"It's only a table for two. You can't!"
Pumagitna si Sydney sa usapan. She just hates Drazen so much because of his image. I can't blame her because I was also like her. Ganon pa din naman ako pero hindi ko na siya masyadong hate.
Pinapakita ko lang na hindi ako interesado sa kaniya sa pamamagitan ng pagsagot-sagot ko sa kaniya at pagtataray. Kasi hindi naman talaga ako interesado lalo na at playboy siya.
"I can ask someone to get me one chair." he thought of a solution. "Kasya naman tayo dito."
"No! Just go back to your friends!" Sydney fired back.
Drazen heaved a heavy sighed. Kinakalma ang sarili dahil sa pagtataray ng kaibigan ko. "I feel out of place there. Can't you just give me a chance to sit here?"
Tahimik ko silang tinitignan na nagbabangayan. It's so fun watching them glare at each other.
"Tama na 'yan." Kung hindi pa ako sisingit ay matatagalan na sila. "Hayaan mo na lang siya dito Syd. Aalis din 'yan."
Sydney's lips parted in great shock. Tila'y hindi makapaniwala na kinakampihan ko ang lalaki na ito. "What?! Ginayuma ka ba ng lalaking 'yan ha?!"
Tuwang-tuwa si Drazen na nagrequest ng isang upuan sa babae.
"Hindi." Umiling ako. "I know him. Hindi 'yan titigil hanggang sa makuha niya ang gusto niya. Let him be. Kakain lang 'yan dito."
"Nakakainis!" gigil na sambit ni Sydney at kumutsara sa order niya habang titig na titig kay Drazen.
Buong time namin ay nagpapalitan sila ng matatalim na titig. Sydney and I were talking normally, the same as Drazen. Nakikipag-usap ito sa akin ng normal pero kay Sydney ay may pabalagbag na tono at salita.
Nais pa ni Sydney na kumain na kami at huwag ng hintayin si Drazen pero sinaway ko siya dahil nakakawalang respeto naman 'yon. But she's Sydney for that. She acts and speaks differently.
"Thanks! We can eat now!" masayang sambit niya ng dumating na ang order nito,
"Kami lang dapat ang magkasama e! Bakit ka kasi nandito!" Sydney was murmuring again.
"Sydney..." pigil ko.
"Yeah right!" she shrugged and continued eating.
While Sydney was eating, Drazen was busy watching me through my peripheral vision. I can't even eat properly because his stares was very disturbing!
"May pupuntahan pa kayo mamaya?" Drazen broke the silence.
And as expected, Sydney answered for me. "Ano naman? Huwag mo ng balakin pang sumama dahil hindi ka welcome!"
"'Yon nga sana. Hindi ko dala 'yung sasakyan ko... e... hihintayin ko pa ang driver namin.... uh..." tumigil ito saglit. "Pwede makisabay?"
"Makisabay?! E diba may hinihintay ka?! Bobo amp!" sumbat ni Sydney.
Napasapo ako sa noo ko ng magsimula na naman sila.
"I mean, sumama muna sa inyo." he clicked his tongue.
"Hindi ka namin friends para sumama." pambabara ni Syd.
"At hindi ka ba naaawa sa akin?" he even uses his pretty eyes to me, not Sydney who was talking to him.
"Aela, huwag kang papayag sa lalaki na 'yan. He's using his charms again!" determinado akong hinawakan ni Syd at pinaharap sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Souls in November (Holiday Series #1)
RomanceHOLIDAY SERIES #1 Ashira Lavelle Cabrera was a grade 12 student, she was an achiever, a top of the honor roll yet she's a type shy person who eventually bumped on to Drazen Calle Javier, who's known to be the greatest playboy in town.