C4 - It's Been A While

438 16 0
                                    

  
  
 
  
NOMER came to the office late that morning because it has been days since the thought of Daphne never let him sleep at night.

Daphne has always been in his mind since the day he saw her again. Hindi na ito nawala sa isipan niya maging ang mga alaala nila na akala niya ay nakalimutam na niya. Levi escorted him to his office while telling him his schedule for that day.

They walked passed by the employees talking at each other while working. Most of his employees were Filipinos kaya hindi siya nahihirapan na makipag-communicate sa mga ito. Even Levi is a Filipino that grew up and raised in France by her Filipino parents.

As they were passing through the employees tables, he heard one of his employees said something that caught his attention.

"Nakita mo ba ang suot niya ngayon?" tanong ng isa sa mga empleyado.

"Oo, hindi maipagkakaila na isa nga siyang fashion designer. Her fashion taste says it all," dagdag pa ng isang babaeng empleyado.

"And dear, she has a perfectly curved sexy body. Hindi na ako magtataka kung bakit kinuha siya ni Mr. Danzel na co-designer ni Mr. Nomer." komento pa ng isang bading na staff niya.

"Any man wouldn't resist that kind of figure."

Huminto siya sa paglalakad nang marinig ang mga salitang iyon kaya huminto din si Levi na kasunod lamang niya. He turned to look at the employees who were unaware of his presence.

"Any man maliban sa boss natin ang mapapatingin talaga sa kanya. Sa tingin ko si Vivien lang ang maganda sa paningin ni Mr. Nomer. You can see it in his eyes whenever he looks at Ms. Vi."

Hindi niya nagustuhan ang huling narinig at mas lalong hindi niya gusto na ang mga empleyado niya ay pinag-uusapan ang personal niyang buhay. Even the woman that will caught his attention are a matter to them.

Levi noticed his dark face. Tumikhim ito ng malakas para mapukaw ang atensyon ng mga empleyado.

"Mr. Nomer. " Kinakabahang wika ng isa sa mga empleyado. Bakas naman sa mukha ng iba ang kaba at takot.

"Kasama ba sa job description ninyo ang pag-usapan ang ibang tao?" Matatalim ang tingin na ipinukol niya sa mga ito.

"N-No, sir. Sorry po."

"Get back to work!" Angil niya sa mga ito.

Bumalik sa kani-kanilang pwesto ang mga ito at nagtrabaho.

"I don't want this to happen again," he announced before he left.

Mabilis namang sumunod sa kanya si Levi na ipinagpatuloy ang paglitanya sa kanyang mga appointment. Hindi siya mahigpit sa kanyang mga empleyado pero hindi din naman magandang tingnan na pinag-uusapan ng mga ito ang ibang mga tao.

Nang makarating sila ni Levi sa kanyang opisina at agad siyang naupo at hinarap ang mga papers na nasa kanyang mesa.

"May afternoon meeting po kayo with the investors para sa mga designs na ire-release ng MaVie this month." May inilapag si Levi sa table niya na folder. "Ms. Torres gave this to me earlier."

Kinuha niya ang folder at tiningnan ang nilalaman ng mga ito. Nagtaka siya sa mga disenyong nakita. Hindu iyon ang kanilang napag-usapang disenyo.

"I also forgot to tell you the other day that Ms. Torres was asking for a copy of your designs."

Kumunot ang noo niya ng marinig ang sinabi ni Levi.

"Why would she ask for it?"

"Noong pinatawag niyo po siya sa show room noong isang araw ay nakita niya po ang mga collections and limites edition dresses na dinisenyo ninyo. May nagustuhan siyang damit so she started asking about the DTY collection."

Her Secrets, His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon