C10 - Confirmation

399 16 0
                                    


  
 

UMINAT ng kanyang katawan si Daphne para mabawasan ang nararamdamang pagod sa katawan dahil sa ginawa nila ni Nomer sa nagdaan na gabi. Napangiti siya kahit nakapikit pa habang inaalala ang pagniniig nila. He took her more than once and she loved it. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang pagod ng kanyang katawan.

Kinapa niya sa kanyang tabi si Nomer ngunit walang nahantungan ang kanyang kamay. Napamulat siya nang mapagtanto na mag-isa na lamang siya sa silid.

Agad na nagsalubong ang kilay niya nang makita ang kabuuan ng silid na kinaroroonan. Hindi iyon ang silid na nakatulugan niya kagabi. Nagtataka siyang bumangon, balot sa katawan ang kumot at nagtungo sa banyo para i-check kung naroon si Nomer. Ngunit wala siyang nakita roon maliban sa mga gamit nito sa paliligo.

Naroon na rin naman siya, she decided to take a shower before she go out of the room. Kumuha na lamang siya ng shirt at boxer shorts sa closet nito para isuot dahil hindi niya makita sa silid ang damit na hinubad kagabi.

Paglabas niya ng silid ay bumungad sa kanya si Geenie na may dalang tray ng pagkain. Hawak nito ang tray sa isang kamay habang ang isa ay nakakuyom sa ere na animo ay nasa anyo ng pagkatok.

"Good morning po, Ms. Daphne," bati nito sa kanya.

Nahiya siya dahil sa kanyang hitsura na suot ang damit ni Nomer.

"Good morning, Geenie." She tuck her hair behind her ears. "Daphne na lang itawag mo sa akin. Nomer told me that you are his friend."

Ngumiti ito sa kanya saka pumasok sa silid nang lawakan niya ng bukas ang pinto. Dinala nito sa veranda ang tray ng pagkain at nilapag sa bilog na mesa na naroon.

"Binilin ni Nomer na ipaghanda kita ng breakfast. Pasensiya na kung medyo na-late." Inayos nito sa mesa ang mga pagkain at ipinaghain na rin siya.

Siya ang nahihiya sa ginagawa nito dahil maliban sa kaibigan ito ni Nomer ay kakakilala lamang niya rito pero nakita na siya nito na suot ang damit ng kaibigan nito. She's worried on what she was thinking about her.

"Okay lang 'yon. Nag-almusal ka na ba?" Umupo siya sa silya at kumuha ng tasa para sa kape.

"Mamaya pa ako kakain. May gagawin pa din kasi ako." Ipinagsalin siya nito ng kape mula sa maliit na takuri.

"Sabayan mo na ako. Ayoko kumain na walang kasabay lalo na at nasa ibang bahay ako." Inabot niya rito ang kutsara at tinuro rito ang bakanteng silya.

"Nakakahiya naman po. Baka hindi na ako swelduhan ni Nomer niyan."

"I insist. Sit down, Geenie and have breakfast with me."

Napapailing na lang itong umupo dahil sa kakulitan niya. Pinagsaluhan nila ang dala nitong almusal na bacon, egg, white bread, fruits at coffee.

"Where's Nomer by the way?" tanong niya kay Geenie habang kumakain.

"Pumunta sandali sa conference house. May kukunin lang daw siya at babalik din daw." Nagtataka siyang tiningnan ni Geenie. " Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?"

She shook her head. "I was still asleep when he left."

Tipid siyang ngumiti nang mapadako ang tingin ni Geenie sa kama na parang dinaanan ng bagyo ang hitsura.

"I am happy for the both of you," wika nito nang bumaling ang tingin sa kanya.

"Thank you." Humigop siya ng kape upang iwasan ang mga tingin nito na hindi niya maunawaan ang nais iparating. "Gaano na kayo katagal na magkaibigan ni Nomer? Hindi kasi kita na-meet noong nasa Pilipinas pa si Nomer."

Her Secrets, His LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon