok ako ay tila hindi manlang nito naramdaman ang presensya ko. kinalabit ko ito para maagaw ang atensyon nito, nawala ang ngiti nito ng lumingon sa akin at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

pagdating namin doon ay naglikot na ang mata nito sa paligid na tila may hinahanap. may lumapit na mga businessman sa amin na s'ya naman n'yang binigyan ng atensyon habang ako ay nakihalubilo sa ibang kababaihang nandoon.

"napaka swerte ni Marco sa iyo, Christine. napaka ganda, mabait at maasahang asawa!" napangiti naman ako sa tinuran ng ginang.

"aba eh, kailan nyo ba balak magkaanak?" tanong naman ng isa pang babae.

"hindi pa po namin napaguusapan," nakangiti kong sagot.

"naku naman! hindi ka na bumabata christine ah. baka mamaya maghanap yan ng ibang aanakan," nawala ang ngiti ko sa tinuran nito agad naman syang sinuway ng isa.

Ngumiti ako sa kanila bago umalis doon inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang asawa ko. Nakaabot na ako sa garden nang makita ko sya nakarinig ako ng malamyos na musika. nakangiti ito habang may isinasayaw na babae sa gitna.

pareho silang may ngiti sa mag labi nila habang nakatitig sa isat-isa.

then I realize I'm the other woman. lagi kong iniisip na walang ibang babae si marco pero ako pala ang 'ibang babae' pagmamay-ari ko sya sa papel at sa harap ng ibang tao pero ang puso't isipan nya ay ibang taong ang nagmamay ari.

I am the other woman in my own marriage.

UNSEEN THOUGHTSWhere stories live. Discover now