09

28.2K 775 197
                                    

"What were you doing? Bakit ka napaso?"

Tumikhim ako at hindi makatingin sa kaniya. Hingal na hingal itong dumating galing sa room nila para kunin ang ointment. He's kind of pissed off though with not my not so critical burn. It was just a light burn! I want to tell him that but surely he'll just look at me with dull eyes.

"It was an accident. Nilingon kita tapos nahawakan ko 'yung sa may glue." I told him.

He put a small size of ointment on his finger. "Don't do that again."

"E paano! Hindi ka naman nagpaalam! I looked back to see if you will tell me something!" pag-eexplain ko.

Natigilan ito sa pagsasara sa ointment at unti-unting nilingon ako. Inirapan ko lang ito lalo na ng kuhanin niya ang kamay kong may paso.

"I went to buy you some food." He rub the ointment on it. "I'll tell you next time then. You seem so busy earlier."

Magkasama kami palagi. 'Yan ang halos palaging senaryo ng araw-araw. Bago kami umuwi ay kumakain kami sa kung saan niya sinasabi o kung saan ko gusto. He would pay for it even when I tell him not to. Hindi ko na din talaga siyang nakikitang nambababae. May mga umaaligid nga lang sa kaniy.

All his time were focused on me. And I'm not stupid to not see what he is doing.

Ngunit gusto kong balewalain 'yon dahil natatakot ako. Natatakot ako sa maraming bagay. Ngayon lang ako natakot ng ganito. Natakot na mawala siya at natakot sa kaniya mismo. Pwede pala 'yon? 'Yung tipong ayaw mo siyang mawala pero natatakot ka sa presensya niya.

Natatakot ako sa kaniya mismo dahil sa nakapaligid na tao sa kaniya. At kahit pa sabihin niyang kinalimutan na niya ang kaniyang nakaraan hindi ko pa din mababalewala ang mga 'yon, ang mga taong nakasalamuha niya kung bakit ako natatakot sa kaniya.

It was all about his past that is making me doubt.

But just like what they said, taking a risk sometimes is not bad. Regretting is. We don't want to regret something after a moment of not doing it. Sometimes we just need to be strong for it, the before, and the outcome.

"Aela!" nakuha ng atensyon ko si Sydney na pababa na sa nay hagdanan. "Sabay na tayo!"

Naglakad na ito papunta sa akin na nasa may corridor.

"May gagawin pa kasi ako. Mauna na ka na lang." sagot ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin at humalukipkip na. "Hoy! Masabi-sabi ko nga! Mas paborito mo na ata 'yung lalaki na 'yon ah!"

"Ha?! Wala akong paborito!" I arched a brow.

"Weh? Break time na nga lang tayo nagkikita!" ngumuso ito.

Dati naman ganito na ang routine namin. Sa pag-uwi nagkakanya kanya na kami pero minsan kumakain din kami sa labas. Napapadalas lang talagang magkasama kami ni Razen kaya hindi na kami nakakalabas ni Syd.

"Sorry! Babawi ako sa'yo. We can go out during our sembreak!" masaya kong balita.

Ang kaniyang mukha ay unti-unting umamo. "Fine! Dahil kaibigan kita at hindi mo naman ako inaabandon pero," she paused. "May kahati na nga lang ako sa oras mo!"

"Sorry na. Medyo naging busy lang talaga ako sa mga tasks niya at sa tasks ko." ulit ko.

Nagulat ako ng kunin niya ang dalawang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Napaawang ang labi ko ng makita ang mukha niyang nasa malakas na awra.

"I understand!" she exclaimed. "Pero! Matatanong tanong nga lang kita Aela! Kayo na ba ng lalaking 'yon?!"

Napalunok agad ako sa tanong niya at umiwas ng tingin.

Souls in November (Holiday Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon