POEM

7 0 0
                                    

AKO PA BA?

Tanong na paulit–ulit sa isipan.
Kinukuwestiyon ang aking nararamdaman.
Bakit nagbago ang pagtingin?
Hindi ka na sakin nahuhumaling.

Ang dating kislap sa mga mata
Ay napalitan ng luha at pagdududa
Kung ako pa ba o may iba na?
Kapit pa ba o bibitawan kana?

Ako nalang ata itong kumakapit pa,
Kahit na alam kong dapat ay bitaw na.
Ako nalang ata itong umaasa pa,
Kahit na alam kong dapat ay tapos na.

Bakit nga ba pilit pa ‘kong naghahanap ng dahilan,
Kung ikaw mismo ay gusto na ‘kong iwan
Pagmamahal pa ba ang nanaig
O, Awa nalang at wala nang pag-ibig.

Ang akala ko kasi ay pwede pa,
‘Yun pala ay naghahanap ka na ng iba.
Akala ko kase maayos pa,
‘Yun pala ay nagsisimula ka ng maging masaya sa piling ng iba.

Kahit nahihirapan ay kailangan harapin
At dapat ng tapusin,
Ang kwentong sinimulan ng may ikaw at ako
Pero matatapos na iba na ang binibini mo.

Ang librong ating sinimulan
Ngayon ay nasa huling pahina na ng ating pag–iibigan
Bubuo ka ng panibagong kabanata
Ngunit sa pagkakataong ito hindi na ako ang iyong babaeng bida.

                                   

UNSEEN THOUGHTSWhere stories live. Discover now