A/N: As I promised yesterday, ngayon po ang update ng AWS! 2,400+ reads na tayo Guys! I'm so happy talaga! Salamat po sa pagcomment niyo po nung last Chapter, sobrang tuwa ko po nung nagcomment po kayo apat na iyon! Alam niyo yun kung sino kayong apat na tinutukoy ko. Salamat at sobrang saya ko nung nasundan niyo yung hinihingi ko sa inyo na favor. ;)
LUCKY'S POV
Sobrang saya ko talaga nang inaya ako ni Stephen para magbaskyon tsaka sa Boracay pa talaga. Sa totoo lang gusto ko na talaga makapunta sa Boracay kasi doon nagkakilala sina Mama at Papa. Ang sabi ni Mama sobrang espesyal talaga nung araw na iyon kasi doon rin nila ako ginawa. Hahahaha! Sabi nila Lucky ang ipinangalanan sa akin kasi maswerte daw ako na nabuhay pa daw ako. Nung ipinanganak ako kasi ni Mama non bigla daw tumigil yung pagtibok ng puso ko. Akala nila Mama non wala na ako pero pagkalipas ng sampung segundo bigla na lang daw ako umiyak at bigla daw tumibok yung puso ko. Laking pasasalamat nila kay Lord non kasi nabuhay pa ako non. Simula non naging Lucky yung pangalan ko. Ah! Meron pa pala, nagbankrupt si Papa non bago ako pinanganak. Pero nung lumabas daw ako biglang bumangon yung kompanya namin. Hindi na ulit daw nabankrupt yung kompanya namin.
Hay....Buti pa si Mama at Papa na tingin nila sa akin na maswerte sila nung pinanganak ako pero ako paano naging maswerte yung buhay ko nung naging Lucky yung pangalan ko eh mukha ngang simula nung isinalang ako sa mundong ito puro kamalasan nung dumating sa akin.
*One message received*
Biglang nag-ilaw yung cellphone. Tiningnan ko kung sino nag text. Pagkabukas ko nung message sobrang laki ng ngiti ko nung nakita ko kung sino yung nagtext.
*From: Jenny
Hoy Lucky! Musta ka na? Kakauwi lang namin ni Troy nung isang araw galing sa honeymoon.
*To: Jenny
Eto, mabuti naman. Wow! Edi nasulit na ninyo yung oras na magkasama kayo?
*From: Jenny
Siyempre, kasi pag-uwi namin dito sa Pilipinas magiging busy na siya sa amin ng dalawa kong anak.
To: Jenny
Ha? Dalawa? Eh diba si James pa lang naman yung anak mo? Wait? Ibig sabihin buntis ka na naman?!
*From: Jenny
Oo Girl! Tumpak ka dyan! Sobrang saya nga ng mag-ama ko kasi magkakaroon na daw si James ng kapatid. Hindi na nga daw makapaghintay si James kung babae o lalaki yung magiging kapatid niya. Hay naku Lucky! Ang tagal mo ng hindi nagparamdam. Na miss tuloy kita!
*To: Jenny
Oo nga eh. Sorry kung hindi ako nagparamdam sa inyong tatlo. Naging busy lang ako. Alam mo na, na buhay mag-asawa.
*From: Jean
Hay naku! Lucky kung alam ko lang na sinasaktan ka ni Stephen tsaka nambabae yan, Naku! Susugurin ko iyang asawa mo. Ay! Oo nga pala, before I forgot niyaya ka ba ni Stephen na pumunta sa Boracay?
*To: Jenny
Huh? Pano mo nalaman? Ikaw ba nagbigay sa amin ng ticket papuntang Boracay?
*From: Jenny
Yes! Ako nga! Regalo na namin ni Troy yan sa inyo kasi hindi kami nakapagbigay ng wedding gift sa inyo non. So, bali yan na yung wedding gift namin sa inyo. Tsaka, naisip namin kayo nung naghoneymoon kami ni Troy, pano ba naman hindi man kayo naghoneymoon nung pagkatapos niyong ikasal. So Goodluck sa Honeymoon niyo sa Boracay! At oo nga pala! May pinadala akong additional gift para sa iyo naman iyon. Kaya baka nandyan na yung gift ko para sa iyo.
BINABASA MO ANG
A Wife's Suffer
RomanceIsang babae hindi sinasadyang gawin ang kanyang kasalanan sa lalaking mapagmahal at mapag-aruga noon. Makakaya kaya niyang makuha puso ulit nito kung kailan bulag na ito sa pag-ibig ng iba?