Chapter 34: The Day of their Encounter

137K 1.6K 55
                                    

A/N: Hi guys! Sorry pu kung hindi po ako nakapag update nung last week po kasi po bigla po akong nagkalagnat that day kaya kahit gusto ko po mag update ay hindi ko po magawa kasi po mabigat po yung pakiramdam ko at the same masakit rin po yung ulo ko. Kaya sorry po kung madami po nadismaya kasi po hindi ako sumunod sa sinasabi ko sa inyo o let me say tumutupad sa usapan. Hay... So here's the next chapter guys :)

LUCKY'S POV 

Paggisng ko ay nakita ko ang cellphone ko sa aking kamay at hawak ko pa rin pala ito, nang maalala ko na katext ko nga pala si Gaille ay bigla kong tiningnan kung nasend ko pero napabuga ako ng hangin na hindi ko pa nasesend yung text ko sana kay Gaille. Ano ba? Ah!

To: Gaille

Gaille sorry kung late reply na ako. Uhm....Oo. Excited na ako sa day sa binyag ng baby girl ni Jenny. :)

Pinindot ko na yung send button at nasend na nga. Hay...Anong oras na ba? Ilang oras na ba ako natutulog? Tiningnan ko at 1 na pala na hapon kaya dali-dali ako bumangon at hinanda ang sarili ko. Limang minuto pa ang pag-aayos ko sa sarili ay lumabas na ako sa kwarto at bumaba na.

Pagkababa ko ay nakita ko si Tita Raquel na nanunuod ng TV. Nang napansin niya ako ay tumayo siya at lumapit sa akin.

"Nakaalis na yung mag-ama. Nung una nga gusto ni Carla na gisingin ka kaso sabi ng Papa niya wag ka na daw gisingin kasi galing mo pa lang daw sa jetlag." ngumiti na lang ako sa sinabi ni Tita Raquel.

"Ah oo nga pala, halika kumain na tayo. Hindi pa kasi ako kumakain ng lunch kasi hinihintay kita." hinahatak na ako ni Tita Raquel sa dining room nila. Kahit sa loob ng bahay nila ay maganda at simple lang. Wala masyadong mamahalin na gamit basta simple at malinis lang yung mga gamit nila dito tsaka yung mga furniture nila ay parang handmade talaga.

"Po?" nagulat naman ako kasi hindi pa pala kumakain si Tita Raquel.

"Ano ka ba, okay lang sa akin kasi ayoko naman na wala akong kasabay kumain ng lunch tsaka nakakalungkot kaya kumain ng mag-isa." sabi niya sa akin. Nang nasa dining room na kami ay pinaupo na muna niya ako at kukunin lang daw yung kakainin namin. Bigla akong napangiti ng mapait kasi totoo naman yung sinabi ni Tita Raquel na malungkot kapag ikaw lang mag-isa kumakain. Walang kakwentuhan na nagaganap sa kainan o tawanan kasi wala yung asawa mo kapag hapon at gabi tapos kapag umaga naman siya pa yung una na aasikasuhin mo tapos di ka pwede na sumabay sa kaniya na kumain.

Bigla bumalik si Tita Raquel na may ulam at kanin. Nang tiningnan ko ang ulam ay hindi ko mapigilan na maglaway dahil asado lang naman yung ulam namin. Pagkatapos niya iyon ay inilabas ay kukuha lang daw siya ng pinggan at kubyertos namin. Ako naman ay tumayo at sumunod na rin kay Tita Raquel. Nung una pinapapabalik ako pero sabi ko naman na kukuha lang ako ng dalawang baso at pitsel ng tubig para sa amin. 

Nang nakabalik na kami sa dining room ay umupo na kami at bago pa kami kumain ay nagdasal muna kami para na rin sa pasasalamat sa pagkain. Pagkatapos namin magdasal ay kumuha na kami ng portion na kakainin namin at nagsimula na rin kami kumain.

Habang kumakain kami ay nagtanong sa akin si Tita Raquel. "Uhm....Lucky kung hindi mo naman masasamain pero bakit ka nagbakasyon dito sa Albay tapos hindi mo pa kasama yung asawa mo." alam nila na may asawa ako pero hindi sila nakapunta sa kasal namin ni Stephen dahil nga civil lang.

"Uhm...sa totoo po Tita ayoko po sabihin yung rason kung bakit ako nagbakasyon tapos hindi ko pa kasama yung asawa ko pero ito lang masisigurado ko na gusto ko lang po mag-isip isip muna." sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na tumango na lang si Tita Raquel. 

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon