17

27.4K 669 55
                                    

"May irerequest lang sana ako sa inyo. Kung pwede, sa bahay niyo muna siya ngayon."

My mother's words quickly captured my attention. Iniwan ko kaagad sila Razen at Dion na nakahiga sa tabi ko habang nanonood sa tablet at lumapit kila Mama at magulang niya na nasa couch. Hindi pa ata ako napansin ni Razen na tumayo dahil kung oo ay sinamahan na naman ako.

"Ma, hindi na. Uuwi na lang ako sa bahay o," I paused. "O di kaya mag-aapartment na lang ako."

Nakakahiya naman kasi 'yung hinihingi ni Mama na pabor. I feel like it's too much! Tsaka kaming dalawa ni Razen nasa iisang bahay? I can't even imagine that happening!

"Ash, anak, hindi ka pa pwedeng umuwi sa atin. Naroon si Papa mo, mahirap na at baka mangyari ulit sayo ang nangyari kahapon." pagsasabi niya.

"Your mom is right, hija. You can stay at our house." Tita was liking the idea.

Tito silently nodded. "We cannot put you in danger once more, hija."

"What's happening here?" Napatalon ako ng bahagya ng maramdaman ang kamay ni Razen sa bewang ko. "What's with the meeting about?"

"Uh, hijo, pinag-uusapan lang namin 'yung dederetsuhan ni Ashira bukas." My mom opened it up again.

Seryoso lang na nakinig si Razen. Parang hinihintay na matapos si Mama na magsalita.

"All I can say is that I won't let her go back to your house for now." he said seriously.

Nanlalaki ang mata 'kong bumaling sa kaniya. "What?!"

"You heard it right." he went poker-face.

"Wala akong tutuluyan! B-but..." my eyes gleamed when I thought of an idea. "I can rent an apartment for now."

"I won't allow that idea of yours too." hindi talaga ito nagagandahan sa ideas ko!

"I agree with my son, Ash. Mas mabuti kong doon ka na lang sa bahay." saad ni Tita. "Para sa bahay, maalagaan din kita."

Napatitig ako sa kanilang lahat na naghihintay ng sagot ko. Do I really need to stay at their house? I can take care of myself naman kahit mag-isa ako.

"It's just going to be a month anak. Babalik na rin ang Papa mo sa barko matapos ang isang buwan." aniya.

One month. It's just gonna be one month. Mas mabuti naman na sigurong kila Razen ako tumira muna kaysa bumalik sa bahay at baka mapagbuhatan na ako ni Papa ng kamay. I don't want that to happen. Baka madamay na naman ang bata.

Kaya naman kinabukasan ng madischarged ako ay pinili ko ng dumeretso sa bahay nila Razen. My mom also came to help me fix my things and maybe look around the house. Masayang-masaya nga ako dahil maayos ang pakikitungo ng magulang ni Razen at ang Mama ko.

It seems as if they've known each other for a very long time already. Tita even invited my mother to dinner and had their driver drop her off at our home. Tinanong ko nga din si Mama kung kamusta na sa bahay pero hindi kailanman ito nagkwento. Sobra yata itong natakot sa nangyari na kahit ang pagbigkas kay Papa ay hindi magawa.

"Wait lang po!" I shouted.

Binilisan ko na lang pagbubutones sa pants ko dahil sa sunod-sunod na katok. Today is Sunday, and I was discharged from the hospital yesterday. Gusto nilang magsimba kami ngayon at mamasyal. That's why even though it's still early, we need to get up na, so that we can attend the mass in Paoay on time.

Malapit na lang din naman dito sa kanila ang boundary ng Ilocos Norte. Hindi ko nga alam kung bakit sila nagmamadali. Eight pa naman mag-iistart 'yung mass!

Souls in November (Holiday Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon