POEM

3 0 0
                                    

PEKENG MUNDO

Mga panahong lumipas,
Mga litratong kumupas,
Mga ala-alang pilit kong binabalikan,
Mga pangakong pilit nang kinalimutan,
Pagmamahalang puno ng saya,
Iyakan din pala ang dala.

Ang lalaking nangakong hanggang dulo,
Ay dagdag lang pala sa mga pangakong napako.
Iniwan akong luhaan,
Iniwan akong walang makakapitan,
hiniling na huwag nang magmahal,
Dito sa pekeng mundo ng mga hangal.

Pekeng mundo na may pekeng pagkatao
Pero may pagmamahalan na totoo
Nagsisimula sa " kamusta "
Nagtatapos sa " paalam na."

Ang pekeng mundong 'to ang nagturo sa akin,
Na ang pagmamahal ay 'di dapat madaliin,
Na ang pagmamahal ay 'di dapat pilitin.
Pinasok ang mundong ito sa pag aakalang ito'y puro laro
Pero ngayon nakikita ko ng puro at klaro,
Na ang tunay na kasiyahan ay dito mo mararamdaman
Na madalas ay sa tunay na mundo 'di mo makikitaan.

Ang pekeng mundong ito ang nagsilbing panyo sa tuwing lumuluha,
Ang nagsilbing magulang na handang umunawa.
Andyan sila para damayan ka,
Andyan sila para saluhin ka,
ngunit kayilangan  ng lumisan,

Sa mundong akala ay laruan.
Harapin ang tunay na mundo.
Harapin ang mapanghusgang tao,
At dito nag tatapos ang tulang ito.

UNSEEN THOUGHTSWhere stories live. Discover now