38

36.2K 809 69
                                    

"Mommy! Daddy! There is a tao po!"

Naitulak ko agad si Razen ng bumukas ang pintuan at tumalon pababa ng countertop. Inayos ko rin ang suot kong nalukot na kaonti dahil sa kaniya. Matalim kong tinitigan si Razen habang lumalabas ng kusina, sinesenyasan na 'wag magkakamaling magsalita ng mali sa anak namin.

Sumunod naman si Razen sa akin. May isang lalaking nasa kaedaran niya ang naghihintay sa harapan ng kaniyang lamesa. Matuwid itong naupo, hawak ang folder niya. Iniwanan ko na lang kay Razen 'yon at dumeretso na sa anak naming busy sa panonood ng TV.

"Good afternoon. Sorry to keep you waiting." rining kong bati ni Razen.

"No worries po, Mayor. I'm here to give you this papers."

Hindi ko na pa nagawang dinggin pa ang pinag-uusapan nilang dalawa dahil ang ingay ni Ashra. Kwinekwento pa sa akin kung anong mangyayaring susunod sa pinapanood niyang Raya and the Last Dragon. Kaya sa huli ay alam ko na ang mangyayari. Hindi na ako nasurprise dahil sinabi na niya sa akin ang ending!

"Mommy, welcome to Kumandra!" pagtutulad pa nito kay Raya.

Kasabay no'n ay ang pagtatalon niya sa may harapan ng TV at tinuro-turo pa ang pinakagustong karakter niya sa movie. Natatawa ko siyang pinagmasdan, ang mga iniisip ko tuloy na tungkol sa amin ni Razen ay nawala dahil sa kaingayan niya.

"Salamat po ulit, Mayor." Tumayo rin ako ng maramdaman ko ng naglalakad ang lalaki sa gilid namin. "Alis na rin po ako ma'am."

Nginitian ko ito. "Ingat po."

"Bye po!" pahabol pang sabi ni Ashra at pumunta sa kanilang dalawa ni Razen.

Gaya ng lalaki ay natawa rin kaming dalawa ni Razen dahil sa kabibohan ng anak namin. Napakafriendly nga niya, hindi gaya sa akin noon na wala akong pakialam sa mga tao.

Hinawakan naman na ni Razen ang kamay ni Ashra habang hinahatid ang lalaki sa may pintuan. She even waved her little hands a second time as the man left the room.

"Daddy, are you done working?" Tanong ni Ashra sa maliit na boses.

"Do you already want to go home?" Razen asked her back as they were walking toward me.

"Yes! It's so boring here Daddy, all I do is watch TV!" reklamo niya.

"Buti nga at nanonood ka lang." sabi ko naman.

"Mommy, it's true naman! It's boring! Daddy uwi na tayo please?" pagmamakaawa niya kay Razen.

Aba! Ayos na ayos na talaga silang dalawa ah! Natatawag na niya itong Daddy at nasasabi ang mga hinanaing niya. At 'tong si Razen naman ay walang magawa kundi gawin ang gusto ng anak!

"Alright. My job is already done here though. I just need to take care of something when we get home." nagsasalita ito habang matalim na nakatingin sa akin.

Is that for me? Parang ayaw ko ng umuwi! Akala ko ka ba ay natapos na ang usapan namin?! Shit! Kailangan ko na bang mag-ready?! Baka bubuga na naman 'yan ng apoy sa akin!

Inayos ko na ulit ang mga gamit namin ni Ashra bago binuhat ang bag. Nagtatampo na nga ako kay Ashra dahil kay Razen siya sunod ng sunod, ngayong nasa lamesa na naman si Razen ay naroon na naman ito at pinagmamasdan ang ginagawa ng Tatay niyang nag-aayos ng papaeles.

Souls in November (Holiday Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon