ONE-SHOT STORY

1 0 0
                                    

MAGPAPAUBAYA AKO PARA SA SARILI KO.

"Ano?" tanong n'ya.

"Oo, magpapaubaya ako para sa sarili ko," sagot ko. halata sa mga mata n'ya ang pagkalito.

"Kaya gano'n nalang kadali sa'yong bitawan ako after those years?!" napapikit ako sa sigaw n'ya.

I keep my close eyes habang inaalala ang lahat.

"Date tayo, ah," i said to Ryle.

"Sure, saan mo gusto?"

"Kahit saan nalang siguro." pinagpatuloy ko ang pagsusulat ng notes.

nasa classroom kami ngayon at vacant namin kaya naisipan kong magtake notes ng mga lesson. Magkaklase kami ng nobyo kong si Ryle pareho kaming nasa kolehiyo na. Limang taon narin ang relasyon namin na masasabi kong matagal na.

Masaya kaming dalawa, halos wala na 'kong masasabi sakan'ya dahil para sa'kin perfect boyfriend na s'ya.

Bukod nga lang sa kaibigan n'ya, Si Aliyah.

"Hi, Ryle. Hi, Agatha." speaking of the devil. andito nanaman s'ya.

Hindi namin s'ya kaklase taga kabilang section s'ya pero lagi s'yang nandito kapag vacant namin.

"Ryle, may nahanap akong magandang amusement malapit sa apartment natin, bagong bukas lang gusto mo puntahan natin?" Tanong nito sa boyfriend ko.

Nagulat ako ng tumango ito.

"Sige ba," sagot nito.

"Teka, akala ko ba magdadate tayo?"

"Oo nga pala do'n nalang tayo magdate sa amusement park na sinasabi ni ali."

"Pero di naman natin alam kung saan 'yon," sagot ko.

"Kaya nga natin s'ya isasama." tumango nalang ako.

kasabay naming pumunta sa parking lot si aliyah. Bubuksan ko na sana ang front seat ng bigla s'yang mauna ro'n.

"Ay, sorry nasanay na kasi akong sa harapan umuupo sa kotse ni daddy, eh," pagdadahilan n'ya.

"Ako kasi d'yan do'n kana sa likod." sinubukan ko pang lakihan ang pagbukas ng pinto para lumabas s'ya.

"Agatha, hayaan mo na upuan lang nakikipag away kapa, doon kana sa likod," ani ryle at binuksan ang backseat.

Hanggang sa makarating kami sa amusement park ay halos wala akong gana habang silang dalawa nageenjoy.
nakaupo lang ako dito habang pinapanood silang dalawa na nakasakay sa roller coaster. todo kapit pa ang babae sa kan'ya, halatang nageenjoy.

Hindi na 'ko nagpaalam at umalis nalang.

Buong gabi kong hinihintay na tawagan n'ya ako dahil sa biglang pag alis ko pero wala akong natanggap na tawag o text, napuyat pa ako kakahintay dito.

Nalate ako ng gising kaya late na ako nakapasok ng tingnan ko ang cellphone ko ay wala parin itong texts galing sa kan'ya.

Kahit late na sa unang subj ay pumasok parin ako pagdating ko sa classroom ay napahinto ako sa may pintuan nang makita ko si aliyah na nakaupo sa upuan ko at nakikipagtawanan kay ryle.

Hindi ko alam kung bakit pero kusang umatras ang mga paa ko at tumakbo ng walang direksyon.

Nakita ko nalang ang sarili kong nasa gitna ng soccer field. Sinigaw ko lahat do'n, lahat ng sama ng loob ko.

Habang nasa gitna ako ng pagsisigaw ay s'ya ring pagbuhos ng ulan na at dahil do'n ay mas lumakas pa ang pag iyak ko.

Nakikisabay ang langit sa paghihinagpis ko.

Lumipas ang ilang oras na ando'n lang ako hanggang sa tumila ang ulan, nakahiga lang ako sa basang damuhan.

"Agatha?" napadilat naman ako sa boses na 'yon.

"Alex," pagtawag ko rito.

"anong ginagawa mo d'yan? kanina pa kita hinahanap."

"Naglalabas ng sama ng loob. Bakit mo naman ako hinahanap?" tanong ko at bumangon, umupo naman sa tabi ko si alex. Hinubad nito ang jacket n'ya at pinalibot sa mga balikat ko.

"Nakita ko ang reaksyon mo kanina no'ng nakita mong naguusap si Aliyah at Ryle. alam kong nasaktan ka kaya hinabol kita no'ng tumakbo ka kaso bigla nang nagring yung bell kaya hindi na kita naabutan tas umulan pa," mahabang eksplinasyon nito.

"Mabuti pa tumayo kana at baka magkasakit ka pa." inalalayan ako nito patayo agad naman akong napakapit sa kan'ya dahil parang umikot bigla ang paningin ko.

"Ayos kalang?" tanong n'ya at sinubukan sipatin ang mukha ko.

Sasagot na sana ako ng biglang matumba si Alex nang tingnan ko ay si Ryle pala ang gumawa no'n, sinapak n'ya si Alex.

"Kaya pala hindi ka pumasok dahil nakikipaglandian ka!" sigaw nito sakin.

"Ano bang sinasabi mo?" Sinusubukan kong wag magsalita dahil pakiramdam ko ay matutumba ako anumang oras.

"Malandi ka," saad nito na s'yang nagpaangat sa mga kamay ko at lumapat sa pisngi n'ya. Agad namang pumagitna si Aliyah.

"Malandi? ako? Huh?! Nakakahiya naman sayo." tumingin ito sakin.

"Maghiwalay na tayo," buong tapang kong sabi sakan'ya.

" bakit? dahil may reserba ka na? iyang alex na 'yan?!"

"Hindi, Pagod na ako makipagkompetensya ng atensyon kay Aliyah. Pagod na 'ko magtago sa anino n'yong dalawa! na kapag magkasama tayo, kayong dalawa ang naguusap ako? nasaan? nasa likuran n'yo." Lumapit ako sakan'ya. "Sabi mo kaibigan mo lang s'ya pero bakit gano'n? Ako pa 'yong nagaadjust para sainyong dalawa?" dinuro ko si aliyah.

"I never been insecure to anyone pero pag nakikita ko kayong dalawa 'di ko mapigilan ang sarili kong ikumpara sa kan'ya. Ano bang meron s'ya para magawa mong balewalain ako, ako na girlfriend mo!" dagdag ko pa.

Naramdaman ko ang paghawak ni Alex sa likuran ko.

"Magpapaubaya ako para sa sarili ko," saad ko.

"Ano?" tanong n'ya.

"Oo, magpapaubaya ako para sa sarili ko," sagot ko. halata sa mga mata n'ya ang pagkalito.

"Kaya gano'n nalang kadali sa'yong bitawan ako after those years?!" napapikit ako sa sigaw n'ya.

"Hindi ako bumitaw sa'ting dalawa. Noong unang beses na binalewala moko, noong unang beses na pinaramdam mo sa'king mas nakakahigit s'ya kaysa sakin, ikaw ang unang bumitaw."

"I'm done with you. This time sarili ko naman pagod na 'kong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong 'di makita ang halaga ko. Pakasaya kayong dalawa," mahabang kong sagot bago hinila si Alex paalis.

Ako naman, sarili ko naman.

UNSEEN THOUGHTSWhere stories live. Discover now