IRA was silent. Wala siyang lakas ng loob para harapin sina Heran at Tony. Wala siyang lakas ng loob na magpaliwanag. Ang sabi sa kaniya ni Vivi ay wala naman daw iyong kaso. She's a lady that the King will take as the Queen, she doesn't need to explain herself to them. Wala rin daw silang karapatang magalit kung tinago niya ang tungkol sa kaniya.
"May iba't-ibang problema tayong hinaharap. Naiintindihan namin, Lady Ira. Kung ayaw mo sabihin sa amin ang buong detalye, ayos lamang iyon. May kaunting ideya kami dahil sa ikwenento ni Tony. Ngunit kung ayaw mo muling maalala ang nangyari, pakiusap, huwag mong pilitin ang iyong sarili. "
Kahit ang Pinuno ay hindi siya inubligang sabihin ang kahit na ano. Kahit may ilangan sa isa't-isa dahil na rin sa estado ni Ira, kinalaunan ay bumalik rin ang dating sigla sa buong samahan. Ani ng mga nito, siya nga ang magiging Reyna ngunit hindi maikakaila na kaibigan na ang turing sa kaniya ng lahat ng miyembro ng samahan.
DALAWANG ARAW. Dalawang araw na nagkukulong si Ira sa kaniyang silid. Hindi niya iniiwasan ang kahit na sino. Gusto niya lamang mapagisip-isip. At sa nakalipas na dalawang araw marami siyang napagtanto.
Ang dahilan kung bakit hindi siya sang-ayon na bumalik 'kay Kucilfer ay dahil natatakot siya. Paano kung mangyari ulit sa kaniya iyon? What if someone kidnap her again? Paano kung sa pangalawang pagkakataon, wala nang sasagip sa kaniya? Hindi niya gustong pagdudahan ang Hari. Ngunit, hindi niya mapigilan.
Gusto niya si Haring Kucilfer. Hindi. Mahal niya na yata ito. Will it still be ok to love him if it means they will both put themselves at risk?
"Ira?"
Agad na tinungo ni Ira ang kaniyang pintuan upang pagbuksan si Vivi. Pumasok ito habang may hawak na tray na may lamang pagkain.
" Hindi ka pa raw bumababa sabi ni Bianca. Kaya dinalhan na lang kita dito."
Inilapag nito ang dala dala sa maliit na mesa na nasa silid niya. Umupo rin ito pagkatapos sa higaan niya at sinenyasan siyang umupo sa tabi nito. Ira obliged. She sat next to where Vivi tapped her left hand.
"Alam ko kung bakit ayaw mo sumama. Natatakot ka hindi ba?"
Gulat na tiningnan ni Ira si Vivi. Nagtataka kung paano nito nalaman.
"May gusto akong ipagawa sa iyo. Sa pagdating ng Hari, gusto kong pakinggan mo ang kahit na anong sasabihin niya at gusto kong sabihin mo ang ano mang bumabagabag sa iyong isipan. Ito ay kung maaari lamang."
Ngumiti ito sa kaniya at nagpaalam na aalis na.
At sa parehong araw na iyon, totoo nga na dumating ang Hari. Nakasakay ito sa puting kabayo at kita ni Ira mula sa bintana ng kwarto niya ang bulto nito. Agad na kumabog ang dibdib niya. Alam niya na sa oras na iyon papunta na si Vivi sa silid niya upang pabababain siya.
Tumalikod siya mula sa bintana kaya naman hindi na niya nakita ang pagdapo ng titig ng Hari sa kaniya mula sa baba.
Marahan ang bawat hakbang ni Ira. Namasa rin ang gilid ng mga mata niya.
Bakit kailangan niyang mag-alinlangan? Bakit siya natatakot? Anong nangyayari sa kaniya at paiba-iba ang kaniyang nararamdaman?
Gulong gulo siya sa sariling damdamin ngunit nang makita niyang muli ang Hari, tila nawala ang hamog sa kaniyang isipan. Hindi niya kailangang matakot dahil kaya siyang protektahan ng Hari. Hindi niya kailangang pagdudahan ang Hari sapagkat alam niya na hindi lamang siya nito gusto, alam niya na mas malalim pa roon ang nadarama nito para sa kaniya.
Mula sa marahan na paglakad, unti-unting bumilis ang bawat paghakbang ni Ira. Hanggang sa namalayan niya na tumatakbo na pala siya papunta sa pintuan. And when she finally stop just outside the door, nagsihulugan ang luha niya na kanina pa gustong kumawala sa kaniyang mga mata.
YOU ARE READING
KUCILFER'S ONLY CONCUBINE
Historical FictionThe King can have any women in the kingdom as he pleases. Everything including everyone within their territory are considered theirs. This young maid who should only work as a servant in the palace suddenly caught the King's eyes. A King falling in...