Chapter 8: The Sick Person

141K 1.9K 66
                                    

A/N: Sorry po Guys! Kung ngayon lang po ako nag update kasi po umalis po ako with my family somewhere. O sige na nga kung saan kami pumunta. Pumunta po kami sa BAGUIO! Yes "Baguio" kaya po sorry po kung nagyon lang p ako makakapag-update. Next update po may idededicate na po akong tao. Secret muna kung sino yun, pero nasa utak ko na yung username niya. So, here's the next chapter!

LUCKY'S POV

Pagdating ko sa bahay, ay umakyat na ako sa kwarto ko. Grabe! Nakakapagod ngayong araw na ito. Di ko alam kung napagod ako dahil sa nakita ko kanina na may kahalikan si Stephen na kulang na lang ay may milagro na magaganap o yung mga masasamang tingin at yung mga pananalita o yung mga salita na ipinapahiya ko daw siya sa mga kaibigan niya. Ganito na lang ba araw-araw? Lucky, ba't ba hindi ka ba mapagod? Ha! Sino ba yung hindi mapapagod eh mahal mo nga siya Lucky diba? Sabi mo noon gagawin mo lahat para lang mapamahal ka lang ni Stephen. Pero hanggang ngayon Lucky, ba't wala pa rin improvement? Ba't hindi mo pa rin mapa-ibig si Steph? O baka bulag pa rin Stephen sa nakaraan niya. Baka bulag pa rin siya sa pag-ibig nung babaeng yun. Nakakainggit naman siya. Siya pa rin yung mahal ni Stephen kahit wala naman siya sa tabi niya pero ako na nandito na nga ako sa tabi niya at inaasikaso ko siya hindi pa rin niya ako pinapansin.

Kailan pa Stephen? Kailan mo pa ba ako mapapansin kung kailan konti na lang mabibitaw na kita, kasi tao lang rin naman ako eh napapagod rin ako o may limitations rin ako pero hindi ko alam kung kailan yun. Sana pwede ko masabi sa iyo ito eh. Hay....Pagod na ako sa araw na ito. Kailangan ko muna maligo at matulog para bukas may lakas pa ako na maharap ko si Sephen. Bumangon na ako sa pagkakahiga ko sa kama at pumunta na sa CR para maligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng pantulog ay humiga na ako sa kama. Wala na akong pakielam kung magkasakit ako bukas. Kaya ko naman alagaan yung sarili ko eh. Tsaka wala naman siyang pakielam kung mgkasakit ako, matutuwa pa ata siya kung magakakasakit ako kasi pag ganun it's either malapit na ako mamatay kapag hindi ko pinagaling yung sarili ko o magagalit lang siya sa akin kasi hindi pa ako tinuluyan.

Bahala na talaga bukas kung magalit siya sa akin dahil sinampal ko siya, bahala na......

Paggising ko ay bigla bumigat yung katawan ko at parang ang lamig naman ata ng kwarto ko pero hindi naman nakabukas yung aircon. Ah. Oo nga pala. Hindi ko pala muna binowlower yung buhok ko. Pinabayan ko lang na basa yung buhok habang natutulog ako kasi nga pagod ako non.

Pero kailangan ko pa rin paghandaan si Stephen. Wait lang. Kaya mo ito Lucky, dati naman kaya mo naman yung sarili mo nung nagkasakit ka diba? Gagaling ka rin Lucky, basta pagkatapos mong paghandaan si Stephen tapos kapag nakaalis na siya ay makakapagpahinga ka na rin. Binangon ko na yung sarili ko kahit masama na talaga yung pakiramdam ko. Hindi ko dapat ipahalata kay Stephen na may sakit ako baka sabihan na naman niya ako na masasakit na salita na wala pala akong kwentang babae tapos mahina rin naman ako. Ayoko. Ayoko na sabihan na naman niya ako ng ganun.

Pagkababa ko na nakapambahay ay nagulat ako na nandoon na si Steph sa hapag kainan at umiinom ng kape. Tiningan ko yung wall clock namin at late na pala ako nagising. Tsaka mabagal pa ako kumilos dahil sa lagnat ko.

Nang nakababa na ako sa hagdanan ay biglang nagsalita si Steph.

"Ba't ang tagal mong bumaba?" humihigop siya ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. Kung pwede ko lang sabihin na ikaw yung dahilan.

"Ah, nalate lang ako ng gising. Sa susunod, hindi na mauulit." sabi ko. Pumunta ako sa kusina tapos binuksan yung ref namin para maghanap ng tubig tapos ay binuksan ko naman yung cabinet para sa baso tapos ay isinalin ko na yung tubig sa baso para makainom ako.

"Talagang hindi na mauulit. Ganito ba ang isang asawa na hindi man lang pineprepare ang asawa niya ng almusal?" nagulat ako kasi nasa kusina na siya. "Hindi ka man lang mag sosorry sa akin kahapon dahil sa pagsasampal mo sa akin huh?!" hindi ko alam na malapit na pala siya sa akin pero masama talaga yung pakiramdam ko. Nilapag ko yung baso sa counter tapos ay hinarap ko siya ng bored na look.

