29

26.4K 560 193
                                    

"Chill! Gusto lang, hindi papatayin."

Leche! Isang sagad na leche! Ibinaba ko ang bag ko mula sa pagkakasabit sa balikat ko at inis na hinambalos ang bagong sasakyan niya. Makailang ulit ko 'yon ginawa habang siya ay nagpapanic na sa loob. Mabigat pa naman ang bag ko at maraming laman!

"You deserve this!" pinagpatuloy ko ang paghahambalos ng bag ko sa kaniyang sasakyan.

"Shit! A!" he hurriedly then went out of his car and held me on both hands.

Ngayong nasa malapit na siya sa akin ay mas lalo 'kong nasilayan ang pagbabago sa kaniyang mukha. Akala ko kanina ay namamalik-mata lang ako ngunit totoo nga! Nakapagupit na ito, wala na ang kaniyang mahabang buhok. Wala na din 'yung balbas niya sa mukha niya. Although, hindi ko sinasabi na gusto ko 'yung stubbles niya pero mas maganda siyang tignan na ganon.

Nawala na rin ang eyabags niya at ang pagod sa kaniyang mukha. I don't know for sure, but it seems like he just had glow up for a day. Nag beauty rest yata ito kahapon!

Sinubukan 'kong kumawala. "Bitawan mo ako!"

"Bibitawan lang kita kapag titigil ka na." sambit niya na ikinairita ko.

Wala na rin naman akong magagawa dahil hindi talaga ako makawala sa kaniyang kamay. I gave him a gloomy expression before I could bring myself back under control.

"Ano?! Pwede mo na akong bitawan!" I shouted at him.

Unti-unti naman niyang tinaggal ang kaniyang kamay sa akin. "Oo na, bibitawan ko na."

At nang mabitawan na nga niya ako ay mabilis ko itong hinampas ng malakas. Dumaing ito at hinawakan ang parte kung saan ko siya hinampas.

"Kulang pa 'yan!" sigaw ko sa kaniya at maglalakad na sana paalis ng may maalala ako. "Tsaka, teka nga pala! Bakit mo binayaran ang ang tax ng lupa namin?! Ako dapat ang magbabayad doon!"

Kita sa mukha niya ang hindi na pagkagulat sa sinabi ko. He was like, he was already expecting this stuff coming from me, and he's like, so thankful that I remember it too.

He looked at me while leaning back against his car and crossing his arms. "Pwede rin ako?"

"Anong pwede ring ikaw? Agmaoyong kansan!" galit 'kong aniya.

"I'm not crazy alright? I just wanted to pay for it." satsat pa niya.

"Oh! But I don't like you paying for it!" I said. "Babayaran ko na ngayon din sa'yo."

Naglabas na ako ng pera sa wallet ko at inabot ko na 'yon sa kaniya. Tinitigan niya lang 'yon ng ilang saglit nago kinuha. Nakahinga ako ng maluwag ng tanggapin niya 'yon ng hindi na nagsasalita. Akala ko ay magiging masaya na ako pero nawala din 'yon ng kuhanin niya ang wallet ko sa may kamay ko at mabilis na isinuksok 'yong pera sa may pitaka ko.

"Keep it. Bayaran mo na lang ako sa ibang paraan." he smirked.

Ano?! Ibang paraan? Ano na naman ba 'yon? Hindi na ako muling magpapauto sa kaniya!

"Excuse me?! Kung sana kasi hindi mo 'yon binayaran e di sana walang problema! Huwag ko na lang bayaran 'yan!" at aalis na sana ako pero hinarangan ako nito,

"Just treat me to a dinner maybe?" pagbabakasakali niya.

"Get out of the way." madiin 'kong sabi,

"Sige, huwag ng dinner." tumigil muna ito at nag-isip. "Meryenda na lang?"

"Gusto mo bang masapak?" mataray 'kong tanong. Nakakainis na talaga kasi ito ngayon!

Souls in November (Holiday Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon