GAYA ng utos ng Hari, lumabas si Ira at sa karwahe na lang mismo naghintay. Naisip niya na siguro'y hindi gaanong sanay ang Hari na may kasama dahil tulad ng sabi ng lahat, ito ang unang beses na nagdala ng personal na tagasunod ang Hari. Isiniwalang bahala niya na lamang ang pagpapabalik sa kanya ng Hari pati na rin ang paraan ng pananalita nito. Isa siyang Hari at lumaki bilang isang prinsipe. Natural lamang na ang tingin nito sa kaniya ay isang tao na kaniya'y pagmamay-ari. Mas mabuti nga iyon at makakapahinga at makakahinga sya ng maayos.
Mahaba-haba naman siguro ang paguusapan ng Hari at ng iba pang nakatataas kaya hindi naman siguro masamang umidlip. Wala naman kasi siyang magawa at talagang buryo na siya kaya naman naisip niya na mas mainam kung mamahinga muna siya saglit.
Hindi pa man lumilipas ang limang minuto ay agad na siyang nakatulog, hindi niya alintana ang pagbukas at sara ng pintuan ng karwahe, ni ang magaspang at mainit na bagay na humaplos sa pisngi nya'y hindi nakapagpagising sa kanya.
Nagising lamang si Ira ng naalog ng bahagya ang karwahe, agad siyang napamulat ng mata at napatuwid ng upo ng mabungaran niya ang Hari. Nakasandal ang likod nito sa likuran ng upuan. Ang isang kamay nito ay may hawak na papel na may kasulatan. Seryoso itong nagbabasa, hindi alam ni Ira kung anong pumasok sa utak niya at nanatili syang nakatitig sa mukha ng Hari.
Ngayon niya napagtanto na talaga namang napakagandang lalake ng Haring Kucilfer ng kahariang Feream. Sa abong mga mata pa lamang nito ay talaga namang mabibihag ka na.
'Bakit? Nabihag ka na ba?'
Tanong ng isip nya sa kanya. Napailing na lamang siya dahil sa sinabi ng kaniyang isipan. Maaari ngang may nararamdaman na siya sa Hari ngunit tiyak nyang kaya nya iyong pigilan. Isa pa alam niya ang hangganan niya, ang kanyang limitasyon. Ang Hari ay para sa isang maharlikang babae at siya, isa lamang siyang mababang uri na persona sa kaharian.
Napakurap siya ng biglang pinunit ng Hari ang papel na kanina'y binabasa nito. Saktong tumigil ang karwahe sa bukana ng palasyo, agarang bumaba ang Hari kaya naman sumunod na lamang siya papasok.
Dalawang kanto ang liniko nila bago pumasok ang Hari sa isang silid, nanatili siyang nakatayo sa labas, sa gilid ng pintuan ang kuwarto. Nangangalay man ay mas pinili nyang manatili, baka mamaya ay tawagin siya ng Hari, mas mabuti ng malapit lang sya.
Hindi rin naman siya nagkamali dahil rinig niya ang pagtawag sa kanya ng Hari pagkaraan ng ilang minuto. Kinakabahan nyang hinawakan ang seradura ng pinto, bago niya iyon binuksan ay nagpunas muna siya ng nuo dahil sa malamig na pawis na namuo doon.
Pumasok na siya at bumati, sumenyas ang Hari dahilan para lumapit siya rito. May hawak itong libro na agad rin naman nitong ibinaba ng makapasok na siya sa silid. Tumayo siya sa harapan ng Hari, ang lamesa ang siyang nagsisilbing harang sa kanilang dalawa.
" You have only a father to look out right?"
Magalang na tumango si Ira mula sa tanong ng Hari, ang totoo nyan ay nagulat siya ng biglang ungkatin nito ang tungkol sa pamilya nya.
" After winning the war against your kingdom, I ask you, the servants as the payment. Your King has a condition though, I will only get limited numbers of servants who voluntarily wanted to come. Now tell me, why did you come if you could've just stayed?"
Hindi alam ni Ira ang sasabihin, kapag nagsinungaling siya maaaring mahalata iyon ng Hari at kapag naman sinabi niya ang totoo baka kung ano ang isipin nito. O baka may plano ito kaya gusto nitong usisain siya. Sa huli, magsinungaling man siya o hindi malalaman pa rin ng Hari ang totoo.
" Ang aking Ina, mahal na Hari. Siya ang dahilan, nandito ako dahil nandito rin siya at gusto ko siyang makita."
Isinandig ng Hari ang likod sa upan nito. His fingers taping on the desk in front of her. Tinatantya ang sasabihin kay Ira.
YOU ARE READING
KUCILFER'S ONLY CONCUBINE
Historical FictionThe King can have any women in the kingdom as he pleases. Everything including everyone within their territory are considered theirs. This young maid who should only work as a servant in the palace suddenly caught the King's eyes. A King falling in...