MALALIM na ang gabi ngunit hindi dalawin ng antok si Nomer. Sa tabi niya ay mahimbing na natutulog si Daphne na bakas sa mukha ang pagod dahil sa ilang beses nilang pagniniig. Hindi na nila nagawang magluto ng kanilang hapunan kaya nagpa-deliver na lang sila ng pagkain mula sa kilalang restaurant malapit sa condo nito.Kanina lang ay kausap niya sa cellphone si Levi at ibinalita nito na nakabalik na si Vivien mula sa out of town fashion show nito sa Versailles. Hindi niya pa ito nakakausap tungkol sa nangyari sa auction at sa ginawa nito kay Daphne dahil after ng event ay umalis ito agad patungo sa Versailles. It was an urgent appointment and the management requested Vivien. He can't say no to that since Vivien doesn't have a contract in his company.
He'll be dealing with her tomorrow but right now his mind is too occupied. Maraming tumatakbo sa isip niya lalong - lalo na tungkol sa kanila ni Daphne.
Bumalik na naman sa alaala niya ang taong iyon. That Craig Serreno. Nabubuhay ang galit niya sa tuwing naiisip ang taong iyon.
Isa-isa niyang inilalagay sa maleta ang mga damit upang bumalik sa Pilipinas. It's been two months since he left Daphne and in that months he figured out that he can't live without her.
So, now he will come back to fix everything between them. He doesn't care about the money, all he wanted is to be with her blue.
"Are you out of your mind, Nomer?" It was his father.
Pumunta pa ito ng Paris mula Turkey para lamang pigilan siyang bumalik sa Pilipinas. He doesn't get it why his father doesn't want him to go back to the Philippines.
"Maybe, I am, Baba." He zipped his luggage and turned to face his angry father. "I am crazy in love with Daphne that I don't even give a damn about that 20 million money she accepted from you."
Minasahe ng ama ang sentido na tila nauubusan na ng pasensiya sa kanya. Ito lang naman kasi ang nagpapahirap sa sarili nito. Kung pinapabayaan na siya nito, wala na itong sakit sa ulo. He is not a 7 year old kid that needs his father's guidance.
"You're just being too emotional, son. She is not the woman for you. There are lots of women swooning over you in Turkey. Don't be blinded by that love."
Marahas siyang umiling sa ama senyales ng hindi niya pagsang-ayon sa sinabi.
"They are not Daphne, Baba," pinal niyang saad saka ibinaba ang maleta sa carpeted floor ng kanyang silid. "I will go back to the Philippines and you can't stop me."
Tinalikuran at iniwan niya ang ama sa silid. Dumiretso siya sa opisina para magbigay ng ilang instructions sa kanyang mga empleyado lalo na sa kaibigang si Danzel na siyang magiging in-charge sa kompanya habang wala siya.
"Are you sure about your decision in going back to the Philippines? Kaya mo na ba talaga siyang harapin ulit?"
Nasa rooftop sila ng building ng kompanyang itinayo niya sa Paris, ang MaVie. It was originally his company in Turkey but due to some circumstances, he was forced to closed the company. Now that he had the chance to put it up again, he made sure that MaVie will last this time.
"Yes," tipid niyang sagot sa kaibigan na naging saksi sa kanyang pangungulila kay Daphne.
"Does your woman know that you're coming back?"
Umangat ang sulok ng labi niya dahil balak niyang sorpresahin ang dating kasintahan. Nakibalita siya kay Zehra noong nakaraang buwan tungkol kay Daphne. Madalang daw nitong makita ang dating kasintahan dahil hindi halos ito lumalabas ng bahay.
He can imagine now Daphne's surprised face when she sees him. Oh, her lovely face makes him smile for no reason.
Kumusta na kaya ito sa dalawang buwan na pagkakalayo nila? Galit kaya ito sa kanya? He can't blame her if she's mad at him. He left her without even hearing her explanation.
BINABASA MO ANG
Her Secrets, His Love
RomanceNomer despised the woman he truly and only loved. That woman only wants him because of his money and he hates the fact that she didn't tell him the truth. After a year, their paths crossed again but this time his anger was already gone and he still...