MAINGAY ang lahat. Bawat isa ay may hawak na basong may lamang beer. Nagkakasiyahan ngayong gabi dahil na rin sa nangyaring pag-atake ng mga lobo. Para na rin daw iyong tradisyon. Kapag sila ay nakikipaglaban, ma pa hayop o tao, talagang may selebrasyong nagaganap pagkatapos lalo na kapag sila ang panalo.
" Ira! Salamat sa pagligtas sa akin kanina! Ang lakas ng loob mo! Swerte talaga si Pinuno sa mga napupunta sa samahang ginawa niya!"
May tama rin ito ng alak dahil pansin din ni Ira ang namumula ng mga mata ni Vivi. Ito ang babaeng tinulungan niya. Tinanguan niya lamang iyon bago sumimsim sa alak na nasa baso niya.
Ito ang unang beses na tumukhim siya ng alak. Si Vivi ang nagbigay sa kaniya nito at ayaw niya namang tumanggi lalo na at lahat sa kanila ay may hawak hawak na basong may lamang alak. Ayaw niya namang siya lang ang wala. Hindi rin naman niya iyon uubusin. Makita lang dapat ng iba na umiinom siya.
Maraming kwento ang bawat lalake sa samahan na nagsikumpulan sa tabi ni Ira. Lahat iyon puro katatawanan kaya hindi namalayan ni Ira na halos maka-apat na baso na siya ng alak. Napansin niya lang nang tignan niya ang paligid at tila iyon umiikot. Mukhang lasing na siya. Ang kaninang mahinhing tawa niya ay nauwi na sa halakhak. Para ba kay tagal na niyang kabilang sa samahan.
Habang panay pa ang kwento ng mga nasa paligid niya, napagdisisyunan ni Ira iungko ang ulo sa mesa. Ngingiti-ngiti pa rin siya habang nakikinig sa kanila. Hindi rin niya namalayang nakatulog na pala siya. Ramdam niya na may mga brasong iniangat ang katawan niya. Ramdam niya ang paglutang at pagbagsak ng kaniyang katawan sa isang malambot na higaan. Nang maramdaman ang lambot at init ng kaniyang kama, agad itinagilid ni Ira ang katawan upang makatulog ng komportable. Rinig niya ang pagsara ng pintuan ng silid ngunit hindi niya na iyon binigyan pa ng pansin nang muli siyang inihele ng antok at tuluyan na nga siyang lukubin ng kadiliman.
***
Nagising si Ira dahil sa mga awit ng mga ibon na naka-upo sa malaking puno na nasa labas ng silid niya. Nang sumakit ang ulo niya ay agad niya iyong sinapo. Muntik na niyang iuntog ang sarili sa pader ng kaniyang silid nang mapagtanto na hindi niya maalala kung ano ang pinag-gagawa niya kagabi. Ang naaalala niya lang ay ang pagkukwento sa kaniya nina Tony, Mang Baste, Gelen at Oscar. Hindi na niya maalala kung paano siya nakapunta sa silid niya.
Agad niyang ibinaba ang tingin sa kaniyang damit at napahinga ng maluwag nang makitang suot niya pa rin ang kagabing kasuotan. Matapos itali ang buhok at magmumog, bumaba na siya sa unang palapag ng bahay. Nang mapansin siya ni Vivi, nakangiti itong kumaway sa kaniya at sumenyales na pumaroon sa mahabang lamesa kung saan ito naghahain ng almusal.
Pina-upo siya nito at hinainan din ng pagkain. Garlic fried rice, inasinan at tinuyong isda at itlog ang nilagay nito sa plato niya. Imbis na tubig ay mainit na kape ang inilagay nito sa gilid ng plato siya.
"Gusto sana kita iluto ng pagkaing may sabaw ang kaso, hindi naman kumakain ang mga bruskong ito ng pagkain na malambot. Sanay na sila uminom ng alak na para ba wala nang bukas. Hindi naman ako maaaring magluto na ikaw lang ang kakain lalo na at madalang ang mga naghihire sa guild namin. Malayo pa ang bayan kaya pili lamang ang sangkap na nandidito sa kusina namin."
Agad na nanlaki ang mga mata ni Ira.
"Naku! Ayos lamang, hindi naman gaanong masakit ang ulo ko. Isa pa, kaunti lang naman ang ininom ko dahil alam ko na hindi ako sanay sa alak."
Nagpaalam sa kaniya si Vivi nang nagsigising na ang iba at kinakailangan na nitong maghain sa kanila. Si Bianca kasi, yung isa pa na babae sa samahan, ay siya namang nag-aabala sa mga hugasin mula pa kagabi at ngayon. Binilisan ni Ira ang pagsubo at pagnguya. Gusto niyang tumulong kaya siya nagmamadali.
YOU ARE READING
KUCILFER'S ONLY CONCUBINE
Fiksi SejarahThe King can have any women in the kingdom as he pleases. Everything including everyone within their territory are considered theirs. This young maid who should only work as a servant in the palace suddenly caught the King's eyes. A King falling in...