ONE-SHOT STORY

1 0 0
                                    

GHOST OF YOU

Maaga akong nagising dahil mahalaga sa 'kin ang araw na 'to. It's our First Anniversary.

Bumangon ako at inumpisahan na ang pag-aayos, napatagal pa ako sa banyo dahil siniguro kong mabango akong haharap sa girlfriend ko.

Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko, pinaligo ko rin ang bagong bili kong pabango.

Pagbaba ko ay parang takang-taka si mama sa 'kin pero nginitian ako nito nang malawak.

"Ang g'wapo naman ng anak ko, "she said and try to touch my hair.

"Ma, 'wag mo na guluhin," sagot ko.

"Saan ba ang lakad mo at ayos na ayos ka?"

"Nakalimutan mo na ba, Ma? First Anniversary namin ni Bianca ngayon," sagot ko at mabilis na nagbago ang itsura nito mula sa pag ngiti ay biglang lumungkot ang mukha nito, nakita ko rin ang awa sa kan'yang mga mata.

"Pero mat- "hindi ko na s'ya pinatapos at tumakbo na palabas at sumakay ng kotse ko dahil late na 'ko sa usapan namin ni Bianca.

Magkikita kami sa park na malapit sa kanila. Agad kong pinarada ang kotse ko at nilibot ang paningin ko pero wala akong makitang Bianca nang libutin ko ulit ay nakita ko na s'yang nakaupo sa isa sa mga swing do'n, siguro ay hindi ko lang s'ya napansin kanina.

Humarap ako dito at agad naman itong nag angat ng tingin. Nakita ko ang maganda nitong mukha, ang mala-anghel nitong mukha. Agad itong tumayo at pinagpagpagan ang purong puti nitong damit.

"Tara na? " Tanong ko rito at inilahad ang kamay ko sa kan'ya.

Pinatong naman n'ya ang mga kamay n'ya rito at ngumiti. Agad ko itong inalalayan hanggang sa makasakay kami sa kotse.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa destinasyon namin ay pansin ko ang pananahimik ni Bianca.

"Love, may problema ba? Ang tahimik mo." Ngunit imbis na sagutin ay nginitian lang din ako nito.

Binalewala ko na ito at dumiretso nalang sa isang amusement park. Favorite date spot namin 'yon. May hinanda akong surpresa para sa kan'ya.

Pagdating namin do'n ay pinarada ko na ang kotse ko at mabilis na inilalayan si Bianca pababa ng kotse.

Sumalubong sa 'min ang napakadaming tao, bata man o matanda ay makikita mong nageenjoy sa mga booths, ride at stalls na meron dito.

Agad akong bumili ng ride all you can tickets para sa 'ming dalawa para hindi na kami pumila ng mahaba.

Sumakay kami sa mga rides hanggang sa magsawa kami. Nang mapagod ay napagdesisyonan namin na maglibot libot muna. Nasa harap kami ng isang magandang hugis pusong halaman na para talaga sa mga couples.

"Gusto mo magpapicture tayo?" tanong ko rito pero nakatingin lang s'ya sa hugis pusong halaman.

Nilapitan ko ang lalaki sa tabi ko at pinakiusapang picturan kami ni Bianca nilibot nya ang paningin n'ya.

"Nasa'n girlfriend mo, 'tol? " tanong nito agad ko namang tinuro ang pwesto ni Bianca kung saan nakatingin parin do'n.

Agad naman napalitan ng pagtataka ang tingin ng lalaki pero kinuha n'ya parin ang cellphone ko.

"Tara na Bianca, papicture tayo," iniangat ko ang kamay ko para sana akbayan s'ya pero mabilis s'yang umiwas kaya dumikit nalang ako sakan'ya.

Nang matapos ay tinignan ko ang mga litrato naming dalawa, ang saya namin. Bagay talaga kami.

Nang magsawa sa pagpapapicture ay dinala ko na s'ya sa lugar kung nasaan ang surpresa ko.

Pumunta kami sa likod ng amusement park kung nasaan ang isang ilog napapalibutan ito ng mga fairy lights at sa gitna ay may maliit na mesa kung saan kami kakain.

Tiningnan ko s'ya at nakita ko ang pagkamangha sa mga mata n'ya habang nililibot ang paningin sa aking munting surpresa.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko.

Nginitian ako nito nang todo at tumango-tango. Agad ko naman s'yang hinila at inalalayang maupo. Nilagyan ko ng kanin at paborito n'yang ulam ang plato n'ya.

Nagsisimula na akong kumain ng mapansin kong nakangiti lang ito sa 'kin habang pinapanood ako kumain.

"Bakit hindi ka kumain? Ako ang nagluto n'yan," saad ko at sinubukan s'yang subuan pero umiling lang ito.

Tumayo ito at pumunta sa may speaker may kinalikot s'ya do'n at narinig ko na ang malamyos na musika. Nilapitan ako nito at hinila ako patayo.

[Playing: Photograph by Ed Sheeran]

'Loving can hurt, loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know
When it gets hard, you know it can get hard sometimes
It's the only thing that makes us feel alive'

Agad nitong kinawit ang mga kamay nya sa batok ko. Pinalibot ko naman ang mga kamay ko sa kan'yang beywang.

Nakangiti ito sa 'kin habang nakatitig sa mga mata ko, pero parang may kakaiba sa mga titig na 'yon dahil malungkot ang mga mata n'ya.

'We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Our hearts were never broken
And time's forever frozen, still'

"What's the problem, love?"

"Let me go..." She said. Sa buong araw ngayon lang s'ya nagsalita.

"Ano bang sinasabi mo?" Tumataas na ang boses ko dahil 'di ko maintindihan ang sinasabi n'ya.

"Stop living in our memories, Tristan. You need to move forward and, go on with your life, hindi mo kasalanan. Please, let me go."

'So you can keep me
Inside the pocket of your ripped jeans
Holding me close until our eyes meet
You won't ever be alone
And if you hurt me, that's okay baby
Only words bleed inside these pages
You just hold me
And I won't ever let you go
Wait for me to come home'

At doon pumasok sa isip ko lahat its been two months since Bianca died. Its our First Anniversary ng mabangga s'ya ng isang truck habang hinihintay ako sa park.

At hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala n'ya. Kung sana lang mas maaga akong dumating nailigtas ko sana s'ya. Kung sana lang nando'n ako nang mga oras na 'yon kasama ko pa sana s'ya ngayon.

I looked at her, she smile again. "I love you, Tristan. Be better."

Unti unti s'yang naglaho sa paningin ko ang pigura n'yang unti unting sumasama sa hangin at sa malakas ng pag ihip nito naramdaman kong magisa nalang ako.

I get my phone and look all the pictures na nakunan kanina at lahat 'yon ay ako lang magisa. Walang bianca.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNSEEN THOUGHTSWhere stories live. Discover now