Irranna
NAKAYUKO akong nakasunod sa likuran ng Hari. May mga kawal na nakapalibot sa amin. Sa bawat paghakbang namin ay sya rin pagsidami ng matang nakatingin sa amin. Kasalukuyan naming binabagtas ang daan tungo sa silid ng aming punong tagapaglingkod.
May kawal na kumatok sa pintuan para ipagbigay alam sa aming punong tagapaglingkod ang biglaang pagbisita ng Hari sa aming lugar. Nang buksan ng punong tagapaglingkod ang pintuan, halos magkadaugaga ang mga galaw nito dahil sa hindi inaasahang panauhin.
Nag-ayos ito bago inanyayahan ang Hari upang pumasok at nang mapag-usapan nila ang ipinunta ng Hari. Nang sumarado ang pintuan ay tyaka lamang ako nakahinga. Hindi ako kasama sa loob kaya naman hindi ko rinig ang pinag-uusapan nila gayunpaman, kinakabahan ako. Paano kung banggitin ng Hari ang tungkol sa nangyari sa amin?
Pinilig ko ang ulo at isiniwalang bahala ang mga iniisip ko. Alam ko na hindi tanga ang Hari, kung may pinag-uusapan man sila'y tiyak kong purong kalakalan lamang iyon. Hindi gugustuhin ng Hari na madumihan ang reputasyon niya kaya naman tiyak kong itatago nya ang madumi naming sekreto.
Mamaya-maya pa ay nilapitan ako ni Bela, nagtanong ito kung bakit naparito ang Hari at bakit kasama ako nito. Sinubukan kong umaktong parang wala lang, takot na baka pati si Bela na nag-iisa kong kaibigan ay mandiri sa kagagawan ko.
" Gusto ng Hari ng personal na taga-silbi at ako ang napili niya."
Tumango tango si Bela bago muling nagpatuloy sa pagwawalis, tagaktak ang pawis nito sa nuo at talaga namang nakakabigat sa dibdib makita silang nagtatrabaho habang ako'y nakatayo lang dito.
Napapitlag ako ng bigkang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang Hari at ang punong tagapaglingkod.
" I'll be the one to instruct her to whatever she needs to do. I will send my men to get her things."
" Masusunod, mahal na Hari"
Nakapamulsa itong naglakad, sinenyasan pa ako ng punong tagapaglingkod na sumunod kaya kahit labag sa loob ko ay sumunod pa rin ako. Matangkad na tao ang Hari, likod pa lamang nito ay talaga namang masasabi mong isa itong makisig na lalake.
Nang makapasok sa mismong palasyo, agad akong sinalubong ng babae na tiyak kong tagapagsilbi ng palasyo, ang puting buhok nito na may halong itim ay nagsasabing may katandaan na ito. Nakangiti nyang binati ang Hari bago bumaling sa akin. Hindi maalis ang napakagandang ngiti nito sa labi kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumiti pabalik. Hindi ito pinansin ng Hari at nagdirediretsyong pumanik ng hagdan.
" Halika Iha, ipapaliwanag ko ang gagawin mo"
Sumunod ako sa kanya. May babaeng nag-abot sa kanya ng damit at sapatos na para pala sa akin nang iabot nya iyon sa akin. Bitbit ko iyon habang naglalakad at pinapamilyar ang pasikot-sikot ng palasyo. Itinuro nya ang mga pwede at bawal kong puntahan, mga dapat gawin sa umaga, hapon at gabi. Mga takdang oras ng pagsisimula at pagtatapos ng trabaho.
Sunod nya akong dinala sa aking kwarto, mas maluwag ang kwartong ito kesa sa kinagisnan ko. Inayos ko ang mga gamit ko na pinadala pa mula sa dating pahingahan ko.
Natigil lamang ako ng may taong kumatok sa aking pinto. Agad ko 'yong binuksan, isang babaeng tagasunod ang nasa labas na sa tingin ko ay nasa edaran ko rin. Magalang ko syang binati at tinanong kung bakit siya naparito sa kwarto ko. Maarte nitong tinaas ang kanan nyang kilay na isiniwalang bahala ko na lamang.
" Pinapatawag ka ng Hari, bilisan mo."
Tumango ako dito at nakayukong sumunod. Pumasok kami sa isang pintuan, sa loob ay ang hapag kainan. Naka-upo sa pinakadulo ang Hari, malapit na rin itong matapos kumain. Nang mapansin niya ang pagdating ko ay agad niya akong sinenyasang lumapit sa kanya.
Lumanghap muna ako panandalian ng hangin bago tinungo ang pwesto nya.
YOU ARE READING
KUCILFER'S ONLY CONCUBINE
Historical FictionThe King can have any women in the kingdom as he pleases. Everything including everyone within their territory are considered theirs. This young maid who should only work as a servant in the palace suddenly caught the King's eyes. A King falling in...