TUMAKBO si Ira palabas ng palasyo, gusto nyang lumayo, gusto nyang tumakbo ng tumakbo hanggang sa mapagod siya. Hanggang sa mawala ang sakit na nanunuot sa puso niya.
Gulong gulo siya sa mga nangyayari. Akala niya maayos na ang lahat, hindi pala. ' Ano ba talaga ako sa kaniya? ' yan ang iniisip niya. Gusto nyang isiping nananaginip lamang siya. Gusto nyang isipin na siya lang, na hinding-hindi magagawa ni Kucilfer na magtaksil sa kanya.
Natigilan siya, magtaksil sa kanya? Sa kanya? Hindi ba't sila naman talaga ang unang nagtaksil sa totoong mapapangasawa nito?
Lalo lamang bumuhos ang luha niya. The sun is already setting up into the sky when she decided to wipe her tears and walk towards her room. Sa kwarto niya siya pumunta, hindi sa pahingahan ng Hari. Siguro nga ay nagsawa na sa kanya ang Hari kung kaya't naroon na ito sa totong babae nito.
Maybe this past few days, he's not really busy about his King duties but busy about his legal woman. Inayos niya ang sarili, nagpanggap na para bang hindi siya umiyak magdamag. Nang lumabas siya sa silid niya ay sakto namang paglapit ni Evans sa kanya. Relief is visible in his face, looks like he's been searching for her.
" Nandito ka lang pala" saad nito. Nginitian niya lamang ito bago bumati.
" Sige na, ako na ang bahala sa sarili ko." pagtataboy niya sa binata. Kita niya ang pagtataka sa mga tingin nito ngunit tumango rin naman ito bilang pagsang-ayon.
Nang maka-alis at mawala sa tingin ni Ira si Evans ay agad syang nanakbo palabas ng palasyo. Wala syang pakealam kung marami ang nagtatakang nakatingin sa kanya. Ang gusto nya lamang ngayon ay ang maka-alis at mapag-isa.
May nakita siyang isang may katandaang lalake. Papasakay na ito sa pangbayang karwahe. Iyon ang ginagamit kapag naghahatid ng mga pagkain at iba pang pangangailangan sa palasyo. Nilapitan niya ito at magalang na bumati.
" Iha, ano ang maitutulong ko sa iyo?" Nagpaumanhin siya rito na agad nitong sinita. Sinabing ayos lang sa kanya.
" Maaari po ba akong sumama? Pakiusap."
Kita ang pagdadalawang isip nito ngunit kinalauna'y pinasakay na rin siya nito. Nagpasalamat siya dito bago tumabi ng upo sa matandang nagmagandang loob. Wala nang laman ang karwahe, ibig sabihin ay pa-uwi na ito. Wala siyang maramdamang pangangamba sa matanda kung kaya't walang takot siyang umupo at naghintay hanggang sa pumasok sila sa kagubatan. Sakop pa rin naman iyon ng kaharian ngunit kakaunti lamang ang napaparoon.
" Dito kami nakatira ng asawa ko, Iha. Malayo sa bayan pero mas matiwasay. Hindi ko alam kung bakit gusto mong umalis ng palasyo, pero ikagagalak naming mag-asawa na pansamantala ka munang tumuloy sa munting tahanan namin."
Naiiyak na nagpasalamat siya rito. Malayo pa lamang ay tanaw na niya ang babaeng may katandaang naghihintay mula sa labas ng maliit na bahay. Bumaba sila at lumapit sa babae. Maganda ito kahit may katandaan na, kitang-kita niya rin kung gaano kalalim ang pag-iibigan ng dalawa.
" Sino ang magandang dalagita na ito, Anton?" Lumapit ito sa kanya na parang sabik na sabik sa dalaga. Nang tinignan niya si Mang Anton ay may pagpapaumanhin itong tingin sa kanya.
" Ako ho si Ira, Nay." tuwang tuwa ito nang tawagin nya itong Nay. Nagpakilala ito at sinuhestyon na tawagin na lamang syang Nay Tina.
Pinatuloy siya nito sa loob ng bahay nila, maliit lamang iyon ngunit napakaganda. Nalaman niya rin na hindi na nabiyayaan ng anak ang mag-asawa dahil matanda na rin sila nang magkakilala. Doon nya rin napagtanto kung bakit ganun na lamang ang tuwa ng matandang babae ng makita siya nito.
Pinagsaluhan nila ang linuto ni Nay Tina na sopas. Mainit pa iyon at talaga namang nakakapanubig ng panga ang lasa. Hindi na siya magtataka kung bakit umibig si Mang Anton kay Nay Tina. Maganda ito, mabait at magaling sa gawaing bahay. Tipikal na gusto ng kalalakihan sa kababaihan.
Ikwenento niya kay Nay Tina kung bakit niya naisipang umalis panandalian sa palasyo. Hindi nito kilala kung sino ang lalake na talaga namang nanakit sa kanya dahil mas minabuti nyang itinago ang pangalan at posisyon nito. Pasalamat na lamang siya at hindi siya pinilit ni Nay Tina. Sa katunayan pa nga ay ito ang nagsabi na mas makabubuti kung hindi nya sabihin ang pangalan.
Buong araw syang namalagi kina Mang Anton. Napag-alaman niya na may maliit itong lupa kung saan ito nagpapatubo ng sariling gulay at prutas. Trabaho nito ang maghatid ng mga pangunahing pangagailangan sa palasyo, at mula sa pera na nakukuha nito sa paghatid, nagawa nitong makabili ng sariling karwahe at maliit na lupa.
Tumulong siya sa pag-aani ng mga pwede nang anihin at nagtanim rin sila kapalit ng mga inani na gulay at prutas. Naka-upo siya ngayon sa punong nakatumba. May kagat-kagat syang mansanas na galing sa ani nila. Maliliit lamang iyon ngunit pulang pula. Matamis at masarap sa dila.
Tinawag siya ni Mang Anton at Nay Tina at sinabing papuntang palasyo si Elmer, pupwede siya ditong sumabay kung gugustuhin niya. Tiyak na gabi na sila makakarating sa palasyo, tamang-tama. Sinabi niya sa kanila na sasama siya.
Pinabaunan siya nito ng tatlong pirasong mansanas at nilagang mani na sa tingin niya ay magiging paburito niya na. Ilang ulit syang nagpasalamat sa mag-asawa at sa wakas, siya ay sumakay na nga sa karwahe. Mahirap na, baka mainip si Elmer eh makikisakay na nga lang siya.
Nakangiting nakakaway ang kamay ng mag-asawa. Tinanaw niya ito habang umaandar ang karwahe hanggang sa nawala na ito sa paningin nya. Umayos na siya nang upo at ginawang komportable ang sarili.
Hindi rin naman masama ang pabalik nila sa palasyo. Hindi masungit si Elmer at maraming kwento. Hindi rin papahuli ang mga biro nitong bentang-benta sa tenga niya kaya naman magaan ang pakiramdam niya habang binabagtas nila ang daan tungo sa palasyo.
Malayo pa lang ay kita na niya ang mga kawal na nakasiwalat sa labas ng palasyo. Aligaga at lahat may pinagkaka-abalahan. Huminto ang karwahe nang may kawal na nagpahinto kay Elmer. Bumaba rin siya para sana pumasok na sa palasyo.
Kita niya ang pagtingin ng kawal sa kanya bago bumaling sa katabi nitong kawal. Ang huli naman ay kumaripas ng takbo papasok sa palasyo. Hindi niya maintindihan ang pinagtatanong ng mga kawal kay Elmer dahil sunod-sunod iyon.
Naglakad siya papasok sa palasyo at kita niya si Evans na papalapit sa kanya, pawisan at mukhang kanina pa may pinagkaka-abalahan. May bahid rin ng takot ang mukha nito dahil sa pamumutla ng mukha at labi nito.
" Thank God, you're here." mahinang bulong nito. She felt guilty walking away without informing him.
Sunod na rinig niya ang sunod-sunod na mga yabag. Parang nagmamadali at may hinahabol. Nang tumingin siya sa likod ni Evans ay doon niya nakita ang Hari, lakad-takbo ang ginagawa nito para lamang makarating sa kanya.
His face is grim, and tiredness is visible in his face. Lips on a thin line and eyes are both restless. Nang makalapit ito sa kanya ay pagod nitong hinawi ang buhok nito na basa, hindi niya alam kung bagong ligo ito o pawisan lamang.
" Where did you go? Do you know how much time I had spend looking for you? Goddam!" mahina ngunit mariin nitong sambit bago nito muling pinaraan ang kamay sa buhok nito na gulo gulo.
Gulong gulo rin siya sa inaakto nito lalo na ng higitin siya nito para yakapin. He buried his face on the crook of her neck while his hands pressed her back closely to him.
" Are you even aware of what I found out? How mad I am because of it? And how worried I was? I have never been this afraid in my entire life!"
Nanatiling tahimik si Ira, wala siyang masambit na dahilan. Dahil sa tingin din niya, napakawalang kwenta ng kaniyang rason kung bakit nga ba niya napiling mapag-isa ng isang araw.
"Do you know we can't be together? Is this how the Goddess punish me from my sins? Well it doesn't matter."
Ira tilted her head more when Kucilfer's hug tightened. His voice changing into a more calmed manner.
"I am more than willing to commit more sins if it means I got to have you."
YOU ARE READING
KUCILFER'S ONLY CONCUBINE
Historical FictionThe King can have any women in the kingdom as he pleases. Everything including everyone within their territory are considered theirs. This young maid who should only work as a servant in the palace suddenly caught the King's eyes. A King falling in...