CHAPTER 2

485 32 2
                                    

Irranna

Masakit man ang katawa ko lalong lalo na ang kaselanan ko ay kailangan ko pa rin magmadaling umalis mula sa kwartong ito. Hindi dapat malaman ng kahit na sino man ang nangyari sa pagitan ko at ng Hari.

Dugo, yun ang unang nakita ko sa puting sapin ng kama pagkatapos kong tumayo. Wala na ang pinakaiingatan ko. Hindi ko lubos mawari kung bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito ngunit wala naman akong magagawa lalong lalo na at ang Hari ang may gawa nito sa akin.

Dali dali kong isinuot muli ang damit ko kahit pa ang ilang tela nito ay naalis. Sinigurado ko ring walang ingay ang mga yapak ko, ayokong magising sya sapagkat hindi ko alam ang ipapataw nya sa aking parusa dahil nakipagsiping ako sa kanya.

Hindi parin makatarungan ang ginawa nyang pagpwersa sa akin. Hari man sya, wala pa rin syang karapatang angkinin ang sino mang babae kung ayaw naman nitong magpaangkin. Kung halos lahat ng babae pinagpapantasyahan sya kailangan nya ring malaman na may ibang hindi interesadong magpakatanga para sa kanya.

Marami dyan sa tabi tabi na di'hamak na mas maganda sa akin na itatapon mismo ang sarili para lamang sa kanya. Bakit hindi na lang iyon ang ayain nya?

Agad din namang nawala ang lahat ng aking iniisip ng maalala na lasing lamang ang Hari kung kaya't nagawa nito iyon sa akin. Kung ibang tagapag-silbi ang naroroon, tiyak na hindi sana ako ang nakasiping nito.

Walang lingon akong umalis sa kwarto ng Hari pagkatapos ang gabing iyon. Sinigurado ko na walang ibang naiwan na gamit ko sa loob ng silid nya dahil sa takot na baka matunton nya ako lalo pa't nandito lang kami sa iisang palasyo o mas magandang sabihin kong nanganganib ako dahil nasa mismong palasyo nya ako.

" Huy, Ira! Tulala ka nanaman"

Nakasimangot na turan ni Bela. Kumurap muna ako ng ilang beses bago sya binigyan ng ngiti na alam ko naman na alam nyang peke.

" Wala ito,Bela"

Sumimangot ito at umingos. Alam kasi nito na hindi ako nagsasabi ng totoo ngunit wala akong balak sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari sa akin. Paano na lamang kung kamuhian nya ako? Ayokong damating ang araw na mawala ang respeto ng mga kapwa ko tagapaglingkod sa akin dahil lamang nagawa kong magpa-angkin sa Hari.

" Alam naming meron. Lahat kami pansin ang pagiging balisa mo nitong nakaraang dalawang araw"

Oo, dalawang araw na mula ng mangyari ang gabing iyon at nagpapasalamat ako na hanggang ngayon wala pang naibabalita na may isang katulong na nagpagamit sa Hari.

" Namimiss ko lang siguro si Ama"

Bumuntong hininga na lamang si Bela bago sumang-ayon. Wala naman kasi syang maisip na dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Imposibleng lalake dahil mailap talaga ako sa mga lalake, ang Ama ko lang ang lalakeng malapit sa akin.

Katulad ng nakaraang dalawang araw, payapa ang naging paglilingkod ko sa palasyo. Heto na nga at naghahanda ulit kami para sa pagtulog namin. Dalawang gabi na rin akong nagdarasal na sana ay kalimutan na lamang ng Hari ang nangyari sa aming dalawa.

Pareho kaming mali kaya sana naman ay hindi na nya iyon ungkatin. Isa pa'y pilit ko na ring kinakalimutan ang nangyari sa amin. Ayoko na ng gulo at gusto ko na lamang mamuhay ng payapa sa kahariang ito bilang isang tagapaglingkod.

Pano kung mabuntis ako? Sana lang ay huwag. Dalawang beses lang naman nya akong inangkin, sana lang talaga ay walang mabuo dahil mas mahihirapan ako na mamuhay ng payapa at baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkakapahamak ko.

Sa dalawang araw na lumipas ay wala akong ginawa kundi iwasan sya. Kapag nagbibigay ng kautusan ang punong tagapaglingkod sa akin at may posibilidad na makasalubong ko sya ay agad akong nagrereklamo. Ayos lang sa akin na masermonan kesa makita ang Hari.

KUCILFER'S ONLY CONCUBINE Where stories live. Discover now