Chapter 29: Sweet Home

106K 1.2K 46
                                    

A/N: Ok, uhm what can I say? Aish! Hindi ko na alam, nababangag na ata si Author.  Masaya po ako at natapos na rin yung exam namin. Hell week has passed and I'm so very happy! Masaya rin po ako kasi ang dami po nagsusuporta sa story na ito. Ang inspirasyon ko lang naman kayo mga FloralBriders. Wooh! Patuloy po natin suportahan ito guys! Here's the next chapter.

LUCKY'S POV 

Matapos yung special dinner nila ni Stephen ay niligpit ko na at natulog na ako kasi hindi ko pa rin mapigilan yung mga ungol na ginagawa nila sa guestroom. Nandidiri, oo. Nakakaiyak, oo. Nakakasakit, oo pero wala naman ako magagawa eh isang hamak lang ako katulong sa paningin niya hindi man lang asawa. Yung turing niya sa akin parang punching bag na pinagsusuntok at pinagsasaktan kahit saan at hindi buhay may asawa. Kailan pa ba matatapos itong katangahan ko? Kailan matatapos itong kalbaryo ko sa kaniya? Sana matapos na ito para ayoko na maranasan yung hirap at sakit, gusto ko naman sumaya kahit papaano.

Pagkagising ay ginawa ko na yung morning routine ko. Pagkatapos kong gawin ay hindi ko maiwasan na kabahan dahil late na ako nagising baka kasi magalit na naman si Stephen kaya sinilip ko muna yung labas ng kwarto ko at tiningnan ko sa side kung may Stephen pero wala. Sunod naman ay lumabas na ako, kahit kinakabahan ay pumunta ako sa guestroom. Nang nasa harap na ako ng guestroom ay hindi mapigilan ng kamay ko manlamig at manginig kaya kahit ganito yung sitwasyon ng kamay ko ay pinihit ko pa rin yung door knob at laking pasasalamat ko dahil wala na sila sa kwarto pero balik ulit ito sa dati na marumi at bakas na marami silang ginamit na condom. Nilinis ko muna yung guestroom at nung alam ko na malinis ay lumabas na rin ako.

Pagkababa ay pumunta ako sa dining room kasi doon karaniwan ko siya nakikita kapag bumababa ako kapag late na ako ng gising pero wala doon si Stephen. Inikot ko yung lahat ng kwarto dito sa baba at wala ngang senyales na nadito siya kaya nakahinga na ako ng maluwag dahil baka kapag naabutan niya ako ay sasaktan na naman niya ako. Pagsasalitaan ng masasakit na salita. Umiling na lang ako. Naghanda na ako ng agahan ko at kumain rin ako mag-isa. Ganito, ganito lang yung gusto ko kahit mag-isa lang ako atleast tahimik at na eease naman yung nararamdaman kong kaba at takot. Oo nga kulang pero wala naman ako magagwa eh hindi naman ako mahal ng kinakasama ko dito sa bahay. Ako lang nagmamahal. Hindi ko na namalayan na tumulo na naman yung luha ko kaya pinahid ko ito at sinimulan ko na maghugas ng pinagkainan ko. 

Habang nagtatrabaho ako sa laptop ay may kumakatok sa pinto. Sino naman iyon? Kaya dali-dali ako pinatong muna yung laptop sa coffee table at pinuntahan yung pintuan. Pagkabukas ng pintuan ay hindi ko mapigilang magulat at matuwa dahil

"Bessy! Miss na kita!" Si Nikki yung bumungad sa akin. Sa hindi ko mapigilan ay niyakap ko siya ng sobrang higpit at ganun rin siya.

"Uhm Bes...sy, hi...hindi ako ma...kahinga." bigla naman ako kumalas ng yakap. Hindi ko talaga mapigilan na mamiss yung bestfriend ng buhay ko kasi naman sobrang busy na rin niya dahil may asawa at anak na siya. 

"Uhm Bessy nandyan ba yung asawa mo? Paano ka nakapunta dito?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko yung likod niya kung nanduon sa labas yung asawa niya at hinihintay siya pero wala naman sasakyan.

"Ah nagpahatid lang ako kay Raniel kasi may trabaho pa siya sa school tsaka si Nicole naman hinatid na rin siya. Nung una nga gusto niya sumama sa akin kasi alam niya na pupuntahan kita pero hindi pwede naman kasi may school pa siya kaya ayun nalungkot lalo pero sabi ko naman pagbalik ko may cake siya galing sa iyo." nagulat naman ako sa sinabi niya. Kasi naman bakit yun pa yung sinabi kay Nicole pero okay na rin naman kasi mahilig rin naman ako magbake tsaka pambawi na rin kasi hindi ko pa pala siya nabigyan ng regalo. Wala talaga akong kwentang Ninang.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon