PROSE POETRY

32 3 0
                                    

AKING BINIBINI

Sa bawat paglubog ng araw,
Ang pigura mo ang siyang pilit tinatanaw.
Sa naghahalong kulay ng kahel at dilaw
Mula sa malayo ay kita ko ang ngiti mong natatamaan ng sinag ng araw.

Ang mga mata mong kasing kinang ng mga bituin sa langit.
Ang mga kamay mong kasing lambot ng mamahaling tela.
Ilang hakbang pa ay sa akin ka na tuluyang nakalapit
Nahuhulog na naman sa mga titig mo, aking sinta.

Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin
Isang halik ang nagpasayaw sa mga paru-paro sa aking tiyan.
"Hindi ko pinagsisisihang ika'y mahalin."
Mga katagang sinambit sa aking tainga na siyang nagpalundag sa puso ko dahil sa kasiyahan.

Ako ay parang mirasol at nakatuon lamang sa liwanag ng iyong mga mata.
Sa bawat bulalakaw na dadaan wala nang hihilingin pa dahil isa kang pangarap na aking nakamtan
Gigising na ikaw ang kapiling at wala nang iba pa.
Wala nang iba pang pangangarapin kundi ikaw mahal ay mapakasalan.

UNSEEN THOUGHTSWhere stories live. Discover now