MARAMI sa tagasunod ang abala sa pag-aayos ng palasyo dahil sa inaasahang panauhin na dadating sa oras ng hapunan. Abala rin si Ira sa pagtulong, wala ang Hari sapagkat may bagay itong inaasikaso. Hindi siya nito isinama at sinabing abalahin na lamang ang kanyang oras upang magpahinga.
Hindi siya sanay na walang ginagawa kaya sa halip na magpahinga'y napagdesisyunan nyang tumulong na lamang sa paghahanda.
Lumipas ang oras at handa na ang palasyo para sa panauhing dadalo, lahat sila ay nakalinya para salubungin ang bisita. Si Ira at ang punong tagasunod ang may naiibang kasuotan sa lahat. Ang kay Ira'y mapusyaw na pula habang dilaw naman ang sa huli at ang iba'y purong puti.
Isang magarang karwahe ang tumambad sa bukana ng palasyo, isang kawal na mismo ang nagbukas ng pintuan para sa wakas ay makababa na ang kanina pa nilang hinihintay na bisita. Isang babae na matanda lang siguro ng kaunti kay Ira ang unang bumaba at sumunod ang mag-asawa. Isang pamilya, naisip ni Ira, siguro'y isa ito sa mga malapit na kaibigan ng Hari.
Kaunti lamang ang nakapapasok sa palasyo kung kaya't napagtanto nyang talagang malapit ang mga ito kung kaya'y napaunlakan ng Hari ang kagustuhan nitong sandaliang pagtira sa palasyo.
Unang pumasok ang dalaga, maganda ito ngunit kung titignan iisipin mong suplada. Makapal at makulay ang mukha nito,may pinta ngunit hindi ibig sabihin hindi ito maganda.
" The ride is kinda tiring, you!" Nagulat si Ira ng bigla na lamang siyang duruin ng dalaga na hindi niya namamalayang kinakausap na pala siya.
" Ano po ang maipaglilingkod ko?"
Ipinagkrus nito ang braso sa harapan nito bago sya tinignan ng may pagkaantok.
" Lady Fria, you should call me that but Queen is good perhaps? After all I'll be one, someday. Anyway, who are you? "
Napayuko na lamang siya bago naiilang na ngumiti, hindi rin nakaligtas sa mata ni Lady Fria ang panginginig ng mga labi ni Ira.
" Ira po, Lady Fria."
Hindi mapigilan ang pamamasa ng mga mata ni Ira. Naninikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga, kaharap niya ngayon ang mapapangasawa ng Hari. Base na rin sa sinabi nito malapit na iyong matupad, naisip rin nya na baka nandito ang mga ito base na rin sa kagustuhan ng Hari. Baka gusto na nitong sanayin ang gagawing maybahay.
Natatakot,nangangamba at masama ang pakiramdam niya. Sa isip niya ay pinagtaksilan nilang dalawa ang babae. Kahit pa ilang babae ang asawahin nito ay wala namang makakapigil ngunit isang hamak lamang siyang tagasunod. Hindi siya isa sa mga mapapangasawa nito, masyadong imposible dahil sa magka-ibang uri at estado ng buhay nila.
" My bags are outside take it and put it inside my room. Then, I want you to-" Naputol ang dapat na sasabihin nito ng biglang pumagitna ang punong tagasunod.
" Lady Fria, kami na lang ho ang gagawa. Personal na tagasunod si Ira ng Hari, siya lamang rin ang maaaring mag-utos sa kanya. Yun po ang bilin ng Hari"
Mataray na hinarap ni Lady Fria ang punong tagasunod bago ito dinuro at pinagsabihan.
" I don't really care, I can do what I wan to do and you cannot stop me. Now back to you, I also want you to prepare my food" Pumalakpak ito ng tatlo bago ngumiti. " Personal servant huh? Move now."
Walang imik na sumunod na lamang si Ira, binitbit niya ang bagahe ni Lady Fria papunta sa kwartong hinanda para dito.
' Ano ba ang laman ng bagahe ni Lady Fria? Bato?' naisatinig niya sa isip.
Aakalain mo talagang bato dahil sa bigat ng laman nito. Pagkatapos nyang dalhin ang bagahe nito'y dumiretsyo na siya sa hapag kainan para sundin ang habilin ni Lady Fria. Bago pa man sya makapunta doon, nadaanan niya si Lady Fria na prenteng nakaupo habang apat na tagapagsunod ang nasa magkabilang gilid nito habang may hawak na abaniko, pinapaypayan ang babae. Napailing na lamang si Ira bago muling naglakad.
Kapag may titolo talaga namang nasusunod lahat ng gusto. Isa pa gawain naman nilang tagasunod ang mga utos ng nakatataas sa kanila. Hindi na rin sya magtataka kung hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya, naiintindihan niya kasi na lumaki ito sa luho. Lahat nasusunod.
Gayun pa man, minsan naiisip niya rin kung bakit kailangang may titolo upang mapansin. Bakit kailangang may nakatataas at nasa baba, kung bakit hindi na lamang gawing pantay? Naisip niya rin na paano kaya kung lahat nakakaintindihan at nagtutulungan, walang nagmamataas at walang naaapi. Ngunit sa tuwing naiisip niya ang mga ito, sinasabi niya na lamang sa sariling imposible nga naman na may ganun.
May mga taong may gustong mapatunayan sa kani-kanilang sarili tulad na lamang nya. Kailangan nyang mahanap ang Ina niya para patunayan dito na kahit ilang taon pa ang nawala sa kanila'y nanatili at mananatili pa rin ang pagmamahal niya sa Ina.
Pagkatapos kumain ni Lady Fria ay siya namang pagpapahinga nito sa sarili nitong silid. Pansin niya na marami sa tagasunod ang may ayaw sa dalaga, ngunit wala naman magawa kundi magbulungan at magpasahan ng karanasan dahil sa dalaga.
Naisipan ni Ira na maglakad-lakad muna, tutal wala pa ang Hari. Mabuting lumabas muna siya para makalanghap ng sariwang hangin. Pumunta sya sa likod ng palasyo, may higit sa sampong tagasunod ang naroon, abala sa paglilinis at pagsasampay ng maruruming damit,basahan, at iba pa. Kita rin sa mga mukha nito ang pagod at gutom, marahil hindi pa nagsisikain. Kaunti na lang rin ang tatapusin at tiyak nyang makakakain pa rin ang mga ito sa tamang oras.
Naisipan ni Ira na bakit hindi siya tumulong? Kung tutulong sya'y tiyak na mas mapapabilis ang pagtapos sa mga labahan.
May isang tagasunod na naglalaba sa pinakadulo. Napangiti na lamang si Ira ng makita niya itong nagpupunas ng pawis, pagod man ay nakangiti pa rin habang panaka-nakang sumusulyap sa sanggol na nakalagay sa isang basket sa tabi lamang nito. Nasisiguro nyang anak iyon ng babae, agad na may mainit na haplos ang dumantay sa puso nya. Naisip nya, ganyan rin kaya ang Ina nya noong sanggol pa siya? Isa rin ba siya sa nagpapawi ng pagod nito?
Naisipan nyang pumunta sa babae ng biglang umiyak ang anak nito. Ang ilan ay nagreklamo dahil sa ingay na nagmumula sa bata na ikinapaumanhin ng babae. Sinubukan ng Ina ng sanggol na padedehin ito ngunit pagkatapos ng tatlong beses na pagsupsop ng sanggol ay agad rin nitong iniluluwa at iiyak. Sa tuwing ibinabalik ng Ina ang dede nito ay ganun pa rin ang nangyayari. Halos maluha na ang Ina ng sanggol dahil sa iyak ng bata pati na rin sa trabaho nitong hindi pa tapos.
" Ano po ang problema?" tanong ni Ira sa babae.
" Naku! Wala siguro madede ang anak ko, hindi pa kasi ako tapos kaya hindi pa ako kumakain" sagot nito sa tanong nya.
Nginitian niya ang babae at mas lumapit pa.
" Ang mabuti pa ho ay kumain na muna kayo, ako na ang bahala sa anak nyo"
Halos maiyak sa galak ang babae bago nito ipinasa sa kaniya ang anak nito. Ang labahin nito ay sinalo na ng kapwa nila tagasunod kaya naman nagpasalamat siya. Hinelehele ni Ira ang bata, natigil rin ang pag-iyak nito dahil sa pakikipag-usap niya.
Nang ngumiti ang bata'y halos tumalon si Ira sa tuwa. Ang gandang lalake ng bata, dagdag mo pa ang biloy nito sa kaliwang pisnge. Siguradong pagkakandarapaan ito paglaki.
Wala pa naging kasintahan si Ira ngunit noon pa man ay talagang malapit na ang puso niya sa mga bata. Kung tutuusin ay mas gusto pa nga nyang mag-alaga ng sanggol kesa ang magsilbi sa kaharian. Makukulit nga naman ang mga bata at maloko ngunit yun ang talaga naman nagpapasaya kay Ira. Ngiti pa nga lang ng sanggol tuwang tuwa na siya.
Rinig ni Ira ang yapak ng mga kabayo pati na rin ng mga kawal. Agad syang nataranta ng mapagtanto na dumating na ang Hari. Hawak ang sanggol, dali-dali siyang naglakad papunta sa harapan ng palasyo.
Nagbaba sya ng tingin sa sanggol na hawak niya, ano na lang ang iisipin ng Hari kapag nakita siya nitong may hawak na sanggol? At ano naman ang pake-alam nya kung makita siya nito? Mabuti nga iyon at baka tantanan na siya nito.
Nabura lamang ang iniisip nya ng biglang bumukas ang pintuan ng karwahe, lumabas doon ang Hari dala-dala ang espada nito sa kanan nitong bewang. Mukhang talagang mahalaga ang ipinunta nito kanina lamang. Naglumikot ang mata ng Hari hanggang sa dumako ang paningin nito sa kanya. Nang magkatitigan,kita nya kung paano nagsalubong ang makapal na itim nitong kilay.
YOU ARE READING
KUCILFER'S ONLY CONCUBINE
Fiction HistoriqueThe King can have any women in the kingdom as he pleases. Everything including everyone within their territory are considered theirs. This young maid who should only work as a servant in the palace suddenly caught the King's eyes. A King falling in...