"Ba't ako magsosorry sa iyo eh hindi ko naman kasalanan yun." sabi ko sa kanya. Biglang kumunot yung noo niya at nag-uusok na yung ilong niya.

"Aba! Sumasagot ka na sa akin ha. Kasalanan mo yun dahil lumalandi ka! Alam mo na nga may asawa ka tapos lumalandi ka! Tingnan mo kahapon ang daming tao na tumingin sa iyo tapos nakakahiya ka sa kani----!" Sumosobra na siya ah! Sinampal ko na siya bago pa niya dugtungan. Buti nga hindi niya nahalata na mainit yung dumapo sa pisngi niya.

Hindi ko na kaya, tumulo na yung luha ko. "Yan! Hindi rin ako magsosorry dahil sinampal kita. Sinasadya ko rin yan. Para ipamukha ko sayo na wala kang karapatan o para matauhan ka man lang na wala akong kasalanan at wag mo sa akin ipasa yung mga kahihiyan na binibigay sa iyo ng mga tao dahil sa akin kasi sa totoo lang ako pa yung sinasabi mong malandi?!" tumigil muna ako para makahinga ako at sumandal muna ako sa counter dahil nanghihina ako. "Wag mong sabihin na ako lang yung malandi sa ating dalawa dahil IKAW! IKAW pa nga yung mas malandi sa ating dalawa! Hindi ako malandi dahil sa una pa lang yung ikaw pa nga yung may kahalikan na babae tapos kulang na lang ay may milagro na mangyari!"

"Dahil siya ineentertain niya ako, eh ikaw? Pag nakikita ko yung mukha mo gusto ko na ipabasura sa ilog eh!" Aray! Yung puso ko nasasaktan na! Tinutusok niya.

"Ah ganun, kung ganon, yung lasenggero kasi lumapit sa akin kasi gusto niya na ineentertain niya ako at inaalok pa nga niya ako sumayaw eh. Ngayon, pantay na ba tayo?!" sigaw ko sa kanya, yung hininga ko parang nauubusan na nga hangin at pinagpapawisan na ako. Tumingin ako sa kanya ng diretso. "Buti nga eh, may (hingal) tumulong (hingal) sa (hingal) akin eh. Buti nga yung tao eh niligtas niya ako. Eh ikaw nasaan ka ayun nakikipaghalikan ka pa rin tapos lumapit ka lang sa akin kasi nakikita na yung lahat ng tao doon sa bar tumitingin sa akin kaya ka lumapit sa akin at ipamukha na pinapahiya kita sa kanila! Sa totoo nga, ako pa yung mahiya kasi ako lang yung nakasuot na simple o kaya out of place yung suot ko, tapos sabi nila na yaya mo lang daw ako tapos tiningnan ka na mga tao kasi yung cause ng fight nung dalawa kung saan ikaw dapat yung nasa place ni kuya na tumulong sa akin. Alam mo yun, ang sakit sakit sa akin yun eh. Tapos pinapamukha mo ako kahihiya sa mga kaibigan mo? Sana naman Stephen pakibawasan yung ego mo o yung pride mo."

"Kasi ako napapagod rin ako Stephen, tao lang rin naman ako eto sinasabi ko na sa iyo na (hingal) may limitations (hingal) rin ako. Napapagod rin ako Stephen." Nahihilo na ako. Nilagay ko yung kamay ko sa noo ko. Shit! Ang init ko. Kailangan ko ng magpahinga. "Sige na Stephen, umalis (hingal) ka na. Malalate ka na oh." Tinuro ko sa kanya yung wall clock.

"Lucky, kanina ka pa hinihingal dyan. May sakit ka ba?" Nilagay niya yung likod ng kamay niya sa noo ko pero iniwasan ko yung noo ko. Ayoko na mag-alala siya sa akin kung may pakielam siya sa akin.

"Malalate ka na Stephen tsaka wala ito. Sige na umalis ka na."

"Lucky! Wag kang magmatigas ng ulo! May lagnat ka ata eh. Halika iaakyat na kita sa taas." aalalayan na niya ako pero tinulak ko siya. Ayaw ko siyang mahawa sa akin. Baka ako pa yung sisihin niya kapag nagkasakit naman siya. Argh! Ang sakit ng ulo ko. Nabibigatan na yung katawan ko.

"Wag kang lumapit sa akin, kaya ko naman eh. Tsaka mahahawa ka sa a-------kin" Then eveything went blank.

A/N: Dyan muna tayo Guys! Sa Saturday na yung next chapter nito. Sa next chapter naman ay si Stephen naman yung POV. Excited? Tsaka yung idededicate ko sa nex chapter kung sino ka man ikaw yung unang tao na naapreciate ko dahil binasa mo itong story ko. Thank YOU! Guys! 758 reads na tayo Guys! Keep reading and vote! Uy! magcomment kayo ah! God bless all of you!

Note: August 23, 2014 will be the next update!

Goodluck FloralBriders! -FloralBride ;)

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon