CHAPTER 1

809 26 1
                                    

Irranna Hemswill

Maaliwalas, organisado,matao at maraming produktong gawa sa iba't- ibang materyal ang agad na bumunggad sa aming mga tagapaglingkod.

Ako ay isang tagapaglingkod na nagmula pa sa malayong kaharian ng Firlin. Nang sakupin ang aming kaharian ay kasama kami sa mga nakuha ng mga taga-Feream. Kapag may digmaan sa pagitan ng dalawang kaharian ang sino man na mananalo mula sa dalawa ay bibigyan ng kahit na anong gustuhin nila mula sa kahariang natalo nila. Natalo ang kaharian namin kung kaya't kami ang magiging kabayaran.

Magiging tagapag-lingkod kami ng kaharian ng Feream. Nakakalungkot man, kailangan kong mawalay sa aking Ama ngunit masaya ako sapagkat nabalitaan ko na ang aking Ina ay naging tagapag-lingkod din ng kaharian ng Feream.

Maaaring nandidito pa sya at makita ko. Isang dekada na rin ang nakalipas ng mawalay sya sa amin. Gustong gusto ko na syang makita, mahagkan at makausap.

" Makinig! Ito ang Palasyo ng Feream. Dito kayo maglilingkod at ang nakikita niyo sa harapan nyo ay permanente nyong tutuluyan"

Masyadong napalalim ang aking pagmumuni-muni kaya naman hindi ko napansin na nadito na pala kami sa palasyo. Napakaganda rin ng palasyo ng mga Feream. Nasa tuktok ng palasyo ang bandera nito na kasing kulay ng araw.

Ang kahariang ito ang syang magiging tahanan ko simula ngayon, sana naman ay maging maganda ang buhay ko rito.

" Rinig mo? Ang gwapo raw ng Hari ngunit ayaw sa babae"

Napailing na lamang ako sa narinig kong pinag-uusapan ng kapwa ko tagapag-lingkod. Maaaring tama nga sila ngunit dapat na huwag silang mag-usap dito dahil higit na ikapapahamak nila iyon.

Ako man ay binabagabag ng aking kuryosidad. Marami nga ang nagsasabi na ang Hari ng Feream ay may angking kakisigan at kagwapuhan. Sa mata ng mga babae ay isa siyang magandang nilalang na maaaring makumpara sa isang diyos ng sanlibutan.

Lahat ng babae ay gusto syang makita, kagaya ko. Ngunit hindi para amuhin sya kundi para mapatunayan kung talaga ba na ang Haring ito ay may angkin ring kasamaan.

Usap-usapan rin kasi na ang Haring ito ay 'sing sama ng Hari ng kaharian ng Feros. Marami ang nagsasabi na isa syang malupit na Hari o 'di kaya'y mas masama pa sa Hari ng Feros.

" Ipinagbabawal ang pagpunta nyo sa ika-tatlong palapag ng palasyo. Mananatili kayo sa inyong silid hanggat hindi ipinapapukaw ang inyong mga sarili"

Tumango kami sa sinabi ng punong tagapaglingkod. Sa kaharian namin ay mayroon ring pinagbabawal na pasilyo, hindi ko alam na meron rin dito. Hindi ko alam kung ano ang tinatago nila sa pasilyong iyon at wala akong balak alamin sapagkat ayaw kong mapahamak.

May dala akong kakarampot na pera at pangsariling gamit. Iniayos ko ang mga iyon sa kwartong binigay sa amin. Tatlo kami sa isang kwarto at may tag-iisa kaming higaan. Matigas iyon ngunit maaari ng pagtiyagaan, kesa matulog kami sa malamig na lapag.

"Ira tawag na tayo sa labas"

Ngumiti ako at tumango kay Bela. Isa sya sa kasama ko dito sa kwarto at nasisiguro kong mabait syang tao. Siguro ay ngayon na rin ang umpisa ng aming paglilingkod kung kaya't pinapatawag na kami.

Nasa higit 50 na tagapag-lingkod ang nakuha ng mga taga Feream sa kaharian ng Firlin. Sa kasamaang palad ay isa ako sa kanila.

Pinalinya kami ng punong tagapag-lingkod at hinati sa apat. Kasama ko si Bela at Gen na parehong kasama ko rin sa kwarto.

"May handaang magaganap ngayon sa palasyo. Tayo ang napag-utusang ayusin ang ngayong gabing pagsasalo-salo. Apat kayong grupo, isa sa paghahanda ng pagkain, isa sa paghahanda ng mga gagamiting mesa at upuan, isa sa pagdidisenyo ng dadaungan ng selebrasyon at isa sa bibili ng mga kagamitan at kasangkapang kakailanganin ng bawat isa sa into"

KUCILFER'S ONLY CONCUBINE Where stories live. Discover now