Chapter 32: The Phrase "Space and Time"

139K 1.6K 89
                                        

 A/N: So, as I promised mag-uupdate po ako ngayong araw na 2 so 1 down at ngayon ay mag-uupdate na rin. Here's the next chapter guys! ;) Sorry kung minsan hindi nasusunod yung pangako ko po sa inyo. :(

STEPHEN'S POV 

Ngayon nandito ako sa kama at nakahiga pa rin at iniisip ko pa rin yung mga sinabi sa akin ni Nathan kahapon. Una sa lahat Stephen, paggising mo pa lang sa umaga siya na agad yung nasa isipan mo at parang hinahanap mo siya.  Yun yung sabi niya sa akin unang una. Hindi ko alam pero tama siya paggising ko ay si Lucky na agad yung naiisip ko at nung hahanapin ko na sana sya ay biglang ako bumalik sa kama kasi nga naman naalala ko na umalis na siya dito sa bahay ko. Pagod na nga siya diba Stephen? Bgla kong naalala yung sinabi niya sa akin na pagod na daw siya. Mahirap na daw akong mahalin. Aish! Bigla tuloy nanikip yung puso ko nung naalala ko pa yung sinabi niya.

Umiling na lang ako. Tiningnan ko yung buong kwarto ko. Puro pictures, stufftoy, at anu ano pang gamit na nagpapaalala sa akin ni Vivienne. Tiningnan ko ito kung may epekto pa rin siya sa akin. Kinuha ko yung solo picture niya sa side table at nilagay ko yung right hand ko sa puso ko pinaramdam ko kung tumitibok pa ito kaso wala na. Pangalawa, hindi mo na masyado naalala yung ex mo. Parang hindi na tumitibok yung puso mo kapag nakikita mo pa rin siya pero pagdating doon sa mahal mo ay hindi mo alam kung mananalo ka sa isang race kasi kung tumibok ay sobrang bilis. Yun ulit yung sabi niya. Nang nakita ko yung picture ni Vivienne ay hindi ko na maramdaman yung bilis ng tibok ko parang normal beat lang. Tumayo na ako at nilapag ko na yung picture sa side table ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto niya, naghahanap ako ng picture niya. Sorry kung ganito pero kailangan ko lang talaga. Masuwerte ako dahil nakahanap ako ng picture niya. Nung papalapit na ako doon sa picture ay hindi mapigilan ng puso ko na tumibok ng mabilis.

Ito na ba? Ito ba yung sinasabi ni Nathan? Tsk! Ano ba naman iyan para na akong bading dito pero hindi ko mapigilan na tingnan yung solo picture ni Lucky. Nakangiti siya dito at sobrang ganda yung mukha niya. Hindi ko mapigilan na ngumiti at hawakan yung mukha niya. Alam ko na sobrang creepy ko na ngayon pero ano magagawa niyo eh sobrang miss ko na agad si Lucky. Miss? Shocks! Dahil sa hindi ko mapigilan ay kinuha ko ang picture niya at dinala ko sa kwarto. Pagdating ko ay tinanggal ko na yung solo picture doon ni Vivienne at pinalitan ko ito. Ngayon ay nasa side table ko na yung picture ni Lucky. Nung tiningnan ko ulit yung kay Vivienne ay wala na talaga. Nakamove on na kaya ako kay Vivienne? Tumingin ulit ako sa picture ni Lucky at hindi ko na naman mapigilan na ngumiti. Baka nga oo, nakamove on na nga ako kay Vivienne. Kaya ang ginawa ko ay itinapon ko na yung picture ni Vivienne sa basurahan.

Kailangan ko na ata itapon itong mga pictures namin at anung ano pang bagay na nagpapaala sa akin ni Vivienne cause I know that Vivienne is my past and Lucky is my present and will be my future. Ganito na ba kacorny kapag inlove yung mga lalaki pero okay na rin atleast mahal mo yung tao. Ginawa ko na yung morning routine ko at pagkatapos ay bumaba na ako. Pagkadating ko sa dining room ay hindi ko mapigilan na maging malungkot kasi wala na si Lucky. Hindi ko na matitikman yung mga luto niya. Kung hindi lang ako naging duwag o kaya kung narealize ko lang yung sarili ko na mahal ko na siya ay hindi mangyayari itong bagay na ito. Nagtimpla na lang ako ng kape at umupo ulit. Pangatlo, hindi mo mapigilan na maging malungkot at hindi mo rin mapigilan na magsisi ka sa ginawa mo sa kaniya. Talagang tumatama yung mga sinasabi sa akin ni Nathan ah.

Pagkatapos kong ubusin yung kape ko ay tiningnan ko ang orasan at 8 na pala. Kailangan ko na magbihis. Pang-apat ay hindi mo mapigilan na maalala yung mga moments kung kailan arugang aruga siya sa iyo. At tama na naman siya kasi naalala ko na naman yung mga moments na kahit sinasaktan ko siya kinabukasan ay nakangiti pa rin siya kahit masakit na yung buong katawan niya dahil sa akin. Haish! Stephen ang manhid mo kasi. Hindi ko tuloy mapigilan na magsisi at isipin na okay lang kung siya naman yung manakit sa akin o pahirapin niya ako kasi gusto ko maranasan yung mga pasakit na ginawa ko sa kaniya.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon