BITBIT ang isang backpack na naglalaman ng kanyang mga personal na gamit at isang maleta na naglalaman naman ng kanyang mga gamit sa pagdidisenyo, tinahak ni Daphne ang daan patungo sa villa ni Nomer.Kasama niya ang buong team kaya hindi siya masyadong nababahala na magkausap sila ni Nomer. Tiyak kasi niyang magtatanong ito ng tungkol sa nangyari sa nakalipas na isang taon.
Kung bakit ba naman kasi umalis pa ito noon, hindi sana ito tanong nang tanong ngayon. Noon pa sana nila na-solusyunan ang gusot sa pagitan nila na bunga lamang ng isang kasinungalingan.
Ang ama nito ang dapat umayos ng gusot ngunit mas pinili ng ama ni Nomer na ilihim ang lahat rito. Hindi na niya siguro kasalanan iyon pero kung sana nagkaroon siya ng lakas ng loob para sabihin rito ang lahat noon pa baka wala siguro sila sa ganitong sitwasyon ngayon.
Everything happens for a reason, Daphne thought. Hindi mangyayari ang isang bagay nang walang rason. Kung ang nararanasan nila ngayon ang magpapatibay sa kanilang tunay na nararamdaman, marahil ito ang rason kung bakit nangyari ang mga nangyari sa nakaraan.
"Wow, ang ganda naman dito." Puno ng paghanga na wika ng isa sa kanilang team.
"Oo nga." Sang-ayon naman ng isa pa.
"Look at these obviously expensive and luxurious tables and chairs," wika pa ng isa na ang tinutukoy ay ang mga mesa at silya na nasa conference room.
"Hindi maitatanggi na isang Nomer Yilmaz ang nakatira dito base sa mga kagamitan na nandito," dagdag pa ni Levi.
Hindi niya masisisi ang mga kasama sa nararamdaman ng mga itong paghanga sa villa ni Nomer dahil iyon din ang naramdaman niya nang makarating siya rito. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi sila sa mismong villa naroon. Nasa bungalow house sila kung saan ini-entertain ni Nomer ang kanyang mga bisita.
Inilapag niya ang backpack sa mesa saka sinimulang bigyan ng instructions ang mga kasama sa gagawin nila.
Abala ang lahat sa pag-aayos ng kanilang mga gagamitin nang mapansin niya na hindi pa niya nasisilayan ang presensiya ni Nomer.
This is his place but he is nowhere to be found, Daphne thought to herself. She fished out for her phone from her bag when she noticed something beneath her things inside her bag.
It was the key card to Nomer's villa. Bakit nasa kanya pa rin ang key card na iyon? Hindi ba niya iyon naibalik noong huli siyang nagpunta roon?
Napaisip siya sandali at inalala ang araw na nagtungo siya sa villa ni Nomer. Gabing-gabi na siya nakauwi noon mula sa villa at hindi na din nag-abala ang security guard na kunin sa kanya ang key card. Kaya pala nasa kanya pa rin ito hanggang nagyon. Ibabalik na lamang niya ito mamaya kapag nagpakita na sa kanya si Nomer.
Pero bakit wala pa rin kaya ito sa conference house nito?
Tinanaw niya ang villa sa di kalayuan.
"That's Nomer's villa, right?"
Napatingin siya kay Danzel na nasa tabi na pala niya at nakikitanaw din sa villa.
"I believe so." Kinunutan niya ito ng noo. "Hindi ka pa din ba nakakapasok sa villa niya?"
Danzel smirked at her. "I already did but Nomer doesn't want people to roam around his house. Ewan ko ba sa kaibigan ko na 'yon, dati naman ay napaka-open n'on sa lahat."
"Hindi na ba s'ya ganoon ngayon?"
Namulsa si Danzel at humarap sa kanya. "Malaki ang pinagbago ni Nomer simula nang ipasara ng Dad niya ang MaVie sa Turkey. Having his own company is Nomer's desire. Kaya nang maitayo niya ang MaVie, walang kasing saya si Nomer. Pero dahil mas mahalaga kay Nomer ang kanyang ama na naging kasama niya habang lumalaki siya, he gave up MaVie."

BINABASA MO ANG
Her Secrets, His Love
RomansNomer despised the woman he truly and only loved. That woman only wants him because of his money and he hates the fact that she didn't tell him the truth. After a year, their paths crossed again but this time his anger was already gone and he still...