A/N: HAPPY 1,037 reads na tayo Guys! Sobrang happy ako Guys! Kung hindi niyo lang alam. So idededicate ko po itong story na ito sa inyo Guys! Kasi sobrang happy ko po na nakaabot na ng 1,000 reads itong story. Oo mababaw lang ang kaligayahan ni ms. Author. Pabayaan niyo na lang. So here's the new chapter.
STEPHEN'S POV
"Wag kang lumapit sa akin, kaya ko naman eh. Tsaka mahahawa ka sa a-------kin" pagkasabi niya iyon sa akin ay bigla siyang nahimatay buti na lang ay nahuli ko siya sa braso ko. Hay. Sinasabi ko na nga ba eh. Tiningnan ko yung temperatura niya sa noo at grabe ang init niya. Binuhat ko na siya at inihiga ko na siya sa kwarto niya.
Pagkahiga ko sa kanya sa kama niya ay inikot ng aking mga mata yung buong kwarto niya. Namangha ako kasi kahit babae siya may pagka organisado at parang ang sarap matulog dito kasi maganda yung napili niyang color ng wall. Puti. Peaceful. Yung mga gamit niya dito sa kwarto ay puro sky blue at white. Sana nag interior designer na lang siya.
Binalik ko na naman yung tingin ko sa asawa ko. Mahimbing siyang natutulog. Kinuha ko yung thermometer at nilgay ko sa bibig niya. Naghintay ako hanggang tumunog yung thermometer. Pagkatingin ko 38.9 degrees celcius lang naman yung lagnat niya. 38.9? 38.9 degrees celcius?! Ba't ang taas ng lagnat niya? Eh hindi naman umulan kagabi ah.
May biglang tumawag sa cellphone ko. Gumalaw ng konti si Lucky. Hala! Kailangan ko muna lumabas. Lumabas ako sa kwarto ni Lucky at sinagot ko.
"Sir, nasaan na po kayo? Nandito na po yung mga Board of Directors."
Ay SHIT! Ba't ngayon ko lang naalala. Tiningnan ko yung relo ko. Late na ako. Bwiset! Kasalanan itong babae na iyon eh. Hindi ko naman siyang pwedeng iwanan na ganun lang. May malasakit rin naman ako kahit papaano kapag may sakit lang yung tao. Kapay may SAKIT lang yung tao. At total may SAKIT yung WALANGHIYA kong ASAWA. Kailangan kong muna siyang alagaan.
"Sir?"
"Ah! Sorry Mildred. Ipacancel mo na lang muna at sabihin mo na nagkasakit yung asawa ko kaya hindi ako makakaatend. Understood?"
"Okay sir, pero kailan niyo ipapareschedule ulit yung meeting? Kailangan niyo po ito. Malalaking kompanya po ang mga umattend at nakikipagnegotiate sa atin sir."
"Yeah,yeah. I know that. Pero kailangan ko muna alagaan yung asawa ko eh. Ipareschedule mo bukas. I'm sure bukas ako makakaattend. Emergency lang talaga."
"Okay sir."
"Thank you Mildred."
"Your welcome Sir."
Malaki talaga tiwala ko kay Mildred. Secretarya ko siya at sobrang sexy niya talaga pero may asawa na ito at anak. Sobrang mahal niya talaga yung asawa niya kasi isang araw tinry ko siyang iseduce pero na failed ako. Sobrang swerte talaga nung asawa niya biruin mo boss niya ako at tinry ko siyang iseduce pero tapat pa rin siya sa asawa niya. Hindi katulad ng asawa ko na pinabayan ko lang siya, ayun may kalandian na.
Ibinaba ko na yung cellphone ko at pumasok ulit sa kwarto niya. Pinagpapawisan na siya. Pano ito hindi ko alam gagawin ko. Madami akong alam sa mga business o kaya pagdating sa pera pero katulad nitong mga sitwasyon wala akong alam. Kapag nagkakasakit ako si mama lang ang nag-aalaga sa ak---in. Oo nga, tatanungin ko kay Mom kung paano mag-alaga ng may sakit na tao.
Bigla ko ulit kinuha yung cellphone ko at idinial yung cellphone number ni Mom. Pagkaring ng isang beses ay may sumagot na.
"Oh hi son, Ngayon ka lang ulit tumawag sa akin ah. Buntis na ba si Lucky? Magkakaraon na ba kami ng mga apo?"
BINABASA MO ANG
A Wife's Suffer
RomanceIsang babae hindi sinasadyang gawin ang kanyang kasalanan sa lalaking mapagmahal at mapag-aruga noon. Makakaya kaya niyang makuha puso ulit nito kung kailan bulag na ito sa pag-ibig ng iba?