A/N: Hi guys! Grabe hindi ko maexplain yung nafefeel ko dahil tapos na yung first story ko at dahil nandyan kayo kaya matatapos na rin ito pero siyempre may Book 2 pa ito kaya sana po mahintay niyo po ito and here's the next chapter.
LUCKY'S POV
"Sa palagay ko ready na lahat." Nandito ako ngayon sa isang hotel at ditto na rin ako nagpalipas ng dalawang araw. Matapos kasi nung pumunta ako kina Jenny at Troy ay nagbasta ako sa bahay nina Mama at Papa eh since sabi nila ay doon na kami magsesettle down sa New York eh pinaghandaan ko na yung mga gamit ko sa bahay kasi for sure pupuntahan ako ni Stephen doon.
Sana nagawa ng maayos nina Jenny at Troy yung annulment namin ni Stephen. Naisip ko na tama naman yung naging desisiyon ko. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng pilit dahil sa mga mapapait na alaala na sinama namin ni Stephen. May mga naging masaya pero nangingibabaw pa rin yung masasakit na pangyayari.
Feel ko talaga naging tanga ako sa pag-ibig at naging malas na rin at the same time. Sa palagay ko hindi talaga kami ni Stephen para sa isa't isa na baka may karapat dapat talaga sa amin pero hindi lang namin nahanap. Pero sa palagay ko yung kay Stephen nahanap na niya at si Vivienne iyon. Tingnan mo nga may anak sila at sa palagay ko sa ginawa kong desisiyon na ito ay maging masaya pa sila.
Hindi ko na namalayan na tumulo na pala yung luha ko sa pisngi ko, agad ko naman na pinahid ito at tumayo na ako sa kama.
"Wooh! Lucky start to move on." Sabi ko sa sarili ko at hinatak ko na yung mga maleta ko palabas sa kwartong ito. Nagpatulong ako sa bellboy para maibaba yung mga maleta ko at pagkatapos ay hinintay ko yung taxi na tinawagan ko kanina. Nang nakarating na yung taxi ay yung bellboy at yung taxi driver ay pinasok na yung mga bagahe ko.
Pagkasakay ko ay alam na ni kuya taxi driver kung saan ako ibaba. Habang tinatahak namin yung kalsada ay hindi ko mapigilan na pakinggan yung tinutugotg sa radio ni kuya taxi driver.
Hayan nanaman
Di ka ba
Nagsasawang
Paiyakin ang damdamin ko
Hindi ko na naman mapigilan na bumalik na naman yung mga alaala na naman noon. Parang akong ganiyan noon nung nagkasama kami ni Stephen at nangbabae siya noon na nag-uuwi pa siya ng mga babae sa bahay at sinasaktan niya ako mapaphysical at mapaemotional.
Nagtatampo na tuloy ako sa iyo
Alam mo naman
Na kahit na
Ilang beses mo na akong nasasaktan
Di ko maisip na ika'y iwanan
Yung mga katagang iyan na iniisip ko noon na kahit saktan niya ako ay hindi ko pa rin siya iiwanan. Sa palagay ko nga naging tanga ako noon at dahil mahal ko siya ay hindi ko siya maiwanan.
May itatanong ako
Sabihin ng totoo
Mahal mo ba talaga ako
Ngayon ba mahal niya ba talaga ako kahit noon rin ba nung pinapakita ba niya sa akin non na kasweetan taos puso ba niya ginagawa sa akin iyon para ipakita niya sa akin na minahal mahal niya talaga ako.
Hay nako
Pag-ibig nga naman minsa'y talagang
Napakagulo

BINABASA MO ANG
A Wife's Suffer
RomanceIsang babae hindi sinasadyang gawin ang kanyang kasalanan sa lalaking mapagmahal at mapag-aruga noon. Makakaya kaya niyang makuha puso ulit nito kung kailan bulag na ito sa pag-ibig ng iba?