ONE-SHOT STORY

2 0 0
                                    

SI MARTHA AT ANG LASONG PULA

Si Martha ay isang normal na bata lamang bukod sa pulang laso na laging nakalagay sa leeg nito. Isang mayuming bata na talagang kinahuhumalingan ng lahat ngunit kahit na ganoon ay lumaking mahiyain ang batang si Martha dahil sa pag-aakalang kakaiba siya sa ibang bata dahil sa pulang laso nito.

Kahit si Martha ay hindi alam ang dahilan kung bakit siya may pulang laso sa kaniyang leeg, madalas n'yang tanungin ang ina nito ngunit iisa lang ang parating sagot.

Malalaman mo din iyan sa tamang oras.”

Pinagsasawalang bahala na lamang ito ng bata.

Paglipas ng panahon ang batang si Martha ay ganap na dalaga na at gaya ng ibang kasing edad ay natuto na itong makihalubilo sa iba. Dumalas ang pagdalo nito sa mga kasiyahan sa kanilang bayan.

At dito niya nakilala si Leonardo, ang lalaking nakakuha ng atensyon ng mayuming si Martha.

Sila ay naging magkaibigan at di nagtagal ay nahulog ang loob sa isat–isa at naging magkasintahan.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan at kislap ng mga bituin ay may biglang tanong na pumasok sa isip ng binata.

Mahal, Maari ko bang malaman kung bakit ka meroong pulang laso sa iyong leeg?”tanong ng binata.

Hindi naman inalis ng dalaga ang tingin sa madilim na kalangitan. Malalaman mo rin sa tamang oras,” sagot ng dalaga.

Hindi na kinulit pa ng binata ang kasintahan sa tanong na ito.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng magkasintahan ang araw ng kanilang kasal. Nang matapos ang seremonya ng kasal ay muling nagtanong ang lalaki sa kaniyang asawa.

Mahal, ngayong asawa na kita maari ko na bang malaman kung para saan ang pulang laso?” muling tanong ng lalaki ngunit binigyan lamang siya ng matamis na ngiti ng babae at muling tinuran.

Sa tamang oras, mahal ko.”

At sa paglipas ng panahon, ang magkasintahan noon, ngayon ay ganap na matatanda na at hirap nang kumilos.

Si Martha ay nanghihina na dala ng katandaan. Ang kaniyang asawa ay nasa tabi pa rin nito hanggang sa huling mga sandali ng babae.

Nang tuluyan ng ipinikit ng babae ang kaniyang mga mata ay siya ring paglabas ng mga luha sa mata ng asawa nito.

At dala ng pagluluksa at kuryusidad ay naglakas loob ang lalaki na tanggalin ang pulang laso.

At sa pagkatanggal ni Leonardo sa pulang laso...

ay siya ring paggulong sa sahig ng ulo ng babae palayo sa katawan ng asawa nito

UNSEEN THOUGHTSWhere stories live. Discover now