AGAD na natahimik si Ira sa tanong ni Heran. At nang malaman ni Heran na walang balak na magsalita ang babae ay basta basta na lamang umalis ang lalake. Ira catched her breath and help her thumping chest. Dahil sa tanong ni Heran hindi niya namalayang natigil pala ang kaniyang paghinga. Nang makuhang muli ang lakas ay agad niyang sinimulang ligpitin ang mga kasangkapang kanina'y ginamit ni Tony sa paghahanda ng kanilang pagkain.
Totoo naman na katulong siya sa palasyo at tama rin naman si Heran na hindi lamang pagiging katulong ang naging papel niya doon. Kung hindi siya dinukot, baka ngayon ay itinalaga na siyang Reyna at asawa ng Hari. Matapos niyang tumulong kina Tony sa pag-aayos ng mga kailangang ayusin sa mga parte ng karwahe, inabutan siya ni Heran ng mas komportableng damit.
Binigyan din siya ng pahintulot na maaari siyang maligo sa batis malapit sa kinaroroonan nila. Nasabi na din sa kaniya na ligtas ang batis pagkat ito na ang naunang maligo doon. Binigyan din siya nito ng sabon na kinuha nito mula sa mga produktong nakalagay sa karwahe. Matapos makapaglinis ng katawan ay sinabihan siya ni Tony na sila nga ay magpapatuloy na.
Tony and Ira are both sitting in the front of the carriage where Tony is guiding the horses. Si Heran naman ay pumwesto sa taas ng bubong ng karwahe. Sa ganung paraan daw ay makikita agad nito ang kung sino man na magtatangka sa kanila.
"Hindi ko alam na malayo pala ang lugar na pinamamalagian ng grupo ninyo, Tony."
"Ano nga ba naman ang alam ng isang babaeng tulad mo. You're only supposed to stay inside the household and serve your master. Mga mahihina kayo kaya ang dami niyong hindi alam." Hindi pa man nakakasagot si Tony ay si Heran na ang sumabat sa sinabi niya.
"Naku! Pagpasensyahan mo na talaga siya. Walang nagkakagusto sa kaniya kaya ganyan iyan, kulang sa aruga ng babae."
Agad na tumalim ang mga mata ni Heran dahil sa sinabi ni Tony. Tony just laugh at his murderous gaze.
Hindi na rin ulit nagsiyasat si Ira at baka muli siyang sagutin ng pabalang ni Heran. Hindi niya alam kung bakit mainit ang dugo nito sa kaniya, ganun pa man, hindi niya iyon ikinagagalit sapagkat isa ito sa nagligtas sa kaniya. Marami ang nagtangka sa buhay niya at kung nasagip siya sa mga ito, isa lamang ang ibig sabihin nito. Malakas si Tony at Heran.
Hapon na nang makarating sina Ira sa isang malaking bahay na may apat na palapag. Gawa ito sa kahoy, marami rin ang mga lalake na nakapaligid sa bahay. Bawat isa ay may hawak na sandata, kung hindi kutsilyo ay espada. Lahat sila ay napatuon ang atensyon kina Ira nang kumaway si Tony at nag-anunsyo ng kanilang pagbabalik. May iba na ngumisi lamang at ang iba naman ay lumapit.
Kaniya kanya sila ng pagtulong sa pagaalsa ng mga gamit sa karwahe.
"Aba! Sino yan na kasama mo, Tony? Asawa mo na ba yan!?" tanong ng isang lalake na sa tingin ni Ira ay mas matanda lamang 'kay Tony ng ilang taon. Agad na naiilang na tumawa si Tony bago nagkamot sa likuran ng kaniyang ulo.
"Hindi ho, mang Baste. Tinulungan lang namin. Ang pinuno? Gusto sana namin siyang maka-usap. "
Matapos ang ilang pagpapalitan ng salita, inaya na ni Tony si Ira papasok sa bahay. Pagkapasok niya ay agad siyang sinalubong ng iba't-ibang uri ng mga mata na animo'y kinikilatis ang pagkatao niya. Maraming mesa at upuan sa silid. Puno rin iyon ng mga kalalakihang batak ang nga katawan. Barako kung tawagin ng mga ordinaryong tao at barbarians naman kapag mga mahaharlika.
Sa pinakadulo ng silid ay may dalawang babae. Nasa likod sila ng isang mahabang mesa at sa likuran nila ay may iba't-ibang uri ng mga inumin. There were ordinary water and then alcoholic ones. Sa harapan naman nila ay may nga lalake rin na naka-upo at kaniya kaniyang hawak ng baso na may lamang alak.
YOU ARE READING
KUCILFER'S ONLY CONCUBINE
Historical FictionThe King can have any women in the kingdom as he pleases. Everything including everyone within their territory are considered theirs. This young maid who should only work as a servant in the palace suddenly caught the King's eyes. A King falling in...