Chapter 28: The Special Dinner

96.5K 1.3K 213
                                    

A/N: Hello guys! Happy New Year! My gosh! Kamusta na ang inyong New Year's Eve? Sana naman naging masaya at hinay hinay lang sa pagkain at paputok ah! Beware sa mga paputok Guys! So here's the next chapter! ;)

LUCKY'S POV

"Bat ngayon ka lang umuwi Lucky? Saan ka galing?" malamig na pagsulubong niya sa akin nang tumapak ako dito sa bahay namin.

"A-a-ah...Diba Stephen dinala mo ako sa ospital edi galing lang ako sa ospital." sagot ko sa kaniya. Bakit di ba niya naalala na dinala niya ako sa ospital? Ah baka naman dahil sa busy sa kompaniya niya eh nakalimutan na niya.

"Oo. Alam ko Lucky na galing ka sa ospital dahil ako nagdala sa iyo doon. Ang tinatanong ko ay kung bakit ngayon ka lang umuwi eh dapat kaninang umaga ka pa umuwi diba?" madiin na tanong sa akin ni Stephen. Huh? Eh sabi naman nung doktor kinabukasan ako pwede na ako umalis sa ospital pero wala naman sinabi si Tito kung anong oras ako lalabas. Tsaka paano niya nalaman na ngayon ang labas ko sa hospital eh hindi man lang niya ako binibisita.

"St-stephen paano mo nalaman na ngayon ang labas ko sa ospital?" mahinahong kong tanong ko sa kaniya.

"Eh bakit mo pa gusto malaman kung paano ko nalaman na ngayon yung labas mo sa ospital eh malamang dapat inaalam ko kung kailan labas mo kasi wala dito yung katulong ko sa bahay at IKAW iyon Lucky." sabi niya sa akin. Napayuko naman ako sa sinabi niya. Ang sakit malaman na umaasa ako na baka may kaunting pag-aalala sa akin si Stephen pero wala naman akong nakita sa kaniya.

"Oh anong tinatayo mo dyan?! Ang tanong ko Lucky hindi mo pa rin sinasagot!" pasigaw na sabi sa akin. Ako naman ay nangangatog na sa pwesto ko kasi kapag nalaman niya nagstay pa ako ng matagal dahil sa Lola ni Andrei ay sigurado akong magagalit na naman siya.

"A-a-a-ah.....ano......ano." pahina ng pahina na yung boses ko.

"Ah ayaw mo talaga ayusin yung pananalita mo ah Lucky." bigla akong kinabahan ng naramdaman kong tumayo siya at nilapitan niya ako. Nung lumapit na siya sa akin ay bigla na naman niya hinablot yung buhok ko para makita ko yung mukha niya na ngayon ay pulang pula.

"Alam mo Lucky, ayaw ko sa lahat ay hindi ako tinitingnan ng diretso kapag tinatanong ko yung tao at kapag hindi siya sumasagot sa mga tanong ko!" sigaw niya sa mukha ko. Ako naman ay napapikit dahil sa lakas ng boses niya at dahil na rin sa paghatak ng buhok niya sa akin.

"Ang tanong ko ulit Lucky, bakit ngayon ka lang umuwi eh kung pwede naman kanina pang umaga ka na umuwi." sabi niya sa akin. Dahil na rin gusto niya talaga malaman at ayaw ko na madagdagan yung mga kasinungalingan ay dumilat ako at tiningnan ko siya ng diretso. Di ko sure kung nakita ko sa mga mata niya ay gulat pero wala na ako pakielam.

"Nagstay ako sa ospital hanggang gabi kasi nandoon yung Lola ni Andrei at nakaconfine rin doon. Gusto ako makita ng Lola ni Andrei at kahit ako rin naman ay gusto ko rin makilala siya. So, yun bumisita muna ako sa Lola niya at di ko na rin namalayan na ganun na pala yung oras. Oh tapos na ako." sabi ko sa kaniya pero kahit ganun ay nanginginig pa rin yung buong kong katawan dahil yung mga titig niya sa akin.

"Ah ganun Lucky. Pinasok mo naman sa kwento yung Lola ni Andrei para maka-excuse ka lang na gabi ka lang umuwi. Ang lame talaga ng excuse mo rin noh Lucky. Ba't ayaw mo sabihin na may ginawa kayo ni Andrei nung nasa ospital kay-" Bigla ko na lang siya sinampal ng malakas. Wala siyang karapatan na bastusin niya ako o pagsalitaan niya ako na hindi naman totoo. Biglang tumaas yung dugo ko sa ulo at hindi ko na rin naisip na takot ako kay Stephen kanina.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon