MAGKASABAY sila ni Nomer na pumasok sa kompanya kinabukasan. Hindi na din bago kay Daphne ang mapanuring mga tingin ng mga empleyado maging ni Levi na mas lamang ang kasiyahan sa mga mata. Sanay na rin ang mga ito na magkahawak ang kamay nila ni Nomer dahil ito na mismo ang nag-anunsiyo ng kanilang relasyon.Naalala na naman niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya sa harap ng maraming media. It brought them on the spotlight but Nomer made sure na hindi siya gagambalain ng media. Kaya halos lagi silang magkasama upang maprotektahan siya nito just in case na ma-corner siya ng mga reporters na gustong-gusto makapanayam sila tungkol sa kanilang relasyon.
Nginitiannniya si Levi na nagmamadaling lumaliy kay Nomer dala ang iPad nito at notebook.
Malaki ang pinagbago ni Levi simula nang gawin niya itong model sa auction. Natuto na itong mag-ayos at manamit ng mas bagay sa katawan nito. Hindi na siya magtataka kung dumami ang mga manliligaw nito dahil sa angkin nitong kagandahan.
"Sir Nomer, nasa opisina niyo na po si Ms. Vivien katulad po ng ibinilin ninyo kahapon," salubong ni Levi kay Nomer.
"Thank you, Levi," tanging tugon ni Nomer saka siya binalingan.
Si Levi naman ay bumalik sa mesa nito dahil tumunog ang telepono na naroon.
"I'll see you later then." Bahagya niyang niyakap ang braso nito. "Today will be a busy day for us."
May upcoming fashion show na naman kasi sila para sa spring collection at may mga event din sila na kailangang puntahan para mas makilala ang MaVie sa fashion industry.
"Parang mas gusto ko na lang mag-stay sa condo mo." Hinapit siya nito sa bewang para magkalapit ang mga katawan nila.
Pinanliitan niya ito ng mata dahil alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Napakahilig talaga.
"Napakahilig mo talaga," saway niya rito nang marahan nitong pisilin ang bewang niya.
Nakiliti siya sa ginawa nito kaya hindi niya napigilan na mapahagikhik. Tiningnan sila ni Levi pero ngumiti lang ito at muling ibinalik ang pansin sa kausap sa telepono.
"Sa iyo lang naman ako nahihilig," bulong ni Nomer na mas idinikit pa sa tenga niya ang labi nito.
Jusko! Ano ba itong ginagawa sa kanya ni Nomer. Agang-aga ay nag-iinit kaagad siya hindi pa man sumasapit ang tanghali at hindi pa rin tumitingkad ang araw sa labas. Idagdag pa na malakas ang aircon sa opisina pero nag-iinit kaagad siya sa haplos at bulong lang nito.
"That's good to hear, Mr. Yilmaz, but..." Marahan niya itong itinulak palayo na kinakunot ng noo nito. She eyed the people around them. "We are in your company and there are people around us. They staring at us."
Tumingin ito sa paligid ngunit dahil ito ang boss ay kanya-kanyang nag-iwas ng tingin ang mga kanina lang ay nakamasid sa kanilang mga empleyado.
"There's no one looking at us, my love." Malambing nitong wika at muli siyang hinapit. Para namang hindi niya alam na takot rito ang mga empleyado kaya nag-iwas kaagad ng tingin ang mga ito.
He kissed her head possessively as if someone might took her away. With his gesture, she can feel his bulge poking her abdomen. This is punishment.
She rolled her eyes at him. "Walang nakatingin dahil alam nilang magagalit ka. You're such a grumpy boss according to them."
Iyon ang una niyang narinig mula sa ibang empleyado although mabait naman daw ito in terms of workloads, may mga pagkakataon lang daw talaga noon na madalas mainit ang ulo nito. But they notice that since last month when she came to MaVie, mas naging kalmado si Nomer. Bihira na daw uminit ang ulo nito at mas madalas na itong nasa opisina kaysa sa villa nito.
BINABASA MO ANG
Her Secrets, His Love
RomanceNomer despised the woman he truly and only loved. That woman only wants him because of his money and he hates the fact that she didn't tell him the truth. After a year, their paths crossed again but this time his anger was already gone and he still...