CHAPTER 4

437 22 0
                                    

Irranna

"Irranna paki-abot naman ng pandagpok para matapos ko na ito."

Matapos ibigay ang pandagpok ay bumalik na ako sa pagsasampay ng mga damit. Nandito kami ngayon sa batis, naglilinis ng mga maruruming damit.

Tatlong araw na rin ang nakalipas mula nang komprontahin ako ng Hari. Nagpaalam ako sa kanya na kinakailangan kong bumalik sa pagtatrabaho. Sa una'y hindi siya sangayon ngunit kinalauna'y pumayag na lamang ito.

Sa totoo nga nyan ay nagpaalam ako na babalik rin ako ngunit ng dahil sa nangyari sa amin napagisip-isip ko na delikado. May nangyari sa amin ng Hari na sa mata ng lahat ay mali.

Hindi dapat ako makipaglapit sa isang nakakataas at mas lalong ipinagbabawal ang pagkakaroon ng relasyon ng mga tagasunod sa nakakataas-lalong lalo na sa Hari.

Walang kami ng Hari, ngunit may nangyari sa amin. Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat na gawin ko. Hindi na naulit ang gabing iyon ngunit hindi ko pa rin maisawalang-bahala ang nararamdaman ko. Ang sabi nga noon sa akin ng aking Ama, kung nangyari na, hindi imposibleng mangyari ito ulit. Alam ko na may atraksyon na nararamdaman ang Hari para sa akin. Ngunit wala namang kasiguradohan na hindi iyon mawawala. Sa huli, ito rin ay magsasawa.

Ang naiisip ko lamang na solusyon ay ang iwasan sya ngunit paano? Nasa iisa kaming kaharian, nasa iisang palasyo, sya ang Hari at ako ang alipin. Isang hamak na alipin. Paano na lamang kapag nalaman ng mga konseho ang tungkol sa amin? Hindi man siya maparurusahan tiyak na ako ang sasalo sa lahat ng parusa.

Napapikit na lamang ako sa sobrang pagod. Pagod sa trabaho at pagod sa kasalukuyang sitwasyon ko. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa ganitong kalagayan. Bakit sa lahat ng tagasunod ako pa? Maraming tagasunod ang nangangarap na makuha ang atensyon ng Hari, bakit hindi na lamang sila ang ipalit sa posisyon ko? Bakit ako?

Gusto ko lang naman ng tahimik na pamumuhay, gusto ko lang naman makita ang aking Ina ngunit bakit pati ang ganitong problema ay pasan-pasan ko?

Nang imulat kong muli ang aking mga mata ay agad na nasalubong nito ang bilugang mata ni Shella. Isa rin syang tagapalingkod. Agad na tinahip ng kaba ang puso ko. Ramdam ko kung gaano kabigat ang mga tingin nya na animo'y may galit.

Matagal ko na rin pansin ang mga mata nyang puno ng pagbabanta. Nagtataka lamang ako kung bakit ganoon na lamang ang pagtrato niya sa akin. Isang beses ko na siyang sinubukang kausapin ngunit masamang tingin lamang ang binigay niya sa akin. Imbis na kausapin ako pabalik, lumayo ito na parang may malubha at nakakahawa akong sakit.

Simula rin noon, umiwas na din ako sa kaniya. Natatakot ako, paano kung alam na niya? O may alam na siya? Paano kung alam niya ang sekretong tinatago ko? Paano kung sabihin niya iyon, kung ipagkalat niya ang sekreto ko? Tiyak na pandidirian at kakawawain ako ng lahat na ayokong mangyari.

Maaaring ang Hari nga ang taong kasama ko sa pangyayaring iyon ngunit hindi ko naman tiyak na ipaglalaban niya ako. Paano kung ibigay niya ang lahat ng kamalian sa akin? Tiyak na paniniwalaan siya ng lahat at ako? Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin sa oras na mabunyag ang pinakatatago kong lihim.

Ang mga kaibigan ko? Mawawala rin silang lahat kapag nalaman nila ang tungkol sa tinatago ko, kapag nangyari iyon paano na ako?

Binalewala ko na lamang ang mga iniisip ko at tinapos na ang trabaho. Gamit ang laylayan ng suot kong damit, pinunas ko ang pawis ko na tumatagaktak dahil na rin sa init ng araw at sa pagod ng pagsasampay. May kalayuan ang batis sa palasyo kaya kailangan ko pang maglakad ng ilang minuto para makarating sa palasyo. Tapos na rin lang naman kami sa paglalaba at pagsasampay, hindi naman siguro bawal ang saglit na pagpapahinga sa lilim ng puno.
Masarap sa balat ang haplos ng hangin. Nakakaantok kung kaya't masarap umidlip.

KUCILFER'S ONLY CONCUBINE Where stories live. Discover now