PROSE

5 0 0
                                    

Sinong magaakalang sa layo ng pagitan nating dalawa ay may magdudugtong na iisang linya, linya na naging daan para magkita ang puso nating dalawa.

Ang parehong mundo natin na napuno ng kadiliman dulot ng ating mga nakaraan.

Ang piling ng isa't-isa ay ginawang kanlungan sa tuwing nakakaramdam ng matinding kasawian.

Pinunan ang pangungulila na nadarama. Ikaw na ang nagsisilbing panyo sa tuwing luluha, ikaw na ang dahilan ng aking mga pagtawang naguumapaw, ang nagbigay sa akin ng tahanan ay ikaw. Ang palad mo ay ipatong sa akin dahil handa na akong tanggapin, tanggapin na ako ay magmamahal muli.

Inalis ang takot na sumugal muli, binigyan mo ng dahilan na ang mga labi ay ngumiti. Nilagyan ng panibagong kulay ang mundong malamya, dahil sa iyo ay nakaramdam ng totoong saya at sa poot ng nakaraan ay nakalaya. Kapayapaan ang nangingibabaw sa tuwing maririnig ang boses mo na tila malamyos na musika sa aking pandinig, napapangiti na lang at mapapaisip na siguro nga ito ay pag-ibig.

Mukhang tadhana nga siguro
ang nagbigay ng dahilan, para
tayo ay pagtagpuin at tinakda
na ang isa't-isa ay mahalin.

"Aking Tahanan"

UNSEEN THOUGHTSWhere stories live. Discover now