PINUNO NG kalungkutan at paghihinagpis ang buong sambahayan ni Sania dahil sa nangyaring pagkawala ng kaniyang lolo. Kasalukuyan silang nasa Inari Temple kung saan nagtatrabaho ang kaniyang lolo. Dito hinimlay ang labi nito dahil na rin sa utos ng iba pang mga monghe na kasama ng kaniyang lolo na nagbabantay sa templo. Mananatili ito sa templo ng tatlong gabi at tatlong araw bago ito ilibing sa sagradong sementeryo na malapit sa templo. Wala siyang naiintindihan sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Walang nagsabi sa kaniya kung ano ang dahilan ng ikinamatay ng kaniyang pinakamamahal na lolo. Ang sabi ng iba ay dahil sa sakit sa puso ngunit hindi siya naniniwala. Napakalakas pa nito ng huli niya itong makita. Ikinuyom ni Sania ang kaniyang mga kamao. Bakit hindi ko man lang napansin? Kung talagang may sakit si lolo ay dapat sana ay may nakita man lang ako na mga sintomas!
“Lolo! Bakit po? Bakit niyo po ako iniwan?” may hinanakit na bulong ni Sania sa hangin habang walang pigil na tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. Kasalukuyan siyang nasa tabi ng lawa hindi kalayuan sa pangunahing templo ni Inari. Ang tanging sindi na nagbibigay liwanag sa kaniyang paligid ay ang mga poste na nakapalibot sa buong lawa at ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. Sa lahat ng bahagi ng templo ay ito ang pinakagusto niya dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Ang lawang ‘yon ay nagbibigay sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. It was the only place outside her house where she felt safe. It was her comfort zone.
Bukod do’n ay napakasariwa at lamig ng simoy ng hangin na siyang dumadampi sa kaniyang balat. Ang repleksyon ng mga bituin at ng buwan ay kitang kita sa tubig ng lawa. For a common day ay mae-enjoy pa niya ang napaka tahimik na lugar pero hindi ang araw na 'yon o ng mga susunod pang araw. Nakagat ni Sania ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman niya ang pamumuo ng kaniyang mga luha. Napalingon siya sa kaniyang likuran nang maramdaman niya ang isang palad na lumapat sa kaniyang balikat.
Isang tipid na ngiti ang isinalubong ng isang sa mga monghe ng templo kapagkuwan ay umupo sa kaniyang tabi. Hindi umimik si Sania. Ipinagpatuloy niya lang ang pagmasid sa kawalan. Wala siyang gana na makipag-usap sa kahit sinong tao. Wala siyang gana sa lahat ng bagay.
“Halos labing limang taon na rin mula ng araw na ‘yon. Tandang-tanda ko pa ang araw na una kang dinala ito ng iyong lolo,” saad ng monghe kapagkuwan ay tumingin sa kaniya. “Ang araw na muntik ka ng mamatay sa lawang ito,” dagdag nito na siyang nakapagpatigil sa kay Sania.
Kunot noong binalingan ng tingin ni Sania ang katabi. Puno ng kuryusidad ang kaniyang mga mata. “Ano pong sinasabi niyo?” aniya. Muntik na mamatay sa lawang ito? Labing -limang taon na ang nakalilipas? Ibig sabihin ay tatlong taon pa lang ako no’n pero paano? At saka bakit hindi naman ako nangangamba kapag narito ako?
Narinig niya ang munting buntong hininga ng lalaki saka iniiwas sa kaniya ang tingin nito at seryosong itinuon ang tingin sa kumikinang na lawa.
“Alam mo iha may mga puwersa sa mundo na hindi maintindihan ng mga tao. Ang tanging bagay na nakakasiguro lang tayo ay nahahati ito sa dalawang uri. Ang masama at ang mabuti. Alam mo naman siguro na ginagawa namin ang lahat upang hindi manalasa sa ibabaw ng mundo ang masasamang elemento pero nang araw na ‘yon. Maski ang lolo mo ay hindi napansin ang masamang elemento na nakapasok sa mga harang na inilagay namin sa palibot ng lugar na ito.” Mababakas ang lungkot at pagsisisi sa mga mata ng monghe samantalang hini pa rin inaalis ang tingin nito sa lawa. “Kung hindi kami nakarating agad ay baka hindi ka namin nagawang iligtas.”
“Sandali lang po! Hindi ko po makuha ang sinasabi niyo sa akin. Muntik na po akong mamatay dito sa lugar na ito? Pero imposible po ata ‘yan dahil kailan lang ng payagan ako ni lolo na bumisita rito. Isa pa ay saan niyo po ako iniligtas?” nagtatakang tanong ni Sania. Sumasakit ang kaniyang ulo dahil sa mga sinabi nito sa kaniya.
Seryosong umiling ang matandang monghe sa kaniya. “Dinala ka rito ng iyong lolo nung tatlong taong gulang ka pa lang at dito sa lugar na ito. Inatake ka ng isang uri ng masamang kitsune. Isang soro na nabuhay ng napakatagal na panahon. Isang halimaw na kumakain ng atay ng tao.”
“K-kitsune? A-atay ng tao?” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Sania ang matandang monghe. Napamaang siya nang tumango ito bilang sagot. “S-sinasabi niyo ba na muntik ng kainin ng isang halimaw ang a-atay ko?” Hindi nakagalaw si Sania sa kaniyang nalaman. Isang halimaw. Ibig sabihin ay isa sa mga kauri ng nakakatakot na halimaw na nakita ko.
“Kaya sana ay patawarin mo ang lolo mo, Sania. Ang insidenteng ‘yon din ang nagtulak sa lolo mo na paghigpitan ka. You are very important to your grandpa at importante ka rin sa templo lalo pa at ikaw ang napiling sisidlan ng beed Ang totoo ay sobra lang siyang nag-aalala lang sa 'yo lalo na ngayon na mas lalong tumitindi ang puwersa ng kasamaan," pagkukuwento ng matanda.
"Beed? Anong klaseng beed?" Nalilito na si Sania sa mga pinagsasabi nito sa kaniya. Hindi na sana niya pagtutuunan ng pansin ngunit nakuha ng sinabi nito ang kaniyang atensyon. Sisidlan. Nabanggit na rin ito sa akin ni Michael. Bakit ba nila ako tinatawag na sisidlan. Sisidlan ng ano?
"Oo, iha. Ang bead ng isang makapangyarihang tagapagbantay ng kagubatan ng sinaunang hapon. Wala pa ni isa sa amin ang nakakakita dito pero ayon sa alamat may isang masama at makapangyarihang kitsune ang aksidenteng inilipat sa isang mortal ang kaniyang bead o ang kaniyang life force. Without it that kitsune slowly weaken and when he stays in that state. The world will be at peace. That bead is inside you, ija. For some unknown reason ay nasa loob mo ang bead ng kitsune na 'yon," anito saka tumingin sa kaniya.
"As long as the bead is inside you. We are safe. He mustn't get what he wants, hija. No one should get it from you." Ngumiti sa kaniya ang monghe saka may ipinatong na isang bagay sa kaniyang kamay. “Suotin mo ang kwintas na ito bilang proteksyon mo na rin. Mag-iingat ka, ija. Ngayong wala na ang 'yong lolo mas madali ka ng magagalaw ng mga kakaibang halimaw dahil wala na ang proteksyon na ibinigay sa 'yo ng lolo mo,” dagdag nito kapagkuwan ay nagpaalam sa kaniya ang matandang monghe kapagkuwan ay iniwan siyang mag-isa.
Hindi niya alam kung papaano niya ipapasok sa kaniyang isipan ang mga nalaman. Litong lito siya at napakarami ng mga katanungan na hindi niya alam kung saan hahanapin ang sagot. Hindi niya rin alam kung binabalaan ba siya ng monghe o tinatakot.
Bumalik sa kaniya ang mga halimaw na kaniyang nakita na siyang gustong kumain sa kaniya. May gusto ang mga ito na nasa kaniyang loob.
Pinagmasdan ni Sania ang kwintas na kaniyang hawak. It was a necklace with a black lace and a weird pendant. The pendant is round just like a jolen with a branch like and white lily like flower inside. Nang akmang susuotin na niya ito ay nagitla siya nang may humawak sa kaniyang kaliwang pulsuhan.
Nang iniangat ni Sania ang kaniyang mukha upang harapin ang pumigil sa kaniya. Napasinghap siya sa gulat sa kaniyang nakita. A beautiful man with a white hair, set of yellow eyes, and a set of dog's ears.
"Don't wear it."
BINABASA MO ANG
His Mate
General Fiction"Since the beginning, I knew I wasn't sure but I felt like our fate was already decided